Chapter 2

167 4 1
                                    

Halos dalawang oras na kami nasa daan, hindi alam ang pupuntahan. Nakatulog yung miss na nakisakay sa amin kakaiyak, hindi ko na alam gagawin ko. I messed up again, nalagay ko na naman sa alanganin pamilya ko, kailangan ko na gisingin itong babaeng ito.



"Miss gising na. Kailangan na kitang ibaba." Sabi ko sa kanya. Narinig ko na lang



nagring ang cellphone ko.

"Hello" sagot ko.



"Mom. I'm sorry. Something came up. I promise I'll be..." and she ended the call. I messed up again.



"SHIT!!!"



"SHIT!!!"



"SHIT!!!"



"THIS IS ALL YOUR FAULT!!!!. She thinks I messed up again. She thinks I will always be the son who will disappoint her family, who will bring shame to them." Galit na galit ako kaya tumigil ang taxi. Bumaba ako dito at pinagsisipa ang gulong nito.



"WALA NAMAN AKONG GINAWANG TAMA SA MATA NIYO. I AM ALWAYS THE FAILURE." Pagwawala ko. Lumabas yung miss mula sa taxi at kinausap ako.



"I'm sorry. This is all my fault. I know, pwede mo na ako iwan dito." Tila may takot niyang sinabi sa sakin.



"NGAYON PA!!! Oo kasalanan mo, pero hindi ako tanga para pabayaan kita dito." Sigaw ko sa kanya, at dahil siguro sa takot naiyak na lamang sya at napaupo.



"Kung gusto mo sasamahan kita, papaliwanag ko sa kausap mo bakit hindi..." pinutol ko ang sinasabi ng babaeng ito sa harap ko.



"Miss, miss stop. I don't need any of your help. I can handle this. Kaya sumakay ka na sa taxi at ihahatid na kita kung san ka dapat ihatid."



"Sir madaling araw na po, malaki na din yung babayaran niyo, kailangan ko na din po umuwi. Saan ko po ba kayo ihahatid?" sabi ng taxi driver sa akin



"San ka ba ihahatid?" tanong ko sa kasama ko na hanggang ngayon hindi ko kilala.



"Hindi ko alam." Sabi niya



"ANO!!! Kalokohan. Can you just tell me where ng matapos na itong araw na ito." Irita kong sabi sa kanya



"I..i..sa..ma mo na lang ako." Nagulat na lang ako sa sinabi ng babaeng ito



"Sir.." tawag muli ng driver



"Kuya sandali ah, kinakausap ko pa diba." Pati yung driver nasungitan ko.



"Miss, ayoko madamay sa buhay mo. May sarili akong problema to deal with. Wag na din natin idamay si manong driver. Kaya sabihin mo na kung san ka ihahatid ng makauwi na tayo. Pagod na ako."



"Ayoko umuwi. Isama mo na lang ako sayo." Hinawakan niya ang kamay ko, tinignan nya ako sa mata, nakita ko dun yung nararamdaman niya, sakit.



"Kuya kahit isang linggo lang. kelangan ko lang ng matutuluyan." Tuluyan na siyang umiyak sa harap ko.



"Kuya sa Tagaytay tayo. Ako na bahala kung magkano babayaran sayo. Pasensya na." pakiusap ko sa driver.



"Sige ho sir." Sagot nito



Sandali lang ang byahe pero nakatulog ang babaeng kasama ko sa taxi. Hindi ba siya natakot sa akin para sumama, ni hindi nga niya ako kilala. Kahit mahina alam ko umiiyak siya, hanggang sa makatulog.



Isang Linggo, paano ko aayusin ito. Bakit siya hinahabol nung lalaki? Paano buhay niya, sino ba siya?

Mr and Ms. ComplicatedWhere stories live. Discover now