Chapter One - An Interview with the Devil

297 5 2
                                    

Chapter One

-An Interview with the Devil-

Nero’s POV

Matiyagang naghihintay si Nero na tawagin ang kaniyang pangalan. Pilit niyang kinalma ang sarili. Kasalukuyan siyang nag-a-apply sa isang publishing company bilang isang secretary. Lihim siyang nagdasal na sana ay matanggap siya doon. Ito na ang pang-limang kumpanyang in-apply-an niya sa linggong iyon.

Twenty-seven na siya ngunit wala pa ring nangyayari sa buhay niya.

Ni hindi niya alam kung anong purpose niya sa buhay. Namulat siya na hindi kilala ang kaniyang tunay na magulang. Tanging si Amber lamang ang nag-alaga sa kaniya. Inaruga siya nito tulad ng isang ina sa kaniyang tunay na anak.

Noon, tinanong niya ito kung nasaan ang kaniyang mga magulang. Subalit ayon dito, ibinigay lamang siya ng isang babaeng hindi nito mamukhaan. Natatakpan ang mukha nito ng hood na suot nitong cloak. Nakiusap ito na itago siya at hayaang mabuhay tulad ng isang normal na bata.

“Mr. Nero Hudson!”

Sa wakas ay tawag sa kaniya ng isang babaeng lumabas mula sa pinto ng opisina ng CEO. Mabilis siyang tumayo at lumapit ditto. Binuksan nito ang pinto at pinauna siyang pumasok. Bahagya itong ngumiti sa kaniya bago lumabas ng kwarto.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng opisina. Makikita ang pagka-masculine ng interior design niyon. Puti ang kulay ng dingding na nagpapalitaw ng kulay na brown ng mga furnitures na nasa loob ng kwarto. Vinyl naman ang sahig niyon. Makikita ang isang lamesa sa gitnang bahagi ng kwarto at ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakayuko ito at may kung anong binasa.

Pinagmasdan niya ang lalaki. Malapad ang mga balikat nito. Matangos ang ilong at mapulang mga labi. Nakatali ang hanggang balikat na buhok nito. Alon-alon iyon.

Inatake siya ng matinding kaba ng mag-angat ito ng mukha at tumitig ng diretso sa kaniyang mga mata. Ikinuyom niya ang mga  palad ng makita ang bughaw na mga mata nito. Inayos nito ang salamin sa mata.

“Mr. Hudson. Take a seat.”,anito sa baritong boses

“Yes, sir.” Mabilis siyang umupo sa upuan na nasa tapat nito.

Nakita niya ang binabasa nito. Resume niya iyon. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Pagkaraa’y tumayo mula sa kinauupuan nito. Ibinulsa ang dalawang kamay, at tumalikod upang humarap sa glass wall sa likod nito.

“Tell me something about yourself.”, anito.

“Nero Hudson, sir. Twenty-seven years old. I’ve graduated from Adamson University.”

“Sa tingin mo ba matatanggap ka dito? Napakababa ng grades mo. It took you six years to finish your course.”

Dinunggol siya ng kaba. Tama naman ito. Halos puro pasang-awa ang mga grades niya. He failed two subjects way back then. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao.

“Sir, kung titignan niyo ang grades ko, maaring ma-disappoint kayo. Pero hindi niyo ako nakita sa anim na taong pagsisikap kong makatapos. Ang araw araw na pagpasok ko sa University. Maaring hindi ko kasing talino ang mga nag-a-apply na Validictorians o ang mga may honors. But I’m the type of man who tries his best just to fulfill my duties. Aside from being hard-working, I can give you my loyalty, Sir.”

“Bakit gusto mong pumasok sa kumpaniyang ito?”

“Because, I want it. This is my dream. And I badly need it. My guardian…” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang panginginig niyon. “She.. she has a heart complication. Kailangan ko ng pera para mailigtas ang buhay niya.”

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon