32-Jongdae

1.4K 80 25
                                    

Nicole POV

"Ally, Calm down!" Pigil ni Mhay sa nagpupuyos ng galit na si Ally.

"Calm down? How can I? Look at her!Sabihin mo sakin paano kumalma!" Ani Ally na itinuro si Mariel na namamaga ang mga mata sa pag-iyak.

Kanina ay nagulat na lang kami nang umuwi si Mariel na kasama si Taemin habang umiiyak. Mugto ang mga mata at hindi sumasagot sa mga nag alalang tanong namin. Tinanong namin si Taemin kung ano ang nangyari ngunit siya ay hindi na rin alam. Umuwi na rin siya matapos maihatid si Mariel.

Mhay, Air and Lerma are here dahil mabilis na tinawagan ni Angelika ang tatlo dahil nga kay Mariel.

Nang dumating ang tatlo saka pa lang nag kwento si Mariel sa nangyare dahil sa pamimilit naming tanong sa kanya kung bakit siya umiiyak.

"Gago sila! Lalo na yung boyfriend mo kaya hiwalayan mo na!" Hindi maawat na si Ally.

Kahit tahimik ang ibang kaibigan ko ay alam kung galit sila sa ginawa ng Bts kay Mariel.

Akala namin nagbago na sila.

Still, Bts are always Bts. Heartless.

Ang alam lang nila ay ang paglaruan ang damdamin ng isang babae.

"Hiwalayan mo na siya, Mar." Sigunda ni Dex sa sinabi ni Ally. Hinihimas niya ang likod ni Mariel para patahanin.

"I love him.." Umiiyak na sagot ni Mariel.

She looks so broken.

"Mahal? Mahal mo pa din siya kahit pinaglalaruan ka lang niya? Wake up Mar! He doesn't deserve you!" Hindi ko mapigilang isigaw iyon.

She doesn't deserve like this. She doesn't deserve treated like this! Jungkook doesn't deserve her! Yes, we made a mistake to them but this is not a reason para saktan nila ang kaibigan ko!

"Sinasabi ko na nga ba eh! Una pa lang alam kong hindi totoo ang bait baitan nila! Pinaglaruan natin sila, natural na gaganti sila!" Ani Joan na tumigin kay Jenn. "Iwasan mo si Taehyung, Jenn. Gagantihan ka lang din niya!"

Tumaas ng kilay ni Jenn sa sinabi ni Joan.

"Doesn't mean magkaibigan sila ay pareho na sila, Joannie. Maybe plano nga nila iyon, pero hindi mo ba naisip na sinadya talaga ni Jungkook na saktan si Mariel dahil sa kagagawan natin na pag hiwalayin sila dati? He knows na kapag nasaktan niya si Mariel ay para niya na ding sinaktan tayong lahat. At tama naman diba?" Ani Jenn.

She's right.

Lahat kami nasasaktan ngayon sa ginawa ni Jungkook kay Mariel.

She's right.

Hindi masasaktan si Mariel ngayon kung hindi sa pagtri-trip  namin noon sa Bts. Hindi masasaktan si Mariel ngayon kung hindi namin siya pinapili noon.

Pinaghiwalay namin silang dalawa. Walang prenong pinapili namin si Mariel dahil alam naming kami ang pipiliin niya.

Ngayon, lahat kami nasasaktan na nakikita ang isang kaibigan namin na umiiyak sa harap namin at wala kaming magawa para patahanin siya. Kasi kami naman talaga ang may kasalanan bakit siya nasasaktan.

"Magkaibigan sila, Jenn. Iisa ang ugali nila! Iwasan mo si Taehyung." Ani ulit Joan kay Jenn.

Umiling si Jenn sa sinabi ni Joan. "Parang sinabi mo na din na pareho lang si Chanyeol at mga kaibigan niya." Ani Jenn at tiningnan niya kami. "Ayaw niyo ng ganon diba? Dahil magkaiba sila. Ang sabi ninyo, diba?"

12B-12G II: The Boys next HouseWhere stories live. Discover now