Chapter Nine

784 62 10
                                    

AUTHOR'S NOTE:

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.

Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )

=============================================================

CHAPTER NINE

Kinulong niya ako sa kanyang braso. Hinawakan niya ang aking pisngi, tinapat niya ito sa kanyang mukha. Dinikit niya ang kanyang noo sa noo ko. Dahan-dahang hinaplos ng kanyang hintuturo ang aking labi. Tiningnan ko ang kanyang mga mata. Mapupungay ito. Para akong nalulusaw. Pumikit siya, ganoon din ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ng labi ko ang malambot at mainit niyang labi.

"Hoy!" sigaw niyang gumising sa aking windang na utak.

"Ha? May sinasabi ka?" tumingin ako sa kanya. Lutang pa rin ako. Para bang nasa ikapitong alapaap ako dahil sa saya at kilig na nararamdaman. Para akong lumilipad, tumatalon, sumasayaw, na hindi ko na malaman. Para na akong baliw. Hehe.

"Sabi ko, bakit ka ngumingiti na parang gago 'dyan?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.

Napansin kong abot tenga ang mga ngiti ko. Ang sakit ng panga at cheekbones ko dahil sa ngiting hindi mabura sa aking mukha. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang magkabila kong pisngi at madiin kong minasahe ito.

"Ano nga?" naiirita niyang tanong.

"Nakakatawa ka kasi kagabi, naalala ko lang. Napaka-drama mo, todo iyak ka pa na parang katapusan na ng mundo."

Nagkamot siya ng ulo. Bigla siyang bumaluktot at yumuko sabay takip ng mukha na parang batang nahihiya.

"Ngayon ka pa nahiya! Ikaw na ngayon si drama king!"

"Ano pa nangyari sige ikwento mo. Para alam ko kung ano mga kalokohan ko kagabi." sabi niya habang nakatakip pa rin ang mukha at nakabaluktot ang katawan.

Bigla kong naalala ang paghalik niya sa akin. 'Di ko napigilang mapangiti at kiligin. Paulit-ulit na pumasok sa aking utak ang nangyari kagabi. Naalala ko rin ang pagyakap niya sa akin habang mahimbing siyang natutulog. Parang ngayon nag-sink in ang lahat ng buong-buo. Hay. Napakasarap sa feeling.

Humarap ako sa kabilang side sa tapat ng bintana. Nagtakip ng mukha. At linabas ang ngiti na pilit kong tinatago kanina pa. Muling sumakit ang panga, pisngi at cheekbones ko.

"Hoy tinatanong kita!" sabay pitik sa tenga ko.

Umayos ako ng upo. Sabay harap sa kanya na nakangiti pa rin.

"Wala."

"Ano nga?"

"Manyak ka."

"Ako manyak!?" lumakas ang kanyang boses.

Tumingin ako sa kanya.

"Oo manyak ka. Nanghahalik ka na lang basta-basta."

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Bumagsak ang kanyang panga. Hindi maipinta ang itsura niya. 'Di ko napigilang humalakhak.

"Gago seryoso?"

"Oo nga! You kissed a stranger last night."

"Ah... Kala ko ikaw. Gago ka."

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon