CHAPTER 7: WHAT MAKES YOU DIFFERENT

11.9K 353 55
                                    

CHAPTER 7:

DARTH

Medyo maaga akong pumasok ngayon, hindi ko alam kung bakit. Nandito kami ngayon sa naka upo malapit sa entrance gate ng L.A. Presko kasi dito, maraming puno at medyo mahangin pa.

''Pare napapansin ko lang, parang napapalapit ka sa Siopao na yun.. Akala ko ba hindi mo gusto??'' tanong sa akin ni Friso.

''Oo nga, hindi ko nga gusto.'' mainis inis na sagot ko.

''Pero iba na kasi yung nakikita namin, hindi kana naiinis sakanya. Tsaka isa pa linalapitan mo na din siya, tsaka kinakausap. Di tulad ng dati halos isumpa mo na siya.'' hinipo ni Kay yung noo ko pagkatapos niyang sabihin yun.

''Normal naman yung temperatura mo. Pero nakakasigurado ako sa utak yung deperensya mo.'' tinanggal ko yung sapatos ko at hinihampas sa ulo niya.

''Oy nanakit, guilty!'' dagdag pa ni Shin.

''E kung i hampas ko rin to sa pag mumukha mo ha? Shintaro? Mag tigil tigil ka!'' pasigaw kong sabi dito.

''Teka, teka.. Pre, si ano yun diba?'' napalingon ako sa may entrance gate at nakita ko si Mea, suot suot niya yung uniform niya date.

''Maganda naman pala si Siopao pag naka ayos.''sbi naman ni Shintaro. Lumapit ito sa amin at nag 'Hello'

Ginawa niya nga yung sinabi niya, tss.

MEA

''Ang pangit mo.'' sabay talikod sa akin ni Darth. Ewan ko parang pinggan na nabasag yung puso ko ng sabihin niya yun.

''Darth! Bumalik ka dito!!'' hinabol naman ito ni Kay. Samantalang ako nasa kalagitnaan ng pagka bigla at the same time nasasaktan din.

''Pasensya kana, minsan.. I mean, madalas harsh talaga yun. Huwag mo nalang isapuso yung sinabi niya ha? Darth!!'' sabi naman ni Friso.

''Huwag kang mag aalala, tuturuan ko siya ng leksyon mamaya pag nasa rooftop na kami.'' ngumiti lang silang dalawa, pagkatapos din nun umalis na sila.

Akala ko pa naman magugustuhan niya, akala ko pa naman pag naging si Trixie na ako mag kakagusto na siya. Pero bakit ganun? Siguro hindi lang talaga ako maganda sa paningin niya.

Kahit kailan hindi niya ako titignan ng higit pa sa isang nakakainis na kaibigan.

SLY

Habang papunta ako sa isang kainan malapit sa L.A nakita ko si Mea. Naka yuko, teka nga. Bat iba yung suot niyang uniform? Linapitan ko ito.

''Mea, anong ginagawa mo? Hindi kaba pumasok??'' inaangat niya yung ulo niya at pilit na ngumiti.

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon