PROLOGUE:

4.3K 45 7
                                    



DON'T SLEEP, MEMORY

"To stay awake is her only escape from that nightmare."

written by: Annica Ly (Danica Mae Basilio)

Genre: Romance/Mystery

All Rights Reserved 2017



"Anong ginagawa mo nang mga oras na iyon?" Inangat ni Memory ang kanyang ulo at tumingin kay Lieutenant Harkette na abala sa pagtatype ng mga detalyeng kanyang sinasabi.

Seryoso ang kanyang mukha at matalim ang tingin ng kanyang mga mata.

"H-Hindi ko po a-alam." Utal-utal na tugon ni Memory. Napailing na lamang ang pulis.

"Bukod sa'yo at sa iyong mga kaibigan mayroon ka pa bang ibang taong nakita sa loob ng teatro nang mga oras na iyon?" Tanong muli ng binatang pulis kay Memory.

"H-Hindi ko po alam." Malalim ang pinakawalan na hininga ng pulis at binaling ang tingin kay Memory. Napabalikwas ang babae sa kanyang kinauupuan.

Mababakas ang takot sa kanyang mga mata.

"Wala ka pa rin bang maalala matapos ang krimeng iyon?" Bigla na lamang lumambot ang tono ng kanyang pananalita.

"Wala po." Iba ang sinasabi ng kanyang labi sa nababasa ng pulis sa kanyang mga mata.

Nararamdaman nito na mayroong itinatago si Memory.



"Memory," Hinawakan niya ang kamay nito.

"Kung nasaan man ang mga kaibigan mo ngayon alam kong ikaw nalang ang natatanging tao na inaasahan nila." Namuo ang luha sa mata ng dalaga.

Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang siyang nakaramdaman ng lungkot at kirot sa kanyang dibdib.



Bakit? ---tanong nito sa kanyang sarili.

"Ikaw nalang ang nag-iisang susi sa krimen na nangyari nang gabing iyon, Memory."

Paulit-ulit iyon sa isip ng dalaga.

"Mang Lito paki tabi nalang po sa gilid ang kotse." Hindi na umalma ang driver ng dalaga at itinabi nga ang kotse sa gilid ng kalsada.

Tumingin siya sa paligid. Narito na naman sila sa hospital na laging pinupuntahan ni Memory sa nakalipas na apat na buwan.

Agad namang lumabas ng kotse si Memory.

"Hija bakit napapadalas yata ang pagpunta mo dito?" Tanong ng matanda.

"May kaibigan lang po akong binibisita. Hindi po kasi siya pwedeng matulog nang mag-isa kaya ako pa ang nagbabantay sa kanya kapag gabi." Nakangiting tugon nito.

Nagtaka si Mang Lito dahil sa pagkakaalam niya'y wala nang iba pang kaibigan si Memory bukod sa mga kaibigan niyang pumanaw apat na buwan mula ngayon.

"Pakisabi nalang po kay Mommy na natulog ulit ako sa kumbento." Tumango nalang ang matanda.

"Mag-iingat ka hija." Ngumiti ang dalaga bilang tugon.

Hatinggabi na kaya naman wala nang gaanong tao sa pasilyo ng ospital. Nakapatay na rin ang ilaw sa ibang bahagi ng palapag kaya hindi na gaanong maliwanag ang paligid.



Tinungo ni Memory ang pinakadulong kwarto sa palapag na iyon.

Bigla na lamang siya nakaramdam ng pagkahilo.

Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata.

Nakakaramdam na siya ng antok.

Napasandal siya sa pader at paulit-ulit na pinagsasasampal ang sarili.

"Hindi pwede Memory 'wag please." Bulong nito sa sarili habang patuloy na sinasampal ang magkabilang pisngi.

"Don't sleep, M-Memory." Iyon na lamang ang huli niyang nasambit sa sarili bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata.





"Memory!" Tumakbo papunta sa kanya ang binatang nababalot ng puting damit.

Agad niyang itinurok sa braso ng dalaga ang dala niyang likidong gamot.

Binuhat niya ang dalaga at dinala sa isang silid.

Naupo siya sa gilid nito at hinawakan ang mainit na kamay ng dalaga.

"Don't sleep, Memory." Malungkot na ibinulong ng binata sa hangin.





"Because if you do, I will---" Naputol ang sasabihin nito nang bigla na lamang nagising ang dalaga.





"B-Blaze." Niyakap niya ng mahigpit ang binata habang humihikbi.



"N-Napanaginipan ko na naman ulit i-yon." Utal-utal na sabi nito.

"Please do everything just to make me stay awake a-always." Tumango na lamang si Blaze habang pinapatahan ang dalaga.

She is Memory and to stay awake is her only escape from that nightmare.

Don't Sleep, MemoryWhere stories live. Discover now