CHAPTER 7

3K 64 1
                                    


BIANCA'S POINT OF VIEW 


  Nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya sa akin. Tama nga naman talaga si Tita , hindi siya ung AJ na kilala namin. Hindi naman kasi sumasagot kay Tita si AJ at hindi siya nagsasalita nang ganun sa iba.



  Hindi ko rin naiwasang umiyak kasi sobrang sakit nung sinabi niyang ayaw niya sa akin. Ang baba rin ng tingin niya sa akin kanina. Ako pa ang lumalabas na desperado sa aming dalawa ni Julia. He doesn't even know what Julia's up to.




 Simula pa lang , alam ko na plano niyang lasunin ang isip ni AJ. Pinapaniwala niya ito na siya ang mahal niya. Pinapaniwala niya ito na sila pa rin hanggang ngayon. She's tricking him the whole time. 




Pagkalabas ko ng room ni AJ ay naabutan kong umiiyak si Tita Riane . TInabihan ko siya and I caressed her bac , trying to stop her from crying. She looked at me atsaka ako niyakap.




" Masama ba akong nanay ? *sniff Huh ? Bianca ?" tanong niya habang humahagulgol. Niyakap ko siya nang mas mahigpit at ganun rin ang ginawa niya. 



" Hindi po Tita , pero Tita , you went a little bit overboard po --" mas lalong lumakas ang pag-iyak niya sa sinabi ko. Nagulat naman ako bigla kasi imbis na mapatahan ko siya , napaiyak ko pa siya.



" Iniisip ko lang naman kasi ung mas makakabuti sa kanya. I don't trust Julia *sniff.  I hate her at alam ko kung gaano kasakit para kay AJ ung ginawa niyang pangloloko dati. I don't want to see my son suffer again " 




" Tita kasusuklaman mo rin ba ako kung magagawa  ko yun kay AJ ?" napatigil siya sa tanong ko. Pinakawalan niya ako sa yakap at tinignan ako.Ako rin natigilan , hindi ko rin alam kung bakit ang mga salitang yun ang lumabas sa bibig ko.




" Bianca , I trust you at alam kong may mga dahilan ka kung gagawin mo yun. I won't hate you pero please , huwag mo nang subukang gawin yun . "




I chuckled. MAsyado nang seryoso ang usapan, hindi ko kaya ung mga ganito.Tumawa rin ako para mawala ung awkwardness dahil sa tanong ko. Bakit ko ba kasi tinanong yun ?




" Tita naman , hinding-hindi ko yun magagawa kay AJ. Hindi ko sasayangin ang tiwala niyo sa akin " paninigurado ko sa kanya. Hindi ko magagawa kay AJ yun kasi mahal na mahal ko siya.




~*~*~*~*~*~*~*~

MY AMNESIA BOY : Retrieving His Memories (UNDER HEAVY EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon