New Teammate

5K 140 4
                                    

"Ano ba namang traffic ito. Nakakainis talaga. Wala ng solusyon yata ang gobyerno ng Pilipinas dito." Inis na inis na pagsasalita mi Aliah sa isipan. Araw-araw na lang kasi ang kalbaryo niya sa trapiko, papasok at kahit pauwi ay ganoon pa rin ang set-up.

Nasa Libertad road sa Pasay na kasi siya upang pumasok sa trabaho. Isang oras na lang ang nalalabi at male-late na siya.

Habang pinagmamasdan ang usad pagong na mga sasakyan sa labas ng bus ay biglang tumunog ang cellphone niya.

Kaagad niya namang nahulaang si Dabby ang tumatawag kaya agad na rin nitong sinagot.

"Friend, nasa'n ka na?" sigaw ni Dabby sa phone.

"Maghunos-dili ka nga Dabiana. Mababasag eardrum ko sa iyo eh. Libertad pa lang ako. Pakisabi sa bisor natin na male-late ako," pagpapaliwanag ni Aliah.

"Ay, kalabaw. Akala ko nga nauna ka na sa 'kin. Hindi pa pala." Tatawa-tawang sagot ni Dabby sa kabilang linya.

"At bakit ka naman natutuwa?" napataas ang kilay na tanong niya.

"Basta. Mamaya pagdating mo rito sa office. He-he. Sige, ingat sa biyahe ha? Bye friend," huling sabi ni Dabby at agad na en-end ang call.

Bahagya namang nairita si Aliah dahil binabaan siya ng kaibigan na hindi pa siya nakakatapos magsalita. Mas lalo siyang nainis dahil hindi sinabi sa kaniya kung bakit at anong mayroon sa pagngiti nito sa kabilang linya.

"Humanda ka sa 'kin mamaya, Dabiana. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang binibitin ako," naiinis pa ring turan nito sa isip.

Dian. Dian. May babababa ng Dian diyan. Lapit na po kayo sa unahan.

Sigaw ng konduktor habang binabagtas ang kahabaan ng Pasay Road.

"Sa wakas at malapit na rin ako. Buti na lang gumaan nang kaunti ang daloy ng trapiko," hingang malalim na sambit nito sa isip.

Pagdating sa Pasong Tamo ay lumipat siya sa bakanteng upuan sa unahan. Pagkaupo niya nakasalubong ng kaniyang mga mata ang isang lalaking bumaba.

Pagkababa ng bus ay lumingon pa ito sa kaniya. Biglang nakaramdam si Aliah ng kilabot at pagtindig ng balahibo niya sa kaniyang katawan sa pagkakatitig ng lalaki sa kaniya.

Hindi kasi simpleng titig lang ang napansin niya. Titig na nang-aakit at ngiting nakakaloko.

Ibinaling na lamang ni Aliah ang kaniyang atensyon sa unahan. 20 minutes pa bago magsimula ang shift ng 10 pm kaya hindi muna siya nagmadaling bumaba.

Tumigil ang bus sa tapat ng RR Incorporated Industry. Bumaba si Aliah at dahan-dahang naglakad.

As usual, kailangang ma-check ng guard ang kaniyang bag. She swipe her access card para makapasok sa ground floor. Dumeretso na siya sa elevator at pinindot ang 5th floor. Pagdating sa 5th floor ay nilagay niya sa locker ang kaniyang gamit.

Nang makapasok sa production floor ay agad niyang hinanap si Dabby. Nadatnan niya itong kausap ang isang ahente. Nakatalikod ito. Bago siya sa kaniyang paningin. Samantalang nakaharap naman sa kaniya si Dabby.

Sinalubong naman siya ni Dabby na may matamis na ngiti. Magsasalita pa lamang siya nang biglang humarap sa kaniya ang isang mala-anghel ang mukhang nilalang.

"Friend, bago nating teammate. Naalala mo ba siya?" tanong ni Dabby.

"Ha?" patanong din na sagot niya.

"Hi," nakangiting sabi naman ng bagong ahente.

Pilit na inaalala ni Aliah kung saan niya nakita ang bagong ahente. Matangos ang ilong at kasing tangkad niya. Bumagay sa kaniyang maamo at mala-anghel na mukha ang medyo singkit at kulay brown nitong mata.

"Ms. Aliah Tuazon!" Tawag kay Aliah.

"Ah, yes, Ma'am?" sagot ni Aliah habang kaharap ang kaniyang bisor na si Ms. Jasmin.

"He is Jayrus Polavieja. At under siya sa team natin. Dahil ikaw ang isa sa mga top agent natin ay ikaw ang magme-mentor sa kaniya sa floor for one week," maotoridad na wika ni Ms. Janice.

"On the other hand, Mr. Polavieja, she is Aliah Tuazon. Siya ang magsisilbing mentor mo sa line of business na ito. I hope you learn something from her in one week bago kita bigyan ng quota. If you will excuse me, I have something to do pa. Bye for now," huling turan ni Ms. Janice at agad na umalis sa kaniyang harapan.

"Taray, friend. Ikaw na ang top agent sa team natin. Hindi ko alam 'yon ha?" maang-maangang sabi ni Dabby.

"Uy, hindi ah. Wala akong alam diyan.Ngayon ko lang kaya nalaman. Bye the way, nice meeting you, Jayrus. If you will excuse me, I have to go to the rest room muna. Ilang minuto na lang ay magsisimula na rin ang shift ko at matuturuan na rin kita. Dabby, samahan mo ako," sabay hila sa kamay ng kaibigan at pag-iiba ni Aliah ng usapan.

"Sige po, ma'am! Wait ko na lang po kayo rito," sagot ni Jayrus.

Dere-deretso namang naglakad ang magkaibigan papuntang rest room. Hindi na niya nilingon si Jayrus. Hindi mapakali si Aliah sa kaniyang nararamdaman. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng kaniyang puso. Takot at kaba ang lumulukob sa kaniyang naramdaman.

"Bakit ka naman basta-basta nanghihila friend? Sana iniwan mo na lang ako do'n nang magkausap kami ni poging Jayrus," kinikilig na naiinis na sabi ni Dabby.

"Saan ba natin nakita ang lalaking 'yun? Hindi ko kasi maalala e," nagtatakang tanong ni Aliah.

"Amnesia ang peg? Gusto mo batukan kita ng face powder na hawak ko para maalala mo?" Akmang itataas at babatukang sambit ni Dabby kay Aliah.

"Seryoso. Part of my brain is telling me na safe si Jayrus, but the latter part is hindi. Parang there is something unusual sa kaniya," pagsisiwalat ni Aliah.

"Friend, siya ang lalaking nabangga ko no'ng papunta tayo sa tapsilogan. Ano naalala mo na? At bakit mo naman nasabing hindi safe at safe si Jayrus?" nakakunot ang noong tanong ni Dabby habang muling tinitingnan ang make-up sa salamin.

"Kasi --" putol niyang sabi.

"Friend, maglog-in ka na kung ayaw mong ma-late ka," sabay hablot naman ni Dabby sa kamay ni Aliah.

Tatlong minuto na lang kasi ang natitira at male-late na nga si Aliah. Kailangan niya pang mag-open ng ICRS at Agent COMM para makapaglog-in.

Dahil hindi na natapos ni Aliah ang kaniyang sasabihin sa kaibigan, itinuon na lamang niya ang atensyon sa bagong ahente. Kahit kinakabahan na hindi ang pakiramdam niya ay kailangan niya pa rin itong turuan. Required ito dahil siya ang mentor niya.

Natatandaan na niya si Jayrus. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Hindi niya lang alam kung saan niya ito nakita aside sa hindi sinasadyang pagkabangga ni Dabby dito papuntang tapsilogan.

---

Author's note:

To continue reading this story, please click the link https://m.dreame.com/novel/Y9av0YMuyLaWBEPMPa35Iw==.html

Thank you!

Mag-Ingat sa MabaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon