MGIAG: 1.3

200 7 0
                                    

MGIAG: 1.3

"Miss, excuse me." mula sa pagkakatingin sa mga napkins sa harap niya ay lumingon sa akin 'yung babae at nagulat ako nang makita na napakainosente ng mukha niya.

Mahahaba ang malalantik niyang pilikmata na tumatakip sa almond shape niyang mga mata na kulay light brown.

Maputi ang balat niya at mamula-mula ang pisngi. Gayundin ang mga labi niya na manipis. Matangos ang ilong niya na pointed pa. Nakataas ang perpektong kilay niya habang nakatingin sa akin. Mahaba din ang tuwid at itim na itim niyang buhok na hanggang bewang niya.

Natatakpan ng blue hanging blouse, black leather jacket at jeans ang mga bahagi ng katawan niya. Nakasuot din siya ng brown na boots.

"Did I passed your expectations?"  napabalik ang tingin ko sa mukha niya at wala akong nababasang anumang emosyon sa mukha niya.

Nakatayo na siya ngayon at ni hindi siya lumagpas sa balikat ko kaya nakayuko pa rin ako sa kaniya at nakatingala naman siya sa akin.

Kumunot ang noo ko nang makita ang band-aid na may design na skulls sa kaliwang pisngi niya na hindi ko napansin kanina.

"Hey, stupid. What are you looking at?" medyo tumaas na ang boses niya nang magtanong sa akin.

Nagulat ako sa boses niya. Ngayon lang ako natauhan na napatitig na pala ako sa kaniya at boses naman niya ang napansin ko.

Napaka-angelic ng voice niya at calm na calm ang dating. I mean, pakiramdam ko kumakalma ako nang marinig ko ang boses niya.

*POK!!!*

Nagulat ako nu'ng may bumato ng isang plastic nu'ng sanitary napkin sa akin.

Bakit ba banggit ako ng banggit noon?

Pakiramdam ko ang bastos ko.

"Hey!" kumunot ang noo ko nang mapagtanto na 'yung babaeng maganda at may angelic voice pala ang bumato sa akin.

"It's rude to stare." matapos 'yun ay tumalikod na siya sa akin.

Napasunod nalang ako ng tingin sa likod niya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Napaharap naman ako sa mga nasa harap ko.

Pakiramdam ko ay namula ako ulit nang maalala ko kung ano ang ginagawa ko dito. Lalo namang uminit ang mukha ko nu'ng maalala ko na pinagkamalan akong bakla nu'ng babaeng maganda na natitigan ko kanina.

Napaigting ang mga bagang ko at napailing nalang ako.

Napabuntong hininga ako bago napagpasiyahang kunin nalang ang iba't ibang klase nito.

Lumipat ako ng section at kumuha na ng iba pang pinabibili ni Michella.

Napapailing ako habang dire-diretso ang lakad at kinukuha lang ang mga ito para hindi naman halata na titigil pa ako para kumuha nu'n. Nakakahiya kasi. Kalalaki kong tao.

Buti nalang at walang gaanong nakapila kaya mabilis akong nakarating sa cashier.

Nakita kong namula ang cashier nang mapatingin sa mga nasa basket na dala ko at ngumiti nu'ng tumingin sa akin.

"Ang gwapo niyo naman, sir." ngumiti ako ng tipid. Nambola pa imbes na i-punch niya nalang lahat 'to para makaalis na 'ko. "Ang sweet niyo pa." parang kinikilig siya habang sinasabi 'yun. Ano ba naman 'yan, ippu-punch nalang, eh.

"Ah, miss-"

"Para kanino po ba 'to?" tanong niya pa. Buti nalang at sinimulan niya na ang pagpu-punch nu'ng mga pinamili ko. "Sa mama niyo po? O baka naman sa girlfriend niyo? Or-"

"That is for my twin, stop asking and just punch." putol ko sa sinasabi niya. Natameme naman siya at hindi na nagsalita. Hindi ko na rin tinanong kung magkano ang mga pinamili ko.

Nagbayad nalang ako ng sobra at umalis na matapos bitbitin 'tong mga pinabili ng kapatid ko. Buti nalang at kumpleto dito sa supermarket. Naging instant department store na rin kaya mas okay.

Naglalakad na ako papunta sa may waiting shed nang may makita akong nagtatakbuhan. Kumunot ang noo ko nang makita na parang may hinahabol ang grupo ng kalalakihan dahil may tinatakbo silang iisang daan.

Pero ano bang pakialam ko sa kanila?

Pagdating ko sa may waiting shed ay umupo muna ako matapos ilapag sa magkabilang gilid ko ang dalawang malaking plastic bags na dala ko. Inilabas ko ang cellphone ko dahil magpapasundo ako sa driver namin na hindi ko na dinala kanina dahil hindi ko trip kanina. Ngayon ko trip na magkaroon ng driver kaya dinial ko na ang number ni Michella.

[Hi, Angelo!] masiglang bati niya sa kabilang linya.

"Ipasundo mo ako sa driver, Michella. Nandito ako sa may waiting shed malapit sa mall. Hurry up."

[Wait lang naman, Angelo.] I heard her giggle. Napapikit ako dahil alam kong may kalokohan na naman siyang naiisip.

Dumilat ako aat tumingin sa sapatos ko habang kausap siya.

"I don't have time for your games, Michella." nagtitimping sabi ko kahit kating-kati na akong sigawan siya.

[Angelo, I won't be playing games. Promise!] I can picture her raising her right hand and pouting.

"Mich-"

"Sinusundan mo ba ako?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at naramdaman kong nagulo ang sistema ko kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"What?"

My Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon