Loving The One Who Always Hurts Me (short story) **FINISHED

6.7K 141 38
                                    

 compiled version lang po ito ng story ko :) here's the original post : http://www.wattpad.com/1367958-oneshot-stories-loving-the-one-who-always-hurts-me

Ang storyang ito ay kathang isip lamang. Likha lamang ng aking makulit na isipan. Kung may kahawig man na mga pangyayari ay nagkataon lamang at hindi sinasadya..  Maraming maraming salamat po. :) - sleeplessguy0_0

Ikaw ang tanging babae na nagturo sakin kung pano ang magmahal. Kahit ilang beses mo kong nasaktan, mahal pa rin kita. Kahit ilang beses mo na kong pinagpalit sa iba. Mahal pa rin kita. At kahit na pinagtritripan mo lang ako. MAHAL KITA. Tawagin mo na kong tanga. Wala kong magagawa eh. MAHAL KASI KITA. MAHAL NA MAHAL.

*******

Ako si Rom. Third year na ko pero hanggang ngayon wala pa kong experience sa mga usaping

'pag-ibig'. Ewan. Hindi pa napasok sa isip ko ang ganyan. Sa ngayon, pag-aaral at barkada lang

ang inaatupag ko.

Walang iba.

Kaya lagi akong napagtitripan sa klase eh. Ako lang kasi sa barkada ang wala pang girlfriend.

Baka daw bakla ako. Sabi ko hndi naman. Meron akong mga crush. Bat hndi ko naman daw

ligawan?

Ewan. Wala pa talaga sa plano ko ang magkaron ng karelasyon. Makakasira lang ng pag-aaral ko

yun at saka. Bata pa naman ako eh. May college pa. Dun nalang ako manliligaw.

Pero biglang nagbago ang lahat nung araw na yon..

may umupo sa katabi kong upuan habang nagsusulat ako.

"mahal kita.."

napatigil ako at napatingin dun sa nagsabi nun.

Si Janna. Sya yung classmate kong kabebreak lang sa boyfriend niya.

"huh?"

Loving The One Who Always Hurts Me (short story) **FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon