Chapter 3.3: Love is Family part 3

75.4K 1.1K 81
                                    

<---vote and comment. thanks po. medyo busy po ako so di ganu mag update

Chapter 3.3: Love is Family part 3

 

 

Louie’s POV

 

 

Tss. Saan ba kasi yun nagpunta? May activity pa naman na gagawin -____-. Pero mabuti na din siguro to? Kahit papanu nahihiya ako sakanya. Yung nakita niya kasi kagabi. Di niya dapat yun nakita. Kakawaan lang ako nun, swerte nga niya kasi kahit di madalas na magkakasama sila ng mga magulang niya at least wala silang problema.

Tss tong baunan niya pambata. Bagay sakanya. Parang ngayon lang ata umabsent si Xyla? Ang boring kasi. Dati rati pag ganito na boring ang lesson dinadaldalan lang ako. Kung di man naglalaro lang siya dun sa iphone niya. Eh ano pa? adik yan sa taptap. Tss. Buti di siya nahuhuli ng teacher. Nandito kasi kami sa bandang likuran at pinaka gilid pa. sa bandang bintana.

Unang beses ata yun hindi nagpaalam saakin? Bakit ko ba yun iniintindi? -___-

Wala akong ginawa kundi matulog sa klase. Wala naman yung makulit na naglalaro ng kung anu-ano sa cp kapag may discussion. O kaya naman kwento ng kwento kahit na nakaharap ang teacher. Kaya lagi yun napapagalitan tsk.

“where’s Ms. Mariano?” asked the teacher

“don’t know” I shrugged

“diba girl friend mo siya? Bakit di mo alam?” sabi ng kaklase ko

“HAH?? Kelan pa?” adik ba sila? Yung babaeng yun? Girlfriend ko? Ano sila? Patawa? Tss

*ding dong ding dong*

Kinuha ko na agad yung bag ko ng makauwi na, kaso nakita ko bag nung makulit na yun. Nasan na ba yun? Umupo ako ulit.

Ewan. Hihintayin ko nalang siya.

Hihintayin?

Kelan ba ako naghintay sa babae? Tss.

Tumingin ako sa bintana. Nakita ko na siya. May kausap, lalaki? Nakakotse. Bakit parang nakita ko na yang sasakyan na yan? Di ko lang matandaan kung saan? Di ko din makita yung lalaki -___-

Baka naman boyfriend niya?

*nagpipigil ng tawa*

TAKTE! Hahahahaha

Siya? May boyfriend? Hahahahaha

IMPOSIBLE! Hahaha ano ba yan. Natatawa naman ako bigla!

Tumingin ako sa may pintuan baka mamaya may tao pala. Phew! Safe wala naman.

Natatawa talaga ako haha.

Pinagmasdan ko lang siya mula dito sa 3rd floor. Ang cute pala niya tumakbo? Parang bata na anytime pwedeng matumba. Tss

PERFECT SHOT (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon