Chapter Liv ~ Seventh Rose

5.6K 280 61
                                    

Chapter Liv

Naabutan ko si Hollis sa labas ng apartment ko noong dumating ako. Nagmamadali kong kinuha ang susi upang mabuksan ko ang pintuan. Nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko maipasok-pasok ang susi. Hindi naman nakatulong si Hollis dahil panay ang tanong nya sa akin.

"Anong nangyari sayo? Bakit duguan yang damit mo? Natapos mo ba ang misyon mo? Bakit ka nagmamadali?"

Nabuksan ko ang pinto at nagmadali na inilagay sa mga maleta ang lahat ng mga gamit ko. Sinundan nya ako pagkapasok.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nag-eempake?"

"Kailangan na nating umalis dito Hollis. Nakita na ako ni Serene. Nalaman na nya ang totoo na isa akong assassin. Hindi tayo ligtas dito. Kailangan na nating umalis!"

Kinuha ko lahat mga paintings na nagawa ko at saka isinupot. Inilagay ko ang mga damit ko sa lahat ng mga bag at maleta na makita ko kahit hindi ko pa naaayos.

"Leira hindi ka pwedeng umalis dito."

"Ano bang pinagsasabi mo Hollis? Delikado na tayo rito hindi mo ba naiintindihan yun? Ano mang oras maaaring dumating na rito ang Ellipses. Papatayin nila tayo Hollis. Papatayin nila tayo katulad ng ginawa nila sa mama ko!"

"Leira ano bang pinagsasabi mo?"

"Alam ko na ang totoo. Hindi kami iniwan ni mama, Hollis. Pinatay sya. At ang pitong rosas na binigay sa akin ni papa ang may dahilan kung bakit sya namatay. Kalaban sila Hollis. Hindi sila mapagkakatiwalaan."

Isinukbit ko na sa katawan ko ang lahat ng baril na makita ko. Meron sa ilalim ng mesa, sa likod ng pinto. Kahit pa sa banyo hanggang sa loob ng ref may mga nakatagong baril. Nakasunod lang sa akin si Hollis na para bang hanggang ngayon hindi pa rin naiintindihan kung bakit ako nagmamadali ng ganito.

"Leira hindi ka pa pwedeng umalis dito. Hindi pa tapos ang misyon mo."

"At bakit hindi? Alam mo na ang number one rule natin ay to abort mission kung nakasalalay na ang kaligtasan natin. Alam mo yan."

"Oo. Pero hindi pwede."

"Bakit?"

"Yung ika-pito mong rosas...ibinigay na sa akin ng papa mo."

Napahinto ako hindi lang sa kinatatayuan ko kundi pati na rin ang paghinga ko...

"Sino?"

"I'm sorry Leira. Pero ang your final rose will be... Nathan."

at ang puso ko.

"Nagsisinungaling ka."

"Leira..."

"Sabihin mong nagsisinungaling ka!" dinuro-duro ko sya sa dibdib. Nakayuko lang ang mukha nya na tila ba nasasaktan sya para sa akin. Inilabas nya sa bulsa ang isang papel.

May isang sulat kamay ang naroon , to Rose' ang sabi. Sulat kamay ito ni papa. Ibinaliktad ko ang papel at nanginginig na binasa ang natitirang pangalan sa listahan ko.

Nathan Rodriguez is my seventh rose.

"Hindi." nalaglag mula sa kamay ko ang papel ng hindi ko namamalayan. "Bakit ang daya nya? Bakit ang daya nya!"

Ginamit kong panghampas ng mga paso sa loob ng apartment ko ang rifle na hawak. Lahat ng luha ko na ikinulong ko sa sarili, unti-unting dumaloy ng walang pasabi.

"At ang gusto ng papa mo gawin mo na rin daw iyon ngayong araw na ito. Kapag natapos mo raw ang nasa listahan mo doon ka lang makakabalik sa atin."

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon