MH-C11

795 42 4
                                    

[Inoue's POV]

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin? Bakit mo tinago na buhay ka pa? Bakit Saito? Bakit?" Ang dami ko tanong ngayon. Gustohin ko man na sagutin niya ang lahat ng iyon ngayon din pero hindi siya nagsasalita. Dahan dahan niya ako inilayo sa pagkakayakap sa kanya. Nagtaka ako sa ginawa niya. Hindi niya ba ako namiss?

"Saito? Sino si Saito?" Pagtataka tanong nito. Para nanlalambot ang mga tuhod ko sa tanong niya. Naiinis na ako.

"Please, itigil mo na ang pagpapanggap mo na parang hindi mo ako kilala, please Saito" Please sana aminin niya na lang na siya si Saito, na siya ang asawa ko. Bahagya ito natawa.

"Misis Saga, look hindi ako nagpapanggap"

"Sinungaling!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sigawan siya. Sobra na ang sakit. Nakunot ang noo niya nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi ako nagsisinungaling Misis Saga at isa pa hindi kita kilala"

Slap!

Sa sobrang Sakit at galit na nararamdaman ko ng dahil sa sinabi niya ay nasampal ko siya. Matapos ang mahigit siyam na taon na kasinungalingan patay siya ngayon naman ay harap harapan niya pa ako gusto gawin tanga. Siyam na taon na ako naging tanga ng dahil sa pag aakala patay na siya.

"Hindi mo ako kilala? Matapos ang siyam na taon na iniwan mo kami ni Aiko, iyan lang maririnig ko sayo? Matapos ang halos siyam na taon na paghihirap ko dahil sa pagmamahal sayo, ang sasabihin mo lang sakin, hindi mo ako kilala!! Walang ya ka Saito!" Sa sobrang sakit ng sinabi niya ay sinugod ko siya at pinaghahampas ang dibdib niya. Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa hawakan niya ang magkabilang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig ng buo pagkatao ko ng dahil sa sobrang sakit.

"S-Saito, bakit m-mo ako s-sinasaktan ng ganito?" Mapapaluhod ako sa sobrang panghihina ng hawakan niya ang waist ko at parang inalalayan niya ako sa pagtayo. Nang dahil doon ay napatingin ako sa kanya kahit medyo blur na ang paningin ko dahil sa mga luha. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko.

"Misis Inoue Kagawa-Saga, Sino ka ba talaga?" Seryoso tanong nito. Hinaplos ko ang mukha niya. Namiss ko ang ganito kalapit sa'yo. Namiss ko ang muli bigkasin mo ang pangalan ko. I took a deep breath at inayos ko ang pagtayo. Tumingin ako sa mga mata niya. Seryoso siya nakatingin sa akin at seryoso ko rin siya tinignan.

"I'm your wife" Nanlaki lamang ang mga mata niya sa sinabi ko. Para siya natigilan at agad ako na inilayo sa kanya.

"Inoue!" Napatingin siya kay Zeo pero ako nanatili nakatingin sa kanya. Wari tinitignan ang buo pagkatao niya. Ngayon iniisip ko, ikaw ba talaga si Saito. Bakit ganyan ka? Ano ba ang nangyayari sayo? Tinignan kami dalawa ni Zeo. Ramdam ko ang masama tingin niya sa akin.

"Mister Kitamura" Hihingi sana ng tawad si Zeo ng itaas ni Keito ang kamay na ang ibig sabihin nito ay ayos lang, Inayos nito ang necktie at bago tuluyan umalis ay pinagmasdan niya mabuti si Inoue.

"You really love your husband, he's so lucky" Tumalikod na si Keito at sumakay sa kotse nito ng subukan muli pigilan ni Inoue pero nahawakan na siya ni Zeo.

"No..No..No please huwag mo ako iwan" Sambit ni Inoue dahil sa mga oras na iyon ay muli siya natakot ng makita palayo na si Mister Kitamura. Pinilit ni Inoue na tanggalin ang pagkakahawak ni Zeo sa kamay niya pero hindi ito hinayaan ni Zeo.

"ZEO ANO BA!LET ME GO!" Nagulat si Zeo sa ginawa ni Inoue dahil ito ang kauna unahan na sinigawan siya ng pinsan. Hindi niya magawa magalit dito. ANg tangi nararamdaman niya ay ang masaktan sa nakikita paghihirap ni Inoue. Pinilit niya maging matigas at hinila niya si Inoue papunta sa kotse nito kahit na pinilit magpumiglas nito.

Hindi ko malaman ang gagawin. Mas lalo ako nakaramdam ng takot. Wala na siya. Iniwan na naman niya ako?

"Bakit mo ako pinigilan? Bakit Zeo!" Inuyog uyog nito ang braso ng pinsan.

"Inoue! Enough!" Wala sana balak si Zeo na sigawan si Inoue pero wala na siya choice. Napatakip na lamag ng mukha si Inoue at nag iiyak.

"Inoue, hindi si Saito iyon" mahinahon na sabi ni Zeo. Dahan dahan iniangant ni Inoue ang mukha nit okay Zeo at pinunasan ang mga luha niya. Maya maya pa ay meron envelop na iniabot si Zeo.

"Tignan mo, iyan ang DNA Test result na magpapatunay na hindi siya si Saito" Nanatili lang nakatingin sa envelop si Inoue.

"Last month ko lang siya nakilala nung meron kami meeting ng mga shareholders sa company. Nakita din siya ng lolo at kagaya mo nagulat kami ng makita si Mister Kitamura dahil kamukhang kamukha siya ng asawa mo hindi ba? Nagulat din kami nung umarte ito na hindi kami kilala. Sinabi ko ito kay Uncle Herald at doon din namin napag desisyonan na e pa DNA test ang mag ama." Tuloy tuloy na paliwanag nito. Para wala pumapasok sa isipan ni Inoue lalo na nung makita niya ang result. Negative!

"S-Saito?"

"Hindi lang once or twice namin pinagawa ang DNA test, Tatlo beses namin pinagawa ang test at ganon pa rin ang result." Napabuntong hininga si Zeo

"Hindi siya ang asawa mo" kahit masakit ang katutohanan na iyon ay kailangan iyon malaman ni Inoue. Ilang minuto katahimikan. Ayaw ko man umiyak sa harapan ni Zeo pero sobrang sakit, hindi ko kaya maitagao ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Kung hindi ang asawa ko iyon, sino iyon? Bakit sila magkamukha ?" Naguguluhan tanong ni Inoue.

"Hindi ko rin alam. Basta ang mahalaga na malaman natin na hindi siya iyon" Muli ay napapikit si Inoue na wari nagpipigil ng emosyon. Ibinalik niya kay Zeo ang envelop nung makita nasa harapan na ito ng mansion. Bumaba si Inoue sa sasakyan.

"Mauna ka na, may pupuntahan pa ako" pag paalam ni Zeo.

"Zeo" natigilan ito nung magsalita si Inoue.

"Nagmahal ka na ba?" tila natigilan si Zeo sa tanong ni Inoue. Hindi siya nakapagsalita.

"Dahil ako,Oo, sobra. Sobra sobra kaya alam ko na si Saito iyon, hindi ako maloloko ng isang simple DNA test na iyan!"- Inoue.

A/N:

HI MISSING HEART READERS. WALA NA KAMI INTERNET SA BAHAY HEHE. PERO DON'T WORRY HINDI HADLANG IYON PARA HINDI AKO MAKAPAG UPDATE NEXT WEEK  SALAMAT SA SUPPORTA.

Nagupdate ako ngayon dahil nagpromise ako sa isang reader na nagpost sa FB page ng BH 

MISSING HEART [Book2of BH] ONGOINGWhere stories live. Discover now