CHAPTER 12

2.7K 67 2
                                    



CHAPTER 12




BIANCA'S POINT OF VIEW




" Wag ka nang magpakita sa akin...I don't want to hurt you.."



" Sa tingin mo hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo ngayon ?" kalmadong tanong ko kahit pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko. I clenched my fist , trying to hold my tears. Tumingala ako nang maramdaman kong nagtutubig na ang mga mata ko.





" Well , mas lalo kang masasaktan kung pinipilit mo pa ang sarili mo sa akin. " hindi ko alam kung paano niya nagawang maging kalmado at relax lang sa sitwasyon namin ngayon. HIndi ba siya naguiguilty sa nangyayari sa akin ngayon ?





" Look who's talking.." I sarcastically chuckled kaya napalingon siya sa akin nang salubong ang kilay. " Eh ikaw , pinagpipilitan mo rin naman ang sarili mo sa kanya diba ? " taas kilay na tanong ko sa kanya.





" My case is different from yours. Mahal ako nung taong yun , ramdam na ramdam ko na siya talaga ang para sa akin..." lalakad na sana siya pero napatigil siya nang magsalita ulit ako..




"Oo , ang pagkakaiba kasi , pareho niyong pinipilit ang sarili niyo sa isa't isa kahit hindi naman talaga kayo para sa isa't isa." lumingon siya sa akin at bumalik nanaman sa dato ang expression niya , salubong nanaman ang kilay..





Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.





" Iniintindi lang kita kasi alam kong may amnesia ka. HIndi ako titigil hangga't sa matandaan mo ko. Tandaan mo , I'm the type of person who can't give up easily"





" I won't call off the engagement at mas lalong hindi ko gagawin yang pinapagawa mo. Magmukha man akong desperado , hinding-hindi kita papakawalan.." and with that , I walked out or should I say ran out.





I want to be alone for tonight. Ang sakit lang kasi nang mga sinabi niya. Mas malala pa ito kesa sa sakit na naramdaman ko nung nalaman kong niloloko lang ako ni Jeremy. It hurts , but I won't give up.





Tumakbo ako kahit masakit pa rin ang mga paa ko pero mas masakit pa rin ung nararamdaman ko. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit hindi ko na alam kung nasaan na ako , kahit na alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao sa hall.





Narinig ko rin ang pagtawag sa akin ni Mommy pero nagpanggap ako na hindi ko ito narinig. I want to be alone for now..Gusto kong mapag-isa.





At saktong kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Shems , running while crying lang ang peg ko. Pumara agad ako nang taxi nang makalabas na ako nung restaurant.





Sinabi ko muna ang address kay manong driver tsaka umiyak nang palihim. Pinipigilan kong gumawa ng ingay kahit alam kong alam na ni manong na umiiyak ako. Maya-maya'y naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko.





Mommy calling...



MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon