laro ng kamatayan 3

127 1 0
                                    

laro ng kamatayan

by_nightmare

3

parang iisang taong tumindig silang lima at mabilis na tumakbo patungo sa kitchen.

takot na takot sila. si aj nga ay naiwan na ang isang kaparehas ng shoes nito sa salas dahil sa sobrang takot.

"hindi good spirit iyong

nakontak natin." 

"talagang hindi good." pagsang-ayon ni arman. 

"biruin mong papatayin daw tayong lahat?"

"hindi naman niya kayang gawin 'yon? spirit lang siya."

"kaya niyang gawin iyon."

napatingin sila kay jeralyn. nagtatanong an, mga mata nila nang tumingin ito.

"what do you mean?" tanong ni rose sa kaibigan.

"kaya niya tayong patayin dahil bad spirit siya," sagot nito sa kanya. 

"huwag ka ngang magbiro ng ganyan, jeralyn!" parang inis na sabi ni conrad sa pinsan.

"hindi ako nagbibiro, conrad. totoo ang sinasabi ko. hindi natin tinapos ang session kaya hindi ako nakapagdasal. iyong planchette ay hindi natin naalis. ibigsabihin ay bukas ang portal o ang daanan mula sa atin papunta sa ibang dimensiyon." paliwanag ni jeralyn.

takot na takot na si rose at alam niyang ganoon din ang mga kaibigan.

"sabi ko na sa inyo, delikado ang larong iyon. may nabasa ako tungkol doon. ang sabi never use a ouija board because even though you are trying to reach a deceased friend or relative you may not even be talking to them, and you can release other spirits, good 

,or bad. kaya natakot ako kanina." wika ni rose sa mga kaibigan.

"hindi natin alam kung sino o ano ang naghihintay sa atin sa likod ng pinto na 'yan. naghihintay na pumasok sa buhay mo o samahan ka sa bahay mo at panoorin ka, hawakan, bumulong sa mga tainga mo kung hindi ka aware sa presensiya niya."

"once that door is open it can never be closed, once you have crossed the line into their dimension."

nanatili sila sa kitchen. nag-iisip sila kung ano ang dapat gawin ng mga sandaling iyon.

iniisip din ni rose ang kaligtasan nilang lahat. paano kung totoo ang sinasabi ng spirit na nakausap nila.

"walang alam ang mga patay."

ang lahat ay napatingin kay rose nang bigla siyang nagsalita.

"anong sinabi mo, rose?" tanong ni jeralyn sa kanya.

"ang mga tao kapag namatay na ay wala na silang alam. ang kaluluwa nila ay wala nang concern sa mga tao."

"ano ang ibig mong sabihin, rose?" tanong naman ni aj sa kanya.

"hindi totoong omar na taga-oman ang nakausap nating spirit kanina. kung kaluluwa siya ng isang tao ay maaaring ibinenta niya na ang kaluluwa niya sa demonyo upang makapaghiganti siya sa mga taong pumatay sa kanya. pero malamang ay isang diyablo o demonyo ang nakontak natin kanina."

"ano?" gulat na sabi ni conrad.

"gusto nilang maging miserable ang buhay ng mga tao, kaya gagawin nila ang lahat para paniwalain tayo ng mali. nagpapanggap silang isang ordinaryong kaluluwa. puwede nila tayong saktan physically pero mas gusto nilang guluhin ang ating isipan. gusto nila tayong mabaliw upang tayo mismo ang manakit sa ating mga sarili!"

"pero bakit?" tanong naman ni aj.

"dahil demonyo sila." wala silang mabuting gagawin.puro kapahamakan at kasamaan ang gusto nilang ibigay sa tao."

"ouija boards are one means for demons to gain entry into your mind and soul." dagdag pa na sabi ni rose.

"ibigsabihin ay ang ouija board ang daan para magawa ng demonyo ang

gusto niyang kapahamakan para sa mga taong naglalaro nito?"

tumango siya kay arman.

"Oo"

naihilamos ni conrad ang kamay nito sa sariling mukha.

"ano na ang gagawin natin?"

"pray." maikling sagot ni rose sa kaibigan. "kahit na ano ang mangyari ay

kailangang manatili tayong nananalig sa diyos.

"LARO NG KAMATAYAN"...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon