laro ng kamatayan 5

96 1 0
                                    

laro ng kamatayan
by_nightmare

5

Naramdaman ni rose na siniko siya ni jeralyn.

"bakit?"

"anong iniisip mo?"

"iniisip ko lang iyong tungkol sa nabasa ko." sagot niya sa kaibigan.

"alam ko, rose. kailangan nating maging mas maingat ngayon."

nagsimula na silang magdasal. hawak nila ang kamay ng isat-isa nang magsimula na silang maglaro.

"spirit, are you there?"

gumalaw ang planchette.

Y-E-S

"ikaw ba si omar?

Y-E-S

P-A-P-A-T-A-Y-I-N K-O K-A-Y-O-N-G L-A-H-A-T
A-T W-A-L-A-N-G K-A-Y-O-N-G M-A-G-A-G-A-W-A

mabilis nilang dinala sa goodbye ang planchette at saka itinaob ang ouija board. nagdasal sila pagkatapos.

humihingal sila sa labis na takot nang maupo sila sa sofa. maya-maya ay nagtungo sa bathroom si aj.

naghugas siya ng kamay sa sink doon matapos niyang umihi. nang buksan niya ang medicine cabinet doon ay nakita niya ang isang blade.

hindi niya maintindihan kung bakit napatitig siya sa blade na iyon.

"kunin mo, hawakan mo..."

kinuha ni aj ang blade.

habang hawak niya iyon ay narinig na naman niya ang boses na iyon.

"sugatan mo ang sarili mo. malalim na sugat."

natigilan si aj.

"sige na, aj. ipakita mo kay conrad ang galit mo. magpapansin ka sa kanya..."

may galit na bumangon sa dibdib ni aj ng mga sandaling iyon. naalala niyang bigla ang ginawang pagtataksil ni conrad sa kanya. ang galit niya sa ka-fling nitong si camilla. 

idinikit niya ang blade sa may pulso niya. idiniin niya iyon saka hinila. 

"oucchh....!" napapikit sa sakit si aj.

ang dugo mula sa pulso niya ay tumulo sa lababo at humalo ang pulang mantsa sa tubig na marahang pumapatak sa gripong hindi gaanong nakasara.

"mas malalim pa, aj. laliman mo pa ang sugat."

muling idinikit ni aj ang blade sa sugat sa may pulso niya. napapikit siya nang maramdaman niya ang sakit kasabay ng pgtulo ng luha mula sa kanyang mga mata.

"walanghiya ka, conrad. walanghiya ka," umiiyak niyang sabi.

nang mga sandaling iyon ay walang kamalay-malay ang mga kaibigan ni aj sa nangyayari sa kanya.

"bakit ang tagal naman ni aj sa bathroom?" tanong ni rose kay jeralyn.

"oo nga, eh. thirty minutes na yata siya roon o higit pa,"

"baka kung ano na ang nangyari kay aj, ah." hindi napigilang mag-alala ni rose.

nagkatinginan sila.

saka biglang tumindig si conrad at tumakbo ito patungo sa kinaroroonan ng pinto.

"aj?"

kinatok niya ang dalaga. pero hindi ito sumasagot.

"aj? anong nangyayari sa iyo diyan?"

wala pa ring sagot mula kay aj.

"aj? aj...?"

mas lumakas na ang pagtawag ni conrad sa dalaga. pati ang pagkatok niya'y mas malakas na rin at binabayo niya na ang pinto ng banyo.

"aj!"

sinalya ni conrad ang pinto. hindi niya ito tinigilan hanggang sa bumigay ito at bumukas ang pinto at nakapasok siya.

"huh!" nagulat ito nang makitang nakaupo sa floor ng bathroom si aj umiiyak ito. "aj?"

napaangat ng mukha si aj nang marinig nito ang boses ni conrad.

"c-conrad..."

saka lang napansin ni conrad ang dugong nagkalat sa damit ni aj. meron ding mga patak ng dugo sa floor at sa sink.

"anong nangyari sa iyo?"

hindi kumibo si aj.

nanghihina na siya.

saka lang napansin ni conrad ang blade sa di-kalayuan sa inuupuan ni aj.

"did you cut yourself?"

"oo!" umiiyak na tugon ni aj.

"oh god..bakit mo iyon ginagawa?"

kinuha ni kevin ang panyo sa bulsa at itinali iyon sa pulso ng dalaga. saka naman sumulpot doon sina arman, rose at jeralyn.

"anong nangyari kay aj?"

"naglaslas siya ng pulso."

nagulat ang tatlo sa sinabi ni conrad.

"pero bakit mo ginawa iyon, aj?" tanong ni rose sa kaibigan. 

"hindi ko gustong gawin iyon, rose. may nag-utos sa akin. may boses akong naririnig. believe me, ang boses na iyon ang nag-uutos sa akin na maglaslas ng pulso ko." paliwanag ni aj.

binuhat ito ni conrad at inilabas sa banyo. pagdating sa salas ay agad itong iniupo ni conrad sa sofa roon.

ang mabuti pa, conrad ay dalhin mo na sa hospital si aj. para magamot ang sugat niya." ani ni arman.

"iyon nga rin ang iniisip ko." 

muling binuhat ni conrad si aj at dinala ito sa kotse.

"dadalhin ko muna si aj sa hospital pero babalik din ako agad."

"sige kami na ang bahala rito."

hindi nagtagal ay sakay na kotse nito sina conrad at aj. 

wala silang kibuan pareho.

"mamatay ka na sana!"

pero maya-maya ay binasag ni conrad ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"what did you say?"

"ha?" gulat na sambit ni aj. "wala naman akong sinasbi, ah."

"narinig ko ang sinabi mo."

"ano ba ang sinabi ko?"

"na mamatay na sana ako."

"ano?" nanlaki ang mga mata ni aj. "w-wala akong sinasabing ganoon, conrad...

"tayong dalawa lang ang narito sa kotse ngayon, aj. isa pa, boses mo ang narinig ko."

"ano?"

napailing nang sunod-sunod si aj.

"paanong nangyari iyon...?" nagugulumihanang sabi niya.

"alam ko namang galit ka sa akin, aj. hindi ko gustng saktan ka. at lalo akong nagi-guilty ngayon."

"nagi-guilty ka? tama 'yan, ma-guilty ka!"

"talagang nagi-guilty ako."

"conrad, sino ba ang kinakausap mo?"

"LARO NG KAMATAYAN"...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon