LBKKMG 42 - Bagiuo

8K 178 4
                                    

Eunice's POV

Bwuisit yon! Paghintayin ba namam yung buong medical check up group?

"Eunice please call Rain. Inform him that he is 30 minutes late. Where the heck is he?" Bulalas ng principal namin

Nga pala.. Kasama si Principal dun sa mga pupuntang Baguio. If I know? Magbabakasyon lang yun dun! Haha

"Ma'am baka pwedeng iwan nalang natin yung taong yon" inis ko'ng sabi

Kasi naman! Alam ni Rain na 10:00 am yung alis papuntang Baguio tas 10:30 na at lahat lahat eh wala padin siya! Kaasar talaga yung lalakeng yun. Ang hilig magpaantay, ang hilig magpa-asa!

Teka? Para atang hugot yun ah? Haha

Tinignan ako ng masama nung principal kaya no choice

"Sabi ko nga.. Tatawagan ko na po.." bulong ko sa sarili

Aiiish! Bwuisit talaga yang si Rain!

Kahit na labag sa akin ay kinuha ko na po yung cellphone ko at akmang ida-diall ko na yung number ni Rain nung biglang may dumating

"Ma'am sorry I'm late" wala ka emo-emosyong bungad ni Rain sa principal namin

"You better be sorry Rain. Halos 30 minutes mo kaming pinaghintay. Nakakahiya sa ibang mga volunteers at sa buong med-check group"

Pero ayun.. Parang walang narinig si Rain at nagdederetso papasok ng van.

Kitaams? Walang modo talaga!

Napailing nalang yung principal sa naging asal ni Rain tsaka bumulong ng mahina pero sakto lang para marinig ko "What am I gonna do with you Mr. Rain Eun Sook"

Haay nako Ma'am. Sakit talaga sa ulo yang taong yan.

End of POV
_________________________________________

Rain's POV

Haay salamat at nakarating nadin kami dito sa Bagiuo

Actually kanina nalate ako ng 30 minutes nun kasi nag away pa kami ni Trixie. Ayaw niya kasing tumuloy ako sa Bagiuo dahil makakasama ko si Eunice. Tss. She's just being unreasonable! Wala namang ginagawa sakaniya si Eunice eh.. Walang ginagawang masama si Eunice

Nagsiakyat na kami sa kaniya kaniyang rooms dito sa hotel. Nag dinner tsaka pinatulog ng maaga dahil daw sa maaga ang alis namin papuntang bundok kung saan gaganapin ang medical Check-up

*tulog*

Maya maya lang nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.

Letche!

"Hahahaha! Andami kong tawa sayo Storm! Mga Apat Siguro! Haha"

Lumabas ako sa terrace ng kwarto ko para naman malaman ni Eunice na may natutulog at nakakaabala siya

Tas eto namang si Storm may patawag tawag pang nalalaman! Eh Alas Nwebe na kaya ng gabi! Kainis!

"Haha ewan sayo! Andami mong alam" Nakakatawa lang isipin na hindi ako napapansin ni Eunice kahit kitang kita niya naman ako galing sa terrace ko. Magkatabi lang kaya terrace ng kwarto namin.

Galit padin ba siya? I miss her..

Eh kaya ko lang naman siya nilayuan para hindi na siya galawin ni Trixie. Para walang gulo at away.. Pero alam ng diyos kung gaano ko na kagustong yakapin si Eunice at magsorry. Magsorry sa masasamang nasabi ko sakaniya dati. Alam kong hindi ko siya dapat sinisi pero nadala lang ako nun ng galit ko..

Officially MineWhere stories live. Discover now