One-Shot Story

35 0 0
                                    

ANG PAGTATAGPO NG BARYO KULANGOT AT BANSANG KOREA

by LemonCquirrel

STRICTLY: NO PLAGIARISM

(Mahiya KA naman :) )

Sabi nga nila, "Ignorance of the law excuses no one." Pero hindi ko batid na mayroon na din palang bagong kasabihan na "Ignorance of a prominent person excuses no one."

Mga bandang ala-una sa isang kilalang mall sa Pasay City, naganap ang isang mala-telenovelang pangyayari sa akin. Dahil din sa insidenteng iyon, biglang nagbago ang ikot ng gulong na aking

buhay mula sa pagiging isang payak na kolehiyala, biglang naging laman ng balita at pinag-uusapang babae na ako—na kung tawagin ng mga taga-siyudad ay "Trending." Binansagan nila

akong "push mo yan te" at kung paano nangyari ang lahat, ganito iyon...

Dala ng kahirapan ng buhay namin sa isang malayo at liblib na kabukiran na kung tawagin ay Baryo Kulangot, napilitan akong makipagsapalaran sa Maynila. Kung bakit tinawag na Baryo

Kulangot ay dahil na din sa kakarampot na populasyon nito na hindi man lamang yata umabot sa tatlong daan. Inihambing sa liit ng kulangot ang aming pamayanan sapagkat nasa humigit-

kumulang limang ektarya lang yata ang lawak ng aming teritoryo. Salat sa elektrisidad, teknolohiya, at kamalayan sa mga bago at uso sa mundo ang aming baryo. Walang telebisyon, predyider,

bentilador, kompyuter, internet at wifi. Ang mayroon lang kami ay radyo na madalas ay di rin napapakinabangan dahil nga sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Wika nga ng aming mga ka-baryo, "Tulad ng isang kulangot sa ilong, ang ating pamayanan ay patapon." Sa tuwing lumalabas iyan sa kanilang bunganga, ay nais kong mag-protesta. Walang

kabuluhan ang kanilang mga pinagsasasabi, sapagkat kahit na hindi kami batid ng ibang mamamayan ng Pilipinas, alam kong may kakayahan kaming paunlarin ang aming baryo. Sumasabog

ang aking dibdib sa pagkahabag ko sa aking mga kababayan. Dehado lang kami sa mga usong bagay, pero mayaman kami sa kabuhayan. Alam kong may ipagmamalaki rin kami. Handa

akong patunayan iyon.

Isang gabi habang pinagsasaluhan namin ang nilagang talbos ng kamote na may sawsawang bagoong ay bigla kong nasabi ito sa aking Nanay.

"Nay, nais ko pong makapagtapos ng pag-aaral sa isang di-pangkaraniwang paaralan, sa-sa Maynila po." May pag-aalinlangan kong sabi.

"Ulitin mo nga ang iyong sinabi? Kahit na anong gawin mo Lenlen, iyang ganda mo lang ang tangi mong maipagmamalaki! Aba'y maging maligaya ka na lang at ika'y itinuturing na prinsesa sa

ating pamayanan!" Halatang walang bahid ng pagpayag ang mga sinambit niya.

Ngunit ako'y nagpumilit. "Nay, haha! Ano bang prinsesa ang pinagsasasabi ninyo? Ang prinsesa, maganda, mayaman, matalino at higit sa lahat may ipagmamalaki!" Di naman ako galit,

nagpapaliwanag lang.

Hindi niya ako pinansin. Oo, para sa aking mga ka-baryo, ako ang itinuturing nilang angat. Maganda at matalino ako sa kanilang paningin dahil nakapagtapos ako ng high school sa isang kalapit

bayan –ang bayan ng San Isidro. Ngunit magiging masaya ba ako sa basehan?

Lumaki akong walang ama't ina. Ang nanay na tinatawag ko ngayon ay ang aking lola sa ama. Si Nanay Anita na ang nagtaguyod sa aming pitong magkakapatid sa pamamagitan ng paglalako

ng mangga, bukayo, at kending sampalok, sa bayan ng San Isidro. Inaamin kong di sapat ang kanyang kinikita para makapag-aral kami, ang rason kung bakit pinili na lang ng aking mga

ANG PAGTATAGPO NG BARYO KULANGOT AT BANSANG KOREATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon