Teaser

12.8K 291 35
                                    

May kakila ka ba o nakilala kang isang taong simple, at mabait?

"Hello, pogi. Ako nga pala si Dabby. Ito namang katabi ko ay si Aliah. Ikaw, anong name mo?"

"Hi. I'm Jayrus."

Paano kung ang simple at mabait na taong nakilala mo ay gusto mo na pala?

"Aliah, may ipagtatatapat sana ako pero bago ang lahat, flowers and chocolates pala for you."

"Aliah, gusto kita. Aliah, mahal kita."

"Gusto rin kita, Jayrus. Mahal din kita."

Paano kung dumating ang araw na hindi mo na pala mahal si mabait?

"I am so sorry, Jayrus. Wala na tayong dapat pag-usapan. Pinuputol ko na ang ugnayan nating dalawa. Break na tayo."

"Pe--pero, bakit? May mali ba sa akin?"

"Pagsisisihan mo ang paghihiwalay mo sa akin Aliah! Pagsisisihan mo!"

Paano kung kailan ay nakapag-move on ka na saka naman darating ang sunod-sunod na trahedyang hindi mo inakala?

"Aliah, natagpuang patay ang isang manliligaw mo sa likod ng opisina natin."

"Aliah, ang kapatid mo nawawala."

"Aliah, si Dabby, kinidnap."

Paano kung sa oras ng iyong kalungkutan ay may kumatok sa iyong pintuan na isang pamilyar na tao sa iyong nakaraan, papapasukin mo ba?

"Jay-jayrus?"

"Hindi ako si Jayrus. Ako si Jarred."

Paano kung ang taong pinapasok mo na ay may kinalaman pala sa iyong nakaraan?

"Hayop ka! Sinungaling ka!"

"Ha-ha. Aliah, Aliah, my love."

"Pakawalan mo sila. Ako lang naman ang kailangan mo 'di ba?"

"Relaks, mahal ko. Hindi ba ang sabi ko sa iyo pagsisisihan mo ang makipaghiwalay sa akin? Ngayon, nagsisisi ka na ba?"

"Baliw ka na! Matagal na kitang pinatay sa puso at isip ko. Kaya please, nagmamakaawa ako. Huwag mo silang idamay."

"Huli na Aliah. Huli na ang lahat! Naging sagabal sila sa mga plano ko sa iyo kaya nararapat lamang na alisan ko sila ng karapatang mabuhay upang sa gano'n ay masolo kita. What Jayrus wants, Jayrus gets! Ang akin ay akin lang, Aliah. At ikaw ay akin!"

"'Waggggg!"

Pipiliin mo bang sundin ang kagustuhan niya alang-alang sa kaligtasan ng mga mahal mo sa buhay o mapipilitan kang patayin ang taong naging puno't dulo ng mga pasakit mo?

Magtitiwala ka pa ba sa mabait o MAG-IINGAT KA SA MABAIT?

Mag-Ingat sa MabaitWhere stories live. Discover now