MGIAG: 1.2

222 7 0
                                    

MGIAG: 1.2

"Bye, Michael! Ingat!" nakangisi pa siya sa akin habang kumakaway.

Inis na inalis ko ang pagkakatingin sa kaniya at naglakad na ulit.

Packaging tape!!!

Hindi ko talaga alam kung paano ako napilit ni Michella!

Hindi nga ba?

Well, ganito kasi 'yun...

----

"Ayaw mo?" umiling ako at may hand gestures pa na parang nagsasabing 'no deal'.

"A-YO-KO."

"Ganu'n, ha?" nakita ko nalang na nakatayo na siya sa gitna ng kama ko at bigla akong tinalon.

Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa sa kinatatayuan ko nang talunin niya ako. Naramdaman ko nalang na sinasakal na niya ako.

"Um-oo ka na, Michael!"

"Ack!" nakadapa na ako sa sahig habang nasa likod ko naman siya at nakapulupot ang braso niya sa leeg ko.

"Ibili mo na kasi ako!"

"Ack--yo--ahhh---ko--!"

"Ayaw mo talaga, ha?" diniinan niya pa ang pagkakasakal sa akin.

Pakshet! Ayoko pang mamatay!

Hinampas hampas ko na ang sahig para bitiwan na niya ako pero ang manhid at ang slow ata ng kapatid ko dahil hinihigpitan niya pa ang pagkakahawak sa leeg ko.

"Um-oo ka na kasi, Michael!"

"Ack! M-M-Mich!" tumango tango ako.

"Bibili ka na?" tumango nalang ako ng tumango dahil hindi ko na kayang magsalita. Sobrang kinakapos na ako ng hininga. At nu'ng pakiramdam ko mamamatay na 'ko, binitawan niya na ako.

At last!

Ubo ako ng ubo habang naghahabol ng hininga. Umalis si Michella sa likod ko kaya napatihaya ako habang patuloy pa rin sa pag-ubo.

"Hala, Angelo! Namumula 'yung mukha mo!" napatingin ako sa mukha ni Michella habang umuubo pa rin. Nanlalaki ang mga mata niya at nakatakip pa ang mga kamay sa bibig niya.

Sinadya niya 'yun, eh.

"Wag mo *cough* akong ma-*cough* Angelo-Angelo *cough* Mich *cough*"

Angelo ang tinatawag niya sa akin kapag naglalambing siya o may kailangan siya na alam niyang hindi niya ako madadaan sa pagsisiga-siga niya.

Dapat kanina niya pa ginawa 'yan! Hindi 'yung ganitong may balak pa yata siyang patayin ako!

"Hala, Angelo, tayo ka na diyan, baka ikamatay mo pa 'yan." inalalayan niya akong tumayo at umupo sa kama ko. Ang sama ng tingin ko sa kaniya nu'ng tumigil na ako sa pag-ubo. "Ikaw naman kasi, eh." she pouted. "Kung pumayag ka na kaagad umpisa pa lang, edi sana hindi na tayo nagkagulo."

Halos matanggal sa socket ang mga mata ko.

"Pusang gala, Mich! Ako pa may kasalanan?! Kasalanan ko ba na hindi ko ma-take na bumili ng napkins, make-up, feminine wash, toner, panties, panty liners saka ng bra mo?! Kasalanan ko ba na kung anu-anong kaabnormalan ang naiisip mo? Kasalanan ko ba na pwede namang si Linda nalang ang bumili tutal babae rin naman siya pero ako ang pabibilhin mo, Michella?! Ano ba?! Tapos ngayon ako pa ang may kasalanan? You are so impossible, Michella Grace!" namumula na ako sa galit. Galit na galit ako sa kaniya dahil siya na nga ang may kasalanan, ako pa ang sinisi niya.

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Aangal ka pa? Umayos ka, Michael Angelo, ha? Baka mawala ang pagiging mabait ko ngayon, matuluyan kita." banta niya pa sa akin. Tumahimik nalang ako. "Bilhin mo na 'yan! Sinabi mo nang bibili ka, wala nang bawian."

"Oo na, akin na nga 'yung listahan mo pati 'yung pambili!" pinulot niya 'yung listahan na nalaglag ko pala kanina sa sahig bago ako inabutan ng credit card.

Napapikit ako habang inaabot 'yung listahan at credit card.

"Ang OA mo, Michael! Papel at card lang 'yan, hindi mo 'yan death certificate!" gigil na sigaw niya sa akin kaya naman napadilat ako at inabot na 'yun.

"Lumabas ka muna, magbibihis ako." utos ko sa kaniya.

Nakita ko pa muna ang nakakalokong ngiti niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Kulang nalang mapasigaw ako sa inis. Naloko na naman ako ni Michella!

----

Kaya eto ako ngayon, nasa labas na ng bahay at naglalakad dahil hindi pa ako pinapayagang mag-drive ng kotse nila Mommy.

Hindi ko alam kung kaya ko bang bumili netong mga pinabibili ni Michella.

Tiningnan ko ulit 'yung list and I just groaned.

*****

Nandito na ako ngayon sa supermarket at may bitbit na basket. Nakatingin ako sa brand ng sanitary napkin na nandito.

Pinag-iisipan ko kung kukunin ko ba o hindi.

Umakma akong kukunin pero pakiramdam ko ang init ng mukha ko kaya binawi ko ang kamay ko at nagkunwaring iba ang tinitingnan.

Napasulyap ako ulit sa mga sanitary napkins. Parang nakikita ko na ang nanlalaki mga mata ni Michella at naririnig ko ang boses niya na sobrang lakas.

'MICHAEL ANGELO HERMOSA!'

Napakunot ang  noo ko sa lakas ng echo ng boses niya sa isip ko.

Kukunin ko na sana nang may marinig akong magsalita.

"Pati pala bakla gumagamit na ng sanitary napkins."

What?

Bakla?

Napalingon ako sa kaliwa ko. Wala namang tao. Paglingon ko sa kanan ko, babae ang nandoon at nakatalungko na parang pumipili ng napkin.

Pero...

Bakla daw? Sinong bakla?!

KAMING DALAWA LANG ANG NANDITO!

My Girl is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon