PDA: Chapter 2

13.4K 156 8
                                    

Kathryn's Pov

"DJ, Baby!"

Napalingon naman kaming lahat sa sumigaw. Napatayo kami ni DJ ng makita namin Kung Sino iyon

"Nakabalik na Siya" Bulong ni DJ












"Ninong Vice!" Sabay naming sigaw at yinakap Siya

(Meet Vice- Kapatid ni Karla na Mommy ni Daniel. Dahil may company si Daddy at Tito Rommel at ayaw naman magtrabaho ni Mommy at Tita Karla, Si Vice ang Principal ng school na toh. Pumunta Siya sa America dahil na "heart broken" daw siya. Hindi kami napapagalitan ni DJ kapagPDA kami Kase sabi ni Ninong Vice nakakakilig at ang cute daw)

"OMG! Kailan Ka pa nakabalik?" Sabi ko at Bumitaw na kami sa yakap

Sanay na kami sa ganito. Hindi kami nagp-po at opo. Tsaka Vice lang ang tawag namin sa kanya. Bakit? Trip Lang!

"Kagabi lang! At Hoy, nakita ko yung kanina!" Sigaw ni Vice

"Kanina?" Pagmaangmaangan ni DJ

"Lokohin mo Lola mo! Yung naudlot niyong kiss!" Sigaw ni Vice at Ngumuso pa

"Ahh, yon" Daniel

"Oo, iyon nga pala Juniors and Seniors please proceed to the theater thank you" Vice

Nagsitayuan ang mga estudyante at nagpunta na sa gym. Maya maya ay pumunta na din kami. Dahil ginagawa ang gym ay masikip dito kaya nagsisiksikan at nag-uunahan ang lahat para makaupo. Mga mahahabang bench lang kase ang upuan dahil nga ginagawa ang gym. Pero dahil kami ang may ari ay nakaupo kami. Arragement namin ay Les-Kats-DJ-Ako-Miles-Sed. Nasa stage na si Vice at ang iba pang officials sa school pero madami dami padin ang hindi nakaupo

"Sa mga nakaupo, usog usog naman para makaupo ang lahat" Sabi ni Principal Vice XD kaya nagsiusugan naman sila pero dahil maganda ako umusog na lang din ako. Hahaha, ano connect? Ngayon dalawa na lang ang nakatayo

"Babe, tayo ka muna" Sabi sakin ni DJ kaya tumayo naman ako

"Oh, usog na!" Sigaw ni Daniel at nag-usugan naman sila kaya ngayon ako na lang ang nakatayo

"Where will I sit?!" Sigaw ko kaya napatingin naman lahat samin

"Edi dito!" Hinila ako ni DJ kaya ngayon ay nakakalong ako sa kanya

"Ayy Taray! May pakalong kalong pang nalalaman! Oh siya, harap na ulit lahat dito" Vice

Salita lang ng salita si Vice pero hindi ako nakikinig XD Sumandal na lang ako kay DJ habang ang mga kamay naman niya ay nakabalot sa bewang ko

"Ang landi niyo talaga, may pakalong kalong pa" Pabulong na sabi ni Miles kaya ang barkada lang ang nakarinig

"Edi kung hindi ako kumalong nakatayo naman yung dalawa, kawawa naman" Ako

"Hahaha, ang taba mo pala Kath. Tignan mo, pang dalawang tao pa ang inoccupy mo" Kats

"Che" Ako

"Wag mo ngang asarin ang baby ko. Pag ito hindi kumain, malilintikan ka talaga sakin" Sabi ni Daniel at hinigpitan ang yakap sa bewang ko

"If I know, gusto mo lang makalong si Kathryn" Lester

"Ang iingay niyo. Makinig na nga lang kayo" Sed

Dahil mabait kami ay sinunod namin si Daddy Sed. Ang boring -_-

"Alam niyo naman na sa intrams natin ay ang juniors at seniors ang magkalaban diba? Ngayon ay pipili kayo ng magiging representative ng inyong batch para sa Muse and Escort. Simulan na natin ang nominations. Seniors muna para sa escort. Tatlo lang" Sabi ng head ng P.E. Department

"I nominate Jerome Ponce" Sabi ng isang babae kaya tumayo naman si Jerome

"I nominate Daniel Padilla" Sabi ni Miles. Tumayo muna ako para makatayo si DJ tapos nung nakatayo na siya ay umupo na ako

"I nominate Enrique Gil" Sabi ng isang bakla :P

"Let's start the voting. Just please raise your hand. How many wants Enrique?" Siguro mga twenty lang ang nagtaas ng kamay

"How about for Jerome?" Mga five lang :P

"For Daniel?" Lahat ng hindi pa bumuboto ay nagtaas ng kamay

"Ok, Daniel it is. Now, for the muse" Tumayo ako para makaupo na si DJ tapos umupo na ulit ako sa lap niya

"I nominate Kathryn Bernardo" Sigaw ni Lester

"Whoo! Whoo!" Hiyaw ni Sed, Kats at ni DJ kaya tinignan ko sila ng masama. Napatahimik naman sila

"I nominate Julia Barretto" Sabi ng best friend ni Julia na si Jane

"I nominate Barbie Forteza" Sabi ng isang bully kaya nagtawanan ang lahat ng tao. Si Barbie kase ay isang nerd. Walang may gusto diyan. Lahat inaaway at pinagtatawanan siya at kasama na doon sila Kats

"Students Quiet! It's not funny. How many want Barbie?" Kroo,Kroo. Tinignan ko si Barbie at nakita kong napayuko siya. Wala man lang nagtaas ng kamay kaya nagtawanan ulit sila. Kasama na doon si Kats, Les at DJ. Dahil nakakalong ako kay DJ ay nasa ibaba lang ng paa ko ang paa niya kaya inapakan ko agad yun. Napatigil tuloy siya sa kakatawa

"Aray, ba't mo ginawa yun?" 

"It's not funny Daniel. Maawa ka naman" Ako

"Ok, I'm sorry. Les, Kats, at ang iba pa Tama na!" Sigaw ni Daniel. Tumahimik naman ang lahat. Kinakatakutan kase nila si DJ. Sumandal na ulit ako sa kanya at yinakap na niya ulit ang bewang ko. Napatingin ako kay Barbie at nakita kong nakatingin siya sakin. She mouthed the words 'Thank you'. I just smiled

"Okay, thank you Mr. Padilla. Back to topic, how many want Julia?" Tatlo lang ang nagtaas ng kamay. Alam niyo kung sino? Siya, at ang dalawa niyang kaibigan na si Jane at Janella XD

"Kathryn?" Nagtaas naman ng kamay ang lahat

"I guess our Muse and Escort for the seniors is Mr & Mrs PDA" Sabi ng Head ng PE Department at nagpatuloy na sa Juniors. Sanay na kami diyan. Lahat ng tao kilala kami bilang Mr & Mrs PDA kahit ang mga magulang namin. Hindi naman kami naooffend ni DJ. Actually, nacucute-an pa nga kami ehh. Tsaka alam naman naming totoo yun. Kase naghahalikan at nagyayakapan kami kahit saan. Kahit sa harap pa ng mga magulang namin. Mag-syota na kaya kami simula grade 5. What a term, syota -_- Hahaha! 

Dahil kinakausap ko kayo sa aking isip ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang botohan para sa Juniors. Ang nanalo ay si Sue at Paul

"Our intrams will happen next week. Principal Vice, do you want to say anything?" Sabi nung guy at binigay kay Vice yung Mic

"Juniors, wala na akong sasabihin sa inyo kaya, pwede na kayong umalis. Pero seniors, stay. Pag-uusapan natin ang project niyo" Nagsialisan na ang mga Junior. Dapak! First Day of School project agad? Anak ng meant to be naman! 

"Dahil nandito na kayong lahat, at pareho lang naman ang project niyong lahat ay ngayon na lang namin sasabihin. Dahil medyo mahirap ang project ay pwede kayo pumili ng kahit na sinong gusto niyo maging partner basta dapat classmate niyo" Syempre, si Daniel partner ko! Dahil kami nga ang may ari ng school, classmates kaming anim. "Ang gagawin niyo ay kailangan niyo mag interview ng isang pamilya. Tungkol sa paano nila namamanage ang kanilang budget. Siguro ngayon iniisip niyo na mahirap ba yun? Well, ito ang mahirap kailangan isang pamilya na nakatira sa depressed area-" Hindi na tapos ang kanyang sasabihin dahil biglang 

"Ewwie!" Sigaw ko at agad namang tumayo. Napatingin naman sakin ang lahat. Hindi ko napigilang magreact ehh

"Kath, may problema ba?" Sabi ni Vice

"Like, Uhmm......Hello?! Buong buhay ko nakatira ako sa isang malapalasyong bahay! How do you expect me to survive there? Kahit isang oras lang, hindi ko kakayanin! Kadire doon!" Sigaw ko

"Im sorry Kath, wala na tayong magagawa. Ang tatay mo ang nagsabi na ito ang magiging project niyo. At sabi niya din na kapag hindi niyo ito ginawa at hindi kayo makakagraduate. Kahit anak ka pa niya. Kaya please sit down" Vice

Ughh! Daddy? How could he? Paano niya nagawa sakin toh?!

Mr & Mrs PDA (KathNiel)Where stories live. Discover now