MH-19

689 29 8
                                    

[Inoue's POV]

"Daddy! Daddy! Daddy!" Patuloy na sambit ni Aiko na ngayon ay karga karga ni Keito. Yakap yakap lamang niya si Keito. Napakagat ako sa ibaba labi ko sa pagpipigil sa emosyon na nararamdaman. Ang sakit, wala na mas sasakit pa ang makita mo kung gaano nangulila ang anak ko sa daddy niya. Tapos ito pa, ngayon ay inaakala niya si Keito ang Ama nito. Si Keito naman ay parang naiilang sa mga tao nasa paligid niya at wari hindi malaman kung ano ang dapat gawin nung ayaw bumitiw ni Aiko sa kanya.

Dumating ang mga security matapos tawagin ito ni Dad. Hindi ako mapakali tinitignan si Aiko at si Keito na nakaupo sa bench. Masaya nakatingin si Aiko kay Keito na wari hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nginitian siya ni Keito.

"Aiko,anak, kamusta ang pakiramdam mo?" Nagthumbs up si Aiko sa'kin na ngiting ngiti.

"I'm fine Mommy, kase dumating si Daddy to save me" At muli niya niyakap ang inaakala niya Daddy. Napabuntong hininga ko sa sinabi nga anak ko. Ilang minute pa ang lumipas, patuloy kami nakikipag usap sa mga security. Si Daddy ang kumausap sa mga ito, galit na galit si Dad. Napatingin ako sa anak ng tinawag niya kami.

"My Daddy is here, lolo, lola,Mommy! Bumalik na ang Daddy ko" Kitang kita ko gaano siya kasaya. Wala kami nagawa lahat at maging si Keito. Hiyang hiya man ako sa inasal ng anak ko pero wala ako magawa dahil nung sinubukan ko siya kunin kay Keito ay nagpumiglas ito. Ayaw niya kumawala kay Keito. Nahihiya ko tinignan si Keito. SI Keito naman ay pilit lamang ngumiti sa'kin.

"Daddy, maglaro tayo sa playground" Tinuro ni Aiko ang seesaw. Nakita ko ang masama tingin sa'kin ni Papa. Si Lolo naman ay nakangiti lang at si Mama ay parang awing awa kay Aiko.

"Okay, Baby" Malambing na sabi nito at nagtungo sila dalawa sa playground. Ako naman ay parang hindi naka galaw sa nadinig. Na ekuyom ko ang kamao ko. Bakit kailangan niya sakyan ang gusto ng anak ko. Masasaktan lang si Aiko. Gusto ko man sabihin ngayon kay Aiko na hindi iyan ang ama niya ay hindi ko magawa. Hindi ko magawa kase matapos malaman ni Aiko na patay na ang Daddy niya kahit kailan hindi ko na nakita ganito kasaya ang anak ko. Ang saya saya niya makita ang inaakala niya Daddy.

"Inoue, bakit mo siya dinala dito!" Mahinahon pero makikita ang galit sa boses nito. Hindi ako nakaimik. Kase sa totoo lang, nawala sa isip ko at kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na mangyayari ito. Na makikita ng anak ko sa katauhan ni Keito Kitamura ang Daddy niya.

"I-I'm sorry" naibagsak ko lamang ang balikat ko. Naramdaman ko ang ang kamay ni Mama Lucia nung hawakan niya ako.

"Herald, hindi ito ang tama oras para diyan"Nagkatinginan sila ni Mama at galit pa din ang mukha ni Dad. Napabuntong hininga na lamang ito at tumalikod sa'min ni Mama. Nilapitan niya iyong security at nag usap sa hindi inaasahan pangyayari kanina. Bakit nagkaganoon. Paano may sasakyan na nakapasok sa loob, akala ko ba bawal ang mga ito para milayo ang nature sa pollution. Nagpaalam si Mama at sinamahan niya si Papa patungo sa main office ng Park. Gustohin ko man sumama para malaman kung sino ang walangya tao ang muntik sagasaan ang anak ko ay hindi ko magawa. Ayaw ko mawala sa paningin ko si Aiko, baka mamaya may masama na naman mangyari sa kanya.

Nakatingin lamang ako sa kinaruronan ni Aiko and Keito na ngayon ay nasa slide. Natatawa ako makita parang bata si Keito na sinubukan din magslide. Dinig na dinig ko ang tawa ni Aiko hanggang dito. Napansin ko nagpunas ng pawis si Keito sa noo nito gamit ang puti panyo, tingin ko pagod na siya. Nakakahiya naman sa kanya at naabala naming siya. Sa tingin ko kailangan ko na puntahan si Aiko.

"Inoue" Napahinto ako sa balak na pag alis. Nilingon ko si Lolo ng tawagin niya ako. Nakangiti tumingin sa'kin si Lolo.

"Hayaan mo muna maglaro ang mag ama" Bumilos ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Lolo. Gusto ko magprotesta sa sinabi niya kung hindi ko lang nadinig ang tawa ng anak ko na parang kinikilig. Nakita ko pareho sila naka upo ngayon sa grass, hawak ni Keito ang paa ni Aiko at kinikiliti ito. Natulala ako ng makita ko sa mga mata niya at madinig ang tawa nito, ang tawa ni Mister Kitamura, nag a-assume na naman ba ako, nag a-assume ako na nararamdaman ko totoo lahat ng pinakita niya sa anak ko nung mga sandali iyon.

Hinanda ko ang pagkain. Kahit hindi ako mapakali dahil ang isip ko ay gulong gulo at nangangamba. Hindi ko malaman kung safe pa ba ang lugar na ito matapos ang nangyari kanina kay Aiko. Gustuhin ko man umalis na kami ay hindi ko magawa dahil ayaw ko putulin ang saya na nararamdaman ni Aiko. Masaya na ako makita hindi siya takot at parang bali wala lang sa kanya ang mga nangyari kanina. Pasimply ko sinulyapan si Keito,

"Salamat, buti nandito ka" bulong ko sa sarili ko.

"Mommy" Niyakap ako ni Aiko sa likuran. Hindi ko namalayan ang pagdating niya. Hinawakan niya ang kamay ko at ang kamay ni Keito at niyakap ito. Nagkabangga ang kamay namin at di ko malaman para ako nakuryente nung nagdikit ang balat namin. Nagkatinginan kami. ANg mga mata ko ay humihingi ng paumanhin sa pag abala sa kanya at siya naman ay parang sinasabi wala problema.

"Mommy" hinigpitan niya ang pagyakap sa kamay ko

"Daddy" niyakap niya din ang kamay nito.

"Kompleto na tayo, yehaaay!" Parang bumigat ang dibdib ko sa sinabi ng anak ko. Kawawa naman ako, umaasa siya sa mali.

"Ah k-kain na muna tayo" Inabot k okay Aiko ang sandwich na dala ni Mama. Inabutan ko din si Keito at kumain sila. Sila lang dahil wala ako gana. Sino gaganahan kumain kung ganito ang mga nangyayari. Matapos kumain ay niligpit na namin ang mga dala. Tumawag si Mama, mauna na daw kami umuwi para makapagpahinga si Aiko. At iyon nga ang ginawa namin.

"Mister Kitamura, baka nabibigatan ka na, akin na si Aiko" Binalak ko kunin si Aiko na ngayon ay natutulog habang karga karga ni Keito. Hiyang hiya na talaga ako sa mga nangyari. Nanlaki na lamang ang mata kung bung bilisan ni Keito ang paglalakad na parang inilayo niya pa sa'kin si Aiko. Nilingon niya ako at kinindatan.

"Ako na muna bahala" sabi nito. Ayaw din naman kase ni Aiko e hiwalay ko siya kay Keito. Nung makarating kami sa sasakyan ay inilapag ni Keito si Aiko sa loob ng car ko. Matapos iyon ay pasimple niya hinilot ang balikat niya.

"Mister Kitamura, hindi ko alam kung ano sasabihin ko p-pero marami marami salamat" Sana naramdaman niya buo puso ko pasasalamat ko iyon sa ginawa niya.

"Thank you for saving the life of my daughter" Umiling siya.

"Wala iyon, Misis Saga, basta mag ingat lang kayo palagi" Tumango ako.

"Salamat ulet" wika ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"No, huwag ka magpasalamat, ako dapat ang magpasalamat sa'yo" Ngumiti siya.

"Thank you, Inoue" Muli lumakas ang tibok ng puso ko ng muli makita ang katauhan ng asawa ko sa kanya. Magkaboses na magkaboses talaga sila.

Nauna na kami umalis, kasama si Lolo at ang katulong. Hinatid ko sila sa mansion bago kami umuwi ni Aiko sa bahay. Mahimbing na mahimbing na natutulog ang anak ko. Mukhang pagod na pagod siya. Binihisan ko siya. Napansin ko sa mukha niya na masayang masaya siya. Muli ay napabuntong hininga ako.

Siguro kung buhay ka pa, araw araw magiging masaya ang anak natin. Iyong buo buo kaligayahan. Pero hindi eh, wala ka na. Tapos ngayon meron isa lalaki kamukha kamukha mo ang magpapasaya sa anak natin. Patawarin mo sana ako Saito kung nung mga sandali nakita ko kung gaano kasaya si Aiko na kasama iyong kamukha mo, aaminin ko sayo, sa mga oras na iyon, nagpapasalamat ako meron Keito Kitamura dumating. Huwag ka sana mag selos, Saito.

A/N:

Marami marami salamat sa mga nagvotes and comments sa mga updates ko.

No update tomorrow J

08/16/15


MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now