CHAPTER XI LOVE BIRDS

7 1 0
                                    



Bryner POV

"Slowly, gracefully, with matching nakakakilig na titigan. She was so lovely. Then nung vow part na, they both said 'I do, I do' Wahh!!!" kilig na kilig na sabi ni Xanthine habang ginagaya pa ang paglakad ni Ate Mayel sa may altar. Yes, kasal niya kasi ngayon, at naimbitahan kami sa selebrasyon - Ako, si Rothia, Auntie Rose at si Xanthine.

Si Ate Mayel, ang nag-iisang pamilya at Ate ni Linus. Kaya alam ko, sa likod ng mga ngiti niya kanina, isang nangungulilang kapatid ang nakakubli. Na matapos ang ilang taon na magkasama sila, ngayon lang sila magkakahiwalay.

"Talagang kinilig ka na dun?"

"Uy Oo naman Bry nuh. Di mo ba naiimagine ang sarili mo sa mga ganoong eksena balang araw? Yung ikaw, maghihintay sa altar, at may mga ngiti sa mga labi at medyo naiiyak pa. Makikita mong naglalakad ang babaeng pinapangarap mo, ang babaeng pinakamamahal mo papunta sayo... ahhh. ang sarap lang sa pakiramdam." Hay heto na naman tayo, nalulunod na naman sa pantasya ang isang ito.

"Naku, sorry ha. Hindi eh. Tiyaka huwag mo ko gaya sayo nuh. Hindi ako nanaginip ng gising. At bakit naman ako maghahanap pa ng babae diyan. Eh masaya ako sa buhay single. Masaya na ko na si Auntie Rose at Rothia lang ang mga babae sa buhay ko."

"Hala ang KJ naman! Pero Bryner, iba parin na may girlfriend ka nuh. Iba parin na may iba kang inspirasyon maliban sa pamilya mo. Tiyaka, hindi na tayo bumabata Bry, dapat ngayon palang hinahanap na natin yung, yung the one." sabi niya habang tinataas pa ang hintuturo kasabay sa pagsasabi ng the one.

"Haha! The one talaga ha. Tsk. Sinabi ko na diba? Yung love love na yan. Sakit lang yan sa ulo. Kaya ayaw ko na mag-asaya ng panahon."

"Seriously? Ganun ang tingin mo sa love? Sakit sa ulo? Papano mo naman nasabi, eh hindi mo naman nasubukan? As in ever in your entire life ba, hindi mo ka nagkagusto sa isang babae?"

I was caught off guard at natahimik nalang ako bigla. Minsan nga ba, hindi ako nagkagusto sa isang babae? Isang tanong na hindi ko ngayon hindi mahanapan ng sagot. All my life I spend it, seeking justice for the death of Mama and Papa. Nawalan ako ng oras para sa love na tinatawag nila. Love... ano nga ba yang love na tinatawag nila? Paano ba masasabi na pagmamahal na ang nararamdaman mo?

"Xanthine? Paano ba masasabi kung in love ka na sa isang tao?"

"In love? Well yun yung feeling na, pag siya yung kasama mo, masaya ka, pag siya ang kasama mo pakiramdam mo malaya ka maging ikaw, kaya mong gawin lahat ng bagay na hindi mo nagagawa dati. At pag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo kung ano siya at kung sino siya. And Lastly, minsan makikita mo nalang ang sarili mo, nangangarap ng buhay na kasama siya."

"Yan rin ba ang nararamdaman mo kay... kay Ridge?" Natahimik kaming dalawa, at tila sa tanong ko, nag-isip-isip siya bago muling nagsalita.

"Hmm. Si Ridge, " sambit niya at ngumiti siya ng bahagya at tumingin sa kalangitan. "...mahal ko siya dahil katulad ko siya. Mahal ko siya dahil tulad ko, gusto niya rin maging malaya at pag kasama ko siya malaya ako. At aaminin ko Bry, I'm dreaming a life with him. Away from here, away from Neptune, away from our too controlling families."

"Ayaw mo dito... Kung aalis ka, paano ako Xanthine, iiwan mo ako?"

'Shit ano ba itong pinagsasabi ko?'

"Huh? Ano ... medyo hindi clear eh, ano yung sabi mo?"

"Uhmmm, I mean .."

*Kriiiiiiiing* Di ko natuloy nang biglang nagring ang phone niya.

"Hello? Babe? Oh, andito kana? —" Yes, of course. Sino pa ba ang tatawag sa kanya kundi si Ridge - ang boyfriend niya. Ewan ko ba, bakit ganito? bakit tuwing maalala ko kung sino si Ridge sa buhay ni Xanthine. Bakit nakakaramdam ako ng lungkot? "...Sige andito lang kami ni Bryner sa Exit. Okay. Sige po. Bye."

Monster Inside Me (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon