Chapter Three

1.3K 85 5
                                    

AUTHOR'S NOTE:
First of all, I would like to thank everyone na sumusubaybay sa Love, Stranger. I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo. ^_^

Second, sana po ay huwag kayong mahiyang magcomment regarding the story. Welcome rin po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. Please, please, comment lang po kayo. I accept any criticism as long as constructive at hindi bastos.

You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel

Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko bitin or maiksi ang latest chapter. Hehehe. :-D

Muli, MARAMING SALAMAT!
(Next post, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to  thank you guys.)


============================================================================


CHAPTER THREE

"Bakit kaya siya ganoon tumitig sa akin kanina? Nacu-cutean ba siya sa akin? Hihihi!" sabi ko sa aking sarili habang pangiti-ngiting parang tangang naglalakad sa Happo-en Garden. Maaraw dito ngunit malamig ang hanging humahaplos sa aking balat.

Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakabusangot ang mukha nito.

"Okay ka lang?"

"Hindi."

"Oh, bakit naman?"

"Ikaw kasi, kanina pinaupo mo ako sa harap during Tea Ceremony. Ako tuloy ang naging guest of honor. Mukha akong tanga, nakakahiya, hindi ko nahawakan ng maayos 'yung cup." bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis. Matulis rin ang tingin na binigay niya sa akin.

Hindi ko napigilang humalakhak. Alam ko kasing magiging guest of honor ang uupo sa harap. Naalala ko ang itsura niya kanina sa tea ceremony, hiyang-hiya ang mokong dahil mali ang hawak niya sa cup. Aba'y malay ko bang hindi niya alam ang tamang paghawak.

"Tawa ka pa. Kung alam ko lang na ganoon iyon, ikaw ang pinauna ko." sabi niya sabay simangot. Ang cute niya pag naiinis. Lalo siyang mas nagmumukhang lalaki sa paningin ko. Napansin ko na lang na biglang bumilis ang kanyang paglalakad. Naiwan akong nakatayo sa ilalim ng Sakura o cherry blossom; wala itong dahon dahil winter season ngayon.

"Rome! Huy! Galit ka talaga?" sigaw ko rito. May 10 feet na ang kanyang layo mula sa kinatatayuan ko. Binilisan ko ang aking paglalakad. "Wait!" sigaw ko ulit.

"Bahala ka!" sigaw niya. Lalong bumilis ang kanyang paglalakad, pilit ko siyang hinabol. Sobrang tahimik sa lugar na ito na tanging maririnig lang ay ang pagkiskis at paghalik ng mga bato sa swelas ng aming mga sapatos; parang malulutong na nadudurog ang mga batong ito sa aking pandinig.

Ilang saglit pa'y naabutan ko siya at dalawang beses kong tinapik ang kanyang likuran. "Sorry. Hindi ko naman kasi alam na hindi mo alam ang tamang paghawak ng cup. I just want you to experience something." tinitignan ko ang kanyang mukha. Nakasimangot pa rin ito.

"Ano kahihiyan?" matigas ang kanyang boses. Diretso pa rin siyang nakatingin sa harap.

"No that's not what I... Putangina!" naramdaman ko na lang ang paglusot ng kanan kong paa kasabay ang pagbagsak ng aking katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso, napakabilis. Nakita ko ang tubigan sa aking harapan ngunit hindi ako tuluyang nahulog dito dahil isang braso ang mabilis na sumalo sa aking katawan, naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakahawak ng isang kamay sa aking likuran, halos mapunit ang suot kong black coat. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng brasong naka-akap sa aking katawan at taong humila sa akin, si Rome ito.

Love, Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon