LBKKMG 25 - Wait Lang

8.1K 194 23
                                    

Eunice POV

"Hoy teka lang" pigil ko kay Trixie "Saan ba tayo pupunta?"

Kung itatanong niyo po kung anong ginagawa ko ngayon? Tumatakbo po. Tong babaeng toh kasi eh. Kung makahila wagas!

"Aray" sambit ko habang napahawak sa nuo

Nabangga pa kasi ako sa likod ni Trixie dahil bigla siyang tumigil

"Sorry Eunice. Masakit ba?" Turo niya sa nuo ko

"Ah hindi. Wala to" sabay himas ko

Bigla naman akong natigilin nung na alala ko si Rain

*Flashback*

Katatapos lang nung kanta ni Rain para kay Trixie at magkaharap na silang dalawa ngayon.

Ewan. Parang first time ko maramdaman yung ganito kasakit? Hindi lang kasi isang simpleng kirot toh eh, ramdam ko yung hapdi. Tapos parang kinakabahan pa ako na ewan.

Siguro kinakabahan lang ako kasi alam kong 99.9 percent na papayag si Trixie na magpaligaw kay Rain.

"Trixie" tawag ni Rain

Ramdam na ramdam mo sa boses niya yung lambing. Lambing na minsan niya lang gawin sakin, at yung masaklap, kapag nagpapagawa lang siya ng thesis o kung asakin. Tch

"Alam kong masyadong mabilis toh. At sorry kung mali mali yung nakasulat sa tarpaulin" sabay turo ni Rain sa helicopter "Kasi dapat iba eh. Dapat ganito yun" saka siya humingang malalim bago magpatuloy "Letche hindi ko alam kung pano magsisimula"

"Minumura mo ako Rain?" Tanong ni Trixie

"Hindi! Hindi Trixie" sabay wagayway ni Rain sa mukha ni Trixie nung kamay niya

Tignan niyo tong dalawang toh. Nagawa pang magbiruan sa gantong situation!

Napatingin sa gawi ko si Rain at pinandilatan ko siya ng mata na nagsasabing 'Eolgani! Wag kang torpe!'

"Okay ganito kasi yun" sabay kamot niya sa batok "Nung una kitang nakita. Halo halong emosyon yung naramdaman ko. Tumigil yung ikot ng mundo ko. Nagka slow motion ako" saka yumuko si Rain " Sabi ni noona dati, na kapag daw nahanap na namin yung slow mo. eh wag na daw pakawalan yung taong to" tumingala si Rain at ngayon magkaharap na ulit sila ni Trixie "Ngayon andito ako sa harap mo para sabihing..."

Bakit mas lalaong bumilis yung tibok ng puso ko? This isn't right. May mangyayari bang masama?

Nakita ko nalang na hinawakan ni Rain yung kamay ni Trixie "Can you be my Girlfriend?"

Oh No. Please wag! Rain wag. Sabi mo liligawan mo palang siya diba?

Sa puntong ito, parang gusto ng kumawala ng luha ko. Pano pag um-oo si Trixie? Pano na ako? At sa harapan ko pa talaga masasaksihan kung pano naging sila? Ganun ba ako kasama para parusahan ng diyos ng ganito?

"Alam kong masyadong mabilis ito. Pero I want you to be mine Trixie. Mine Alone. I'm not being selfish or whatsoever pero kasi, ikaw ang slow mo. ko at ayaw na kitang pakawalan. I like You Trixie. Ay mali pala, kasi parang hindi na ito simpleng 'like' lang eh. Mahal na yata kita. Tinamaan ako sayo Trixie. Your the only girl who made me feel inlove. I know that I did not undergo in the right process. Like what girls want, yung panliligaw and stuff. But I promise you Trixie. Kapag naging tayo? Araw-araw, Oras-oras, minu-minuto, segu-segunda kitang liligawan. Oo they say that promises are ment to be broken, but trust me. I will never break mine. I promise to take care of you, protect, and love you always" saka umiwas ng tingin si Rain. "Darn it, ito na yata ang pinakamahabang nasabi ko sa tanang buhay ko" bulong niya

Officially MineWhere stories live. Discover now