Chapter 2.2: Malabo

84.2K 1.3K 89
                                    

A/n: dito ko nalang lalagay. Kasi yung iba di naiintindihan kung bakit 4th year tas babalik ng first year. Yung buong first year kasi kinukwento lang. pero 4th year na talaga sila :)

VOTE and Comment.

 

 

Chapter 2.2: Malabo

 

*flashback*

 

Louie’s POV

 

 

“BEEEEESSSSSTFWEEEEND!!!!”

Tinakpan ko n ayung tenga ko. Paano nandito na siya. Ang makulit na si Xyla. Ipapakilala ko siya sa presidente ng club namin ngayon. Sana naman payagan ako ng president. Tss. Mas gusto kong tao ang subject kesa mg gamit na di naman gumagalaw, gamit na wala namang emosyon.

“Bestfriend! Ipapakilala kita kay mama mamaya ah!”

“hah?? Ayoko nga”

“eeehhhh bakit???”

Sarap asarin eh

“pag sinabi kong ayoko, A-YO-KO”

Nagpout siya, yung malungkot na expression sa mukha ang pinapakita niya.

“pinagtritripan mo ko noh?” bigla siyang nagtaray

“aba? Tumatalas ata ang utak natin?”

“ang bad bad mo Louie” nagpout siya ulit. Nag hop pa siya saka skip. Parang bata talaga

“Xyla tingin” lumingon naman siya at nag V-sign. Kinuhanan ko siya ng litrato. Nagiging natural na siya sa harap ko.

 

Pagnaiinis siya pinapakita niya saakin, paggalak na galak naman siya saakin siya kaagad pumupunta, pag ayaw niya sa isang tao nilalayuan niya kaagad at lumalapit saakin. Pati kapag class hours lalabas yan pag nainis saka ako itetext para may kasama siya mag cut. At ako naman tong lalabas para samahan siya at papakinggan lahat ng gusto niyang sabihin. Tambayan na namin ang clinic.

Buti nga at di kami sinusumbong ng nurse doon tuwang tuwa kasi siya kay Xyla.

“Xyla tara sa clubroom”

“KC don’t wanna go to anywhere”

Heto nanaman siya bawat sentence nanaman niyan nandyan ang pangalan niya

“gustong kumain ni KC ng CHEEEEEESECAKE!!!....”

Saka siya ngumiti ng napakalapad.

“walang cheese cake dito”

“eeeeeeeeeeehhhhhh kasi naman eh >____<”

Pag nagcrave siya kelangan dapat may mapigay kundi mag ta-tantrums nanaman yan. Kaya nga heto ready na ako sa cheesecake niya. Nung isang araw kasi as in wala akong mabigay. Araw araw na ata akong bumibili ng cheesecake para sa babaeng to.

PERFECT SHOT (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon