Tagalog Quotes 121-150

11.7K 13 2
                                    

TAGALOG QUOTES 121-150

121.    Energy drink ka ba? Mukha ka kasing COBRA eh

122.    May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang wakasan. Yung tipong ayaw mo ng umasa pero gusto mo pang maghintay

123.    Paano ka makakamove-on sa isang tao kung isang text niya lang sa’yo bumabalik ka sa pagiging tanga?

124.    Pag nagmahal ka ba makokontrol mo? Di mo kaya magdikta ng puso lalo na pag sobrang mahal mo yung tao. At sa batas ng pag-ibig walang umiibig ng hindi lumuluha. Masakit lang talaga pag naaalala ko yung nakaraan

125.    Boy: Bakit wala ka pang boyfriend? Girl: Parang ayaw mo pa kasi eh. Eh ikaw, bakit wala ka pang girlfriend? Boy: Eh ayaw mo pa nga kasi

126.    Sabi nila, HINTAYIN ko daw ang taong para sa’kin, eh paano kung naghihintay din siya? Paano na kami? NGA NGA

127.    Masakit pag ang taong mahal mo walang oras para sa’yo. Masakit pag nakita mong may oras siya sa iba. Di ba niya naisip na nawalan ka din ng panahon para sa iba dahil sa kanya?

128.    Sayang yung mga magaganda na “sana” pumapanget lang dahil sa masamang ugali

129.    Bakit ako magpapakatanga na umiyak sa tulad mo, kung may mga taong nagmumukhang tanga mapangiti lang ako

130.    Ang sarap magkaroon ng kaibigan na sa bawat kwento niya, nakakarelate ka

131.    Dati ang pang-aasar ng mga barkada nakakainis. Ngayon nakakamiss

132.    Ama: Kapag ikaw bumagsak sa test, kalimutan mo nang may ama ka. Anak: opo. Kinabukasan. Ama: oh anak musta exam? Anak: Who you?

133.    Minsan may mga bagay na hindi natin nabibigyan ng pansin. Saka lang natin masasabing mahalaga, kapag wala na ito sa atin

134.    Kailanman hindi mo mapipilit ang isang tao sa mga bagay na ayaw niya. At kung mapilit mo man siya asahan mo, hindi siya masaya

135.    Pano ka maniniwala sa word na “believe” kung may “lie”sa gitna? Masasabi mo bang bf ang magfriends kung may “end” sa dulo? At ang “lover” masasabi mo din bang forever kung may “over?” buti pa ang family walang lie, walang end at walang over. In fact may ILY sa dulo, meaning I love you

136.    Kapag ako nagselos hindi ko sasabihin, hindi ko rin ipapahalata, yayakapin na lang kita at ibubulong ko “isang lapit pa sa kanya, malaya ka na”

137.    Huwag kang magalit sa taong mabilis magtampo, sobrang mahal ka lang niya kaya apektado siya sa maliliit na bagay na ginagawa mo

138.    Ang babae parang Barbie yan, pwede mo paglaruan at kapag naluma na pwede mo itong itapon at ipamigay. Pero tandaan mo, ang tunay na lalaki hindi naglalaro ng Barbie

139.    Gusto ko na umiwas dahil ako rin ang nasasaktan. Gusto ko na lumayo dahil ako rin ang nahihirapan. Mahirap pala magmahal ng taong may masayang mundo, at ako ang tinatawag na pampagulo

140.    Pag ako nagmahal kahit libu-libong magaganda pa ang masalubong ko ito ang tandaan mo, mapapalingon nila ako pero hindi ang puso ko

141.    Mali ang sumuko sa isang tao na alam mong mahal mo pa. Pero mas mali ang gumamit ng iba para lang kalimutan mo siya

(TANDAAN: Wag na wag gamitin at paglaruan ang puso ng isang tao kasi hindi yan ginawa ni Lord para paglaruan, ginawa niya yan para MAHALIN at ALAGAAN)

142.    Ayoko munang magsalita, hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana

143.    Hindi mo naman mamimiss ang isang tao kung hindi siya mahalaga sa’yo

144.    Huwag mong gamitin ang istura sa pagpili ng mamahalin, dahil kahit kelan hindi tumibok ang mukha

145.    Ang taong pinakamahirap tanggalin sa isip mo ay yung taong kahit hindi kayo napapangiti at binubuo ang bawat araw mo

146.    Minsan kailangan mong makalimot para ikaw naman ang maalala. Pano pag di ka naalala? Simple, edi wala kang halaga

147.    Alam mo kung ano ang hirap sa ibang tao? Madali para sa kanila ang manghusga pero bulag pagdating sa sarili nila

148.    Simpleng love life lang naman ang gusto ko, tama na sakin yung mahal mo ko at mahal kita, yung makasama ka di man araw araw pero siguradong may oras tayo para sa isa’t isa. At syempre yung pangako ko na di na ako hahanap ng iba

149.    Sa tamang panahon may isang tao na magpapatunay sayo kung bakit ka para sa kanya at hindi para sa iba

150.    Ang hirap pag hindi mo masabing mahal mo siya o gusto mo siya. Hindi mo magawang alagaan siya, pero mas mahirap kapag nawala siya sa buhay mo ng di mo man lang nasasabing “Alam mo ba mahal kita, sobra”

Phone QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon