CHAPTER XII Change

5 1 0
                                    


Linus POV

2 weeks, yeah. After 2 weeks matapos ang huling field mission namin. We're now officially back to business. To the Night Prowlers case, at sa harap namin ngayon, another killing incident na naman ang dapat naming imbestigahan. A killing incident na nangyare sa gitna ng misyon namin, isang pagkakataon na sinamantala ng killer.

"Grabe, tumatapang na siya ngayon. Dati sa mga bahay lang siya pumapatay, ngayong kahit sa park? Wala bang securities dito?" himutok ko habang tinitignan ang larawan ng biktima, na walang awang tinanggalan ng puso ng killer.

"And to think na 1st anniversary pala nila ngayon ng girlfriend niya. Tsk tsk. Kawawang Mark."

Si Mark Santiago. Isang Journlist/ Columnist ng ibat' ibang pahayagan. Sports now. Fashion Expo. Eat Wise, Live well. 3 lang yan sa mga sikat na magazine kung saan siya nakilala. Kilalang matipuno at guwapo, kinahuhumalingan ng mga kababaihan, at halos lahat hinihintay ang malapit niya ng pagkamit ng mas marami pang successful scope sa darating na hinaharap. Paanong naging target din pala siya ng Night prowler?

"Group of Jocks, 2 teachers, 1 simple girl, 2 popular girls, at itong si Mark... a popular journalist. Ibat' ibang tao, ibat' ibang pagkakataon, ibat' ibang lokasyon, anong meron sa inyo at naging biktima kayo ng Night Prowler?" pabulong na sabi ni Master Bry na animo'y kinakausap ang mga larawan ng biktima.

"Uhmm. Master. Yung Girlfriend pala ni Mark. She is now, in a mental facility. Nasiraan ng bait, dahil sa nangyare sa boyfriend niya. Do you think may makukuha tayong detalye sa kanya?"

"Si Kathyryn Soriano. Sa tingin mo makakatulong kaya siya?"

"Siguro? Bakit di natin subukan, after all siya lang naman unang nakatagpo dun sa katawan ni Mark. Baka naman at least may masabi siya satin." nasabi ko, at napaisip din naman si Master.

"Kung sa bagay parang may---" sabi niya subalit di niya natapos ng biglang may taong padabog na dumating sa Pegasus Lounge.

"--Point? Ha-ha-ha. Ewan ko sayo Ridge, palagi na lang tayong ganyan eh nuh. Ako na nga itong nagbibigay oras para lang magkita tayo, tapos there you go... Babaliktarin mo ang usapan, isusumbat mo na naman sakin ang pagkukulang ko! Ewan ko sayo! Sige next time nalang ulit! Bye!" Sino pa nga ba diba? Edi ang nag-iisang Xanthine. Tinatalakan na naman ang boyfriend niya over the phone.

Nitong mga nakaraang araw, laging ganito na si Ridge at Xanthine, away-bati. Sigawan sa telepono, maghahabulan dito sa Neptune. At kung itatanong niyo kung anong reaksyon ni Master... Edi simple lang. Wala.

2 weeks after kasi ng last field mission namin. Nagbago na angpakikitungo ni Master kay Xanthine. Hindi tulad ng dati, palagi silang nagkakasama, ngayon, madalang nalang. Hindi rin naman sila nag-aaway, subalit minsan di rin nagkikibuan. Kung anong rason... yan ang hindi niya sinasabi sakin.

"Sorry talaga guys. Nagkaproblema lang, kaya ako na late. So what do we have here?" tanong niya ni Xanthine ng itong mapaupo na sa tabi ni Master, na napansin kong parang naiilang sa katabi.

"Oh... okay. uhmm. We have a new case Xanth. A new killing incident, occured in a park. Nangyare yun, nung nagsasagawa tayo ng mission."

"Okay, so ano na ang napag-usapan niyo tungkol sa kaso?"

"We are planning na puntahan yung, girlfriend ng biktima, sa mental at ---" nageexplain ako kay Xanthine ng biglang napatayo si Master Bry. At dinampot lahat ng documents.

"Guys,naalala ko pala may dapat pala akong puntahan ngayon, sobrang importante kaya hindi ko pwedeng pagpaliban. Pwede bang kayo nalang muna ang pumunta dun sa Mental Facility?"

Monster Inside Me (On-going)Where stories live. Discover now