Chapter 3

159 6 4
                                    

Chapter 3

FLASHBACK


"Althea Cassandra Villareal, we are going back to the Philippines. We need to help your father."


"Mom, kailangan buong pangalan?"


"Anak, sa pagkakataong ito nakikiusap ako sayo. Huwag mo naman sana takasan o labagin ang gusto ng Papa mo."


Althea Cassandra is the only daughter of the business tycoon Jaime Villareal, a 26 year old happy-go-lucky lady who used to be her father's little angel. But as time goes by she begin to disobey her father for some personal reason.


"Ok ma, dahil ikaw ang nagsabi sige gagawin natin ang umuwi." Pagpayag nya sa mommy nya.


"You'll be ok, nak. We'll be ok."


Nakalapag na ang eroplano sa NAIA, sa wakas andito na sila sa Pilipinas matapos ang mahabang biyahe. Hanggang sa may makita siyang mga lalaki na iba ang kilos. Nagpaalam siya sa kanyang ina para mag-cr.


"Ma, punta lang ako powder room. I'll be back. I love you" paalam nito. 


Pero ang totoo humanap lang siya ng tiyempo upang tumakas. Dahil narinig niya ang mama niya na kausap ang papa niya tungkol sa mga plano nito pagbalik ng Pilipinas.


Present


"Mama!!! Mama!!!" narinig ni Red ang kanyang pagsigaw kaya napatakbo ito papasok ng bahay.


"Miss, miss gising nananaginip ka." Pagmulat ng mata ni Andy agad siyang napayakap kay Red.


"It's ok. It's ok." Bumitaw siya kay Andy at agad kumuha ng tubig.


"Inom ka muna." Sabi nito kay Andy


"Miss I don't know you and you don't know me, but I can assure you you're safe here." Tumango lamang si Andy habang humihikbi.


"I'm Cassiu, Red. I'm Red. Kagabi pa kasi tayo magkasama pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa." Paliwanag ni Red


"I'm sorry kung naabala kita kagabi. Hindi ko sinasadya, pati ikaw nadamay." Sagot ni Andy sa kanya.

 

"Kalimutan na natin yun, nangyari man yun o hindi, still masama pa din akong anak. Anyways you are?"


"Al.. Andy. I'm Andy."


"So totoo ba yung sinabi mo kagabi na yung lalaki kagabi kidnapper?" Nakita niya sa mga mata ni Andy ang pagaalala


"uuhhmm.. Sa tingin ko. Pero hayaan mo na, nailayo mo naman na ako." Sagot ni Andy


"Naireport mo na ba yun? Gusto mo magreport ka, samahan kita."


"Hindi na. Kailangan ko lang magtago ng ilang araw, babalik na ako sa mama ko. Kailangan niya ako."


"Ok. Basta kung kailangan mo ng tulong ko, sabihin mo lang."


"Alam ko may mga kailangan ka pang ayusin pwede mo naman ako iwan dito."


"Wag mo na ako isipin. Halika na kumain na tayo."


"Red?"


"Bakit?"


"Salamat sa tulong kahit hindi mo ko kilala. Kahit inaway ka pa ata ng pamilya mo kagabi. You're still with me."


Tinapik lamang ni Red sa balikat si Andy at tumayo mula sa pagkakaupo. Nagtungo sila sa dining area para kumain.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 11, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr and Ms. ComplicatedWhere stories live. Discover now