"A Dream" (TAGALOG)

2.6K 3 1
                                    

Nagluluto ako ng breakfast para sa amin. Biglang dumating ang asawa kong si Mark at sinagot ang phone niya.

"Jerry! Pare. Oo nga ehh. Tagal na nating hindi nagkita! Pupunta ka rin ba sa meet up ng batch natin? Great! Naaalala ko talaga yung mga kalokohan natin! Yung mga babae. Oo nga pala si Nancy. Nakoo ipaalala mo sa akin yun pag dating natin doon."

Na speechless ako, tama ba lahat ng narinig ko? Napasigaw ako.

"Mark!"

At doon na ako nagising. Panaginip? Nightmare? Nagising si Mark dahil sa akin.

"Bakit honey?"

"Nanaginip ako." Binigyan niya ako ng tubig para kumalma.

"5 o'clock na Charmaine. Pupunta na muna akong gym. Panaginip lang yan, andito lang kami ng anak mo." sabay kiniss niya ako sa cheeck.

Tumayo na ako at dumiretso sa kitchen. Pagkatapos magluto, inihanda ko na yung lamesa kasi pauwi na ang asawa ko.

Narinig kong nagbukas ang pinto. Nag ring phone niya.

"Jerry! Pare. Oo nga ehh. Tagal na nating hindi nagkita! Pupunta ka rin ba sa meet up ng batch natin? Great! Oo! Binili ko na, maganda nga!"

Hindi na ako nakinig at natakot ako kung bakit nagkatotoo ang panaginip ko.

"Honey, aalis ako mamaya ha? Conference with batchmates lang"

"Isama mo kami" sabi ko.

Pero kahit anong pilit ko ayaw niya. Kumain na lang siya at dumiretso na sa work niya.

7 ng gabi, umuwi na si Mark.

Syempre,nakipag away ako para isama niya kami. Kung makikipagkita siya sa ibang babae dapat mapigilan ko.

Ngayon walang nagawa si Mark kundi makinig sa akin at pumayag.

So umalis na kami at syempre suot ko ay pang formal kasi party nila toh.

Pagkadating namin, nakipag usap ako sa mga asaw ng kaibigan ni Mark habang sila naman ay nag iinuman. Yung anak namin, iniwan ko sa bahay ng mama ko.

Biglang may lumapit na babae.

"Nancy, ikaw pala! How are you? Dala mo?"

"Honey, Si Nancy pala at Nancy asawa ko si Charmaine."

"Nice to meet you" sabi niya.

Tama ba ang naaalala ko? Nancy din pangalan ng babae sa panaginip ko.

Lumabas na muna ako ng party at sinundan ako ng asawa ko. Malamig sa labas.

May nilabas biglang box si Mark at pinikit niya ng mga mata ko.

Pagkabukas ko, diamond ring.

"Happy Anniversary" sabi niya.

Dahil siguro sa panaginip ko,nakalimutan ko ang anniversary namin. Tinignan niya ako

"May problema ba Charmaine?"

"Wala akala ko lang kabit mo yung Nancy na yun."

"Sabi ko sayo panaginip mo lang yun diba?" sabay hinugg niya ako.

Tama siya panaginip lang yun.

Pagpasok namin sa loob. Nakasalubong namin si Nancy.

"Ahh I see nakuha mo na yung ring."

Tinignan ko si Mark at sabi niya "Charmaine si Nancy ang may ari ng store kung saan ko binili yung ring. Binigyan niya ako ng discount at ang best ring nila."

"Ahhh" sabi ko.

"Thank You Nancy" sabi naman ni Mark.

"See you lovebirds soon! Bye!"

"Mark,you're right panaginip lang talaga yun" sabi ko.

Short Stories (English/Tagalog)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα