CHAPTER 4:

10.9K 298 22
                                    

 CHAPTER 4:

MEA

Nang lumabas na ako ng campus, napansin kong may kotse na kanina pa sunod ng sunod sa akin.

''Mea!!!'' nung liningon ko kung sino yung tumatawag sa akin, nakita ko yung ate ni Darth. Si Makenzi.

''Tara! Sumama ka sa akin, punta tayong bahay!!'' excited na sabi sa akin ni Ate Makenzi.

''Pero ate, baka magalit si..''

''Duh Mea, hindi yun magagalit. Sapakin ko pa yun e! Halika na!!'' Pagkatapos nun pumasok nalang ako sa kotse niya.

''Alam mo, familiar ka sa akin.'' sabi nito sa akin.

''Familiar ate??''

''Oo, ewan ko parang nakita na kita date. May kamukha ka, yung kalaro dati ni Darth na sobrang aloof sa mga tao.'' possible kayang, naalala niya ako?

Malapit lang ang bahay nila Darth sa L.A kaya agad din kaming naka punta sakanila. Dumeretso agad ito sa kusina, nag bake siya ng cupcakes dahil alam niya na mahilig ako sa matatamis.

''Alam mo Mea, familiar ka talaga sa akin.'' sabi nito sa akin habang nag fro-frosting siya ng cupcakes.

''Hindi ko alam kung saan kita nakita. Pero nakaka siguro ako na nakita na kit----.'' Natigilan ito ng biglang umalingaw-ngaw yung boses ni Darth.

''Bru! Mag akyat ka nga ng meryenda sa kwarto! May bisi---ta..'' agad nag salubong yung kilay niya nung makita niya ako.

''Anong ginagawa niyan dito??''

''Bisita ko siya baket??'' napansin ko agad yung kasama niya. Ang ganda niya.. Nginitian niya ako at yumuko naman ako.

Kung hindi ako nag kakamali, si Trixie yun. Yung sikat na jazz dancer sa WAGS(previous school ni Mea).  At panigurado kakilala niya ako.

''Tss, hoy Darth! Walang pake-alamanan sa bisita! May bisita ako may bisita ako kaya kanya-kanyang gawa ng pagkain.'' ng aktong kukuha ng cupcake si Darth. Hinampas niya ito sa kamay.

''Gumawa ka ng pagkain niyo! Para kay Mea lahat ng yan.'' sabay ngiti ng ate niya sa akin.

''Sino pala yang kasama mo??'' mataray na sabi ng ate niya habang nag fro-frosting siya ng cupcake.

''Liniligawan ko.'' hinawakan ni Darth sa wrist si Trixie, at hinila papunta malapit kay ate Makenzi.

''Ahh.'' tipid na sagot nito sakanya.

''Ate! Yun lang ang sasabihin mo? Ahhh??'' sumeryoso yung mukha niya.

''Sinabi mo na yung pangalan niya so okay na yun.'' pagkatapos niyang ikabit yung mga cupcakes sa plato, hinila na niya ako.

L.A SIDE STORY #1: THIS FOOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon