KABANATA 2

76.5K 2.2K 86
                                    

KABANATA 2

ISANG masigabong palakpakan ang bumalot sa buong paligid nang tawagin si Gov upang magbigay ng mensahe. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanya lalong-lalo na nang mga kababaihan na hindi maipagkakailang may paghanga sa gobernador.

Nakitawa ako sa mga nakakatawa niyang linya at hindi ko mapigilang maintimida sa mga titig na ipinupukol niya habang nagsasalita. May iilan na ring napapasulyap sakin, marahil ay napansin nila ang panaka-nakang pagsulyap ni Gov sa gawi ko.

Nagpapalakpakan ang lahat sa mga mabubuting balitang hatid niya. Nandoon parin ang mga panaka-naka niyang tingin na nakakaintimida lalo pa't nasa entablado siya at tanaw ng lahat.

Upang makawala sa sentro ng atensyon ay minabuti ko na lamang na hanapin si mama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar...ngunit isang bulto ng katawan ang biglang sumulpot sa aking harapan.

"Hi." Pantay pantay ang mapuputi niyang ngipin. He looks fresh in his barong, he has a small cut above his eyebrow at parang may—kahawig.

"Ahm. Hi..." I said with equal politeness, returning his smile.

"Megan Buenaflor, right?"

Sa ginawa nitong pagbanggit sa pangalan ko ay nakuha niya ang buo kong atensyon.

"Nice to meet you, Megan. I am Lorenzo." Inilahad niya ang palad na sya ko namang tinanggap.

"Megan," I said stupidly. Of course alam na niya ang pangalan ko. Kasasabi niya lang. I forced a smile at bahagyang naintimida nang hindi niya pa binibitiwan ang aking kamay.

He looked at me for a long moment. "You're a Buenaflor?"

Napatango ako at pilit na ngumiti. Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari sa entablado.

Umugong ang palakpakan at tumunog ang isang malamyos na awitin.

"Y-yung kamay ko pala." I said awkwardly.

"Oh sorry!" Napahalakhak siya at wari ay tuwang tuwa. Binitiwan niya ang aking kamay na agad ko namang itinago sa aking likuran. Napakunot noo lamang ako at ngumiti.

"The music is nice!" Puri niya sa malamyos na  tugtuging pumailanlang sa buong lugar. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Do you mind?" Paglalahad ulit niya ng kamay. "—Wala naman sigurong magagalit kung isasayaw kita diba?"

I smiled and glanced over his shoulder, to Rake who was now watching us with dark eyes. He tore off his gaze when someone held his elbow. Ipinakilala siya ng kasamang babae sa dalawa pang babae.

Napatingin akong muli sa kaharap.

"W-wala naman, pero kasi hindi ako marunong sumayaw at baka mamantal lang ang mga paa mo kung sakaling maaapakan ko."

Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa gitna ng mga nagsasayawan.

"I don't care about my feet Megan, as long as walang magagalit ay isasayaw kita. " Pinihit niya ako palapit sa kanya at dinala sa bawat galaw ng mga paa.

Pumailanlang ang tunog ng takong ng mga babaeng nagsasayawan. May iilan naring magkakaparehang panay ang tawanan. Halatang nageenjoy ang lahat.

Ilang beses ko na syang naaapakan ngunit hindi niya ininda ang sakit at patuloy lang sa pagsayaw.

"S-sorry, naku sorry talaga di ko sinasadya." Hinging paumanhin ko nang muli kong naapakan ang kanyang paa.

"No, it's okay. I guess I need to endure it if I want to dance with you." Muli ay sumilay ang kanyang mapaglarong ngiti. "—so, ngayon lang kita nakita sa matagal kong pamamalagi dito. Kung hindi ko pa narinig noong ipinakilala ka ng iyong ina sa aking kapatid ay hindi ko pa malalaman ang iyong pangalan. It's great to know you."

ONE NIGHT SONWhere stories live. Discover now