-2-

4.1K 134 20
                                    

Shaira POV

"You look tense." Napatakip ako ng mukha sa sinabi ni Minyuk.

Whaaaaaa! Pwedeng mag backout?!

"Eh kasi naman ang dami palang tao!" Sinilip ko ulit ang kurtina. Kinabahan na naman ako! Andito kami ngayon sa mini back stage ng Axes Bar.

"Ano naman kung madami?" Takang tanong naman ni Taemin. Drummer namin. May paka sungit yan!

"Oo nga! Okay na yun para madami magiging fans!" Pag mamayabang ni Liam. Isa sa guitarista namin. Kung si Taemin masungit, ito naman mayabang.

Sila ang ka-bandmate ko. Same school lang kami ng pinangalingan, kaibigan sila ni Minyuk. Niyaya kasi ako ni Minyuk last month na sumali sa banda nila dahil kailangan daw nila ng babaeng vocalist. Eh, dahil cute ako at ang ganda ng boses ko, sempre pumayag ako!

Aba, Ang swerte nila sa akin ah!

"Oo na lang Liam." Sabi ni Min at humarap sa akin.

Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko.

"Nag performed na tayo sa school diba? Parang ganon lang din yun." Sabi niya

"Iba naman yun! Huhu."

"Ano ka ba, Nakalimutan mo na ba, Every saturday dito tayo? masanay ka na. Ganon talaga pag first time. Masasanay ka din.."

Oo nga pala. Every saturday mag peperform kami dito sa Axes bar.

Gusto kasi sumikat ng mga kasama ko at sempre lalo na ako kaya pumayag kami sa paanyaya ng may ari ng bar na ito, na every saturday kakanta kami dito.

May bayad na sisikat ka pa! Oh san ka pa?

"Tangina!" Napatingin kami kay Liam dahil sa pagmura niya.

"Oh, Bakit?"

Nagkamot siya ng batok saka ngumiti na parang ewan, na parang tanga.

"Andiyan yung crush ko! Tangina, kinabahan tuloy ako." Aniya kaya sumilip kami ni Min sa kurtina.

Madaming pumapasok. Napa-ngiti ako nang nakita ko sila Ange na papasok. Kompleto silang lahat, pati si Charlene at Joana kasama nila.

Iginala nila ang mga mata nila. Kumaway sila nang makita nila si Joan. Eh ngayon lang sila? Si Jo nga kanina pa eh! Nag usap na nga kami kanina.

Nawala bigla ang ngiti ko nang may pumasok na babae na may hawak na bata, si Mher kahawak kamay si Suho sa kabilang kamay. Kasunod si Lay sumunod si Chen at kasunod nang lahat ng lalake. Kasunod siya.

Bakit kasama mga yan?! Hindi ko naman sinabing isama nila eh! Isa na din sa dahilan pumayag ako sumali kila Min dahil umiiwas ako sa kanya.

Isang buwan kaming hindi na nagkita.

"Bakit nila sinama yan!" Inis na utal ko.

"Ha?" Napatingin ako kay Min na nakatingin din sa akin. Naka-kunot nuo.

"Wala." Sagot ko saka humarap kay Liam" Sino dun?" Tanong ko.

"Secret. Mag selos ka pa eh!" Kita mo to, tinatanong ng maayos eh!

"Ha ha ha. Selos much ako. Mukha mo! Asa ka! Leche!" Gigil na sabi ko. Tinawanan lang ako! Lakas talaga mang asar ng isang to.

"Guys mag kanta na daw tayo!" Sabi ni Taemin na kasunod yung manager ng Bar.

"Oh, galingan niyo ha, para madaming customer ang babalik dito" Sabi ng manager na si Mr. Tim.

"Ok po" Tumango kami saka umakyat sa mini stage.

12B-12G II: The Boys next HouseWhere stories live. Discover now