The Beginning of the Metamorphosis

39.9K 535 32
                                    

*Note: sa mga nagmamahal ng series na ito, mahal ko din po kayo, pasensya na if super bagal ng updates graduating student kasi ako ng Nursing kaya ayun super busy pero try ko mag-update more often para sa inyo ^^.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagbaba ko sa hagdan nasalubong ko si mommy.

"O Lena saan ka pupunta at humahangos ka?" tanong nito sa akin

"Mommy! I think I need a makeover!" I blurted out, hindi ko alam, mom wasn't supposed to know, alam niyo kasi hindi kami yung stereotypical na mother-and-daughter-when-your-daughter-is-already-in-her-teens-bonding. Mas tinuturing kasi akong bata ni mommy. She treats me like a six year old child at hindi ko alam kung bakit si Rigid ay hindi naman ganoon ang trato. Sigurado ako tututol si mommy pag sinabi ko sa kanya na I'm sick and tired of my look. I can't see what's the reason of staying in an image kung hindi naman ako masaya. Tama ang sinabi ng kapatid ko at ni Poging Clown. Sawa na ako sa ganitong hitsura, napaka-ordinaryo. Is it too much to ask na kahit ako man lang ay magandahan sa sarili ko? teka lang author! hold your horses! masyado naman yatang havey yang dialougue ko. Ang bigat huwaw!

So ayun tinitigan lang ako ni mommy, and I looked at her with the same intensity.

"Bakit?" kapagkuwan ay sabi nito, si mommy nga naman, basta anak niya keri na sa kanya kahit kaluray luray ang hitsura nila. Oh well ako lang pala ang may diperensya sa hitsura nakalimutan kong perfect na pala ang kapatid ko =_= tss.

"Eh hindi na po kasi ako masaya sa hitsura ko eh." pagdadahilan ko. Tinignan lang ako ni mommy yung tipong parang pinagaaralan niya ako at ang mga sinabi ko.

katahimikan ang sumunod na naganap. Yung mukha ni mommy ay yung matatawag na expressionless. Habang nakatitig siya sa akin. Her eyes bored unto mine as her eyeballs roamed around my face studying the contours of my---hep hep author! ano ba? alam ko excited ka na mag-update ng Meeting Lucy at The Dark Geisha pero utang na loob wag mo akong pag-ingglishin ng bonggang bongga, hindi keri ng nose ko, hindi ako si Lucy at lalong hindi ako si Utara okay? hinay hinay lang ha?


So ayun. Back to titigan with mommy.

"Oh eh bakit hindi mo sinabi kaagad? ayan o anlapit lang ng salon at spa jan sa tapat ng bahay natin sa ninang mo." sbi nito bigla, at I swear yung jaw ko muntik ng umabot sa floor.

"Halos linggo linggo ang kuya mo jan nagiinarte, tapos ikaw pang babae ka eh nakahilata lang sa kama, hay naku iniisip nga namin ng daddy mo kung tomboy ka eh"

wait wait wait, anu daw? si Kuya lagi dun? at ako? tomboy? tsss =_= kasalanan ko naman pala eh, ang tanga tanga ko much.

"Pero mommy eh paano itong...glasses ko?" sabi ko sa nanay ko.

Tumingin siya sa akin na para bang may nakakatawa sa sinabi ko, sabay iling. 

"Lena hindi ka yata aware na may clinic tayo anak noh? ewan ko ba sa iyo, hindi ka yata aware sa mundo mo hija, hala sige kung magpapa spa o facial ka eh humayo ka na wag malelate sa hapunan." sabi pa nito.

TFMO 1: IntertwinedWhere stories live. Discover now