Chapter xLiii ~ Sine

8.5K 274 22
                                    

Chapter xLiii

Nasabi ko na bang ito ang pinakaunang beses na lumabas ako kasama ang isang grupo ng mga teenager na halos kasing edad ko lang? Hindi lang yun, may hangout na nagaganap at kasama ako roon. 

Hindi ako makapaniwala. 

Ito ang unang pagkakataon na makasama ako sa ganitong pagtitipon kaya naman bagong bago itong karanasan na ito para sa akin. Madalas kasi kung hindi si Hollis ang kasama ko, mag-isa lang ako. 

Ang ingay-ingay nila, not in a bad way but in a good way. Puro sila tawanan, puro biruan. Nakakatuwa silang kasama. 

"Guys, guys!! Nakaisip ako ng isang magandang ideya para gawin ang lakad na ito na mas masaya at exciting!!" tuwang tuwang pahayag ni Rico sa amin na nakakuha ng atensyon namin. 

"Ano yun?" narinig kong tanong ni Nathan na katabi ko. 

Pumunta si Rico sa likod namin at sabay kaming inakbayan. May nakakatakot na ngiti sa mukha nya, isang ngiti na pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

"Para mas masaya at para walang maghihiwalay," may kinuha si Rico na isang bagay sa bulsa nya. "ito ang gagawin natin." May narinig kaming dawalang sunod sunod na click at sunod ko na lamang na nakita ay nakaposas na ang kamay ko sa kamay ni..

"Anong ginagawa mo?" 

Nathan.

"Rico tanggalin mo ito!!" Halos saby naming sigaw kay Rico. Tawa ng tawa si Rico na parang manyak sa kanto at sumunod nyang ginawa ay pinosasan ang kamay sabay posas naman kay Nyree na walang kaalam alam sa nangyayari. 

"Hala bakit may ganito? Rico!" reklamo ni Nyree sa tabi nya. 

May hinagis si Rico na posas kay Jace na mabilis nyang nasalo at sa iba pa naming kasama. 

Sabi nya para raw maging 'masaya'. Pero sa tingin ko ay ginawa nya ito para lang sa kanilang dalawa ni Nyree. Idinamay nya lang kaming lahat para hindi halata. 

Mga style talaga ni Rico. Bulok. 

"I like this idea." Nakita ko ang ngisi ni Jace habang ipinoposas ang kamay kay Serene. Hindi matigil ang tawa ni Serene matapos makita ang ngitian nila Rico at Jace sa isa't-isa. Ganun din sina Clarisse at Souta. Isa lang ang nakikita kong hindi masaya na katulad ko, si Kelly na kapartner si Niel. 

Kung si Serene ang ate nya, sa tingin ko kuya naman ang tingin nya kay Niel. Itong si Niel naman parang isang typical na kuya, kanina pa iniinis si Kelly. Nagkapartner sila dahil walang kapartner si Kelly tapos si Niel naman halos humabol lang para makasama. Hindi namin kasama sina Shane at Aziel. Hindi ko alam kung nasaan sila. 

"This is not fair." reklamo ni Kelly na parang bata. 

"Ayaw akong partner ni baby girl." turan ni Niel kay Kelly. Hindi sya mukhang nasasaktan, mukha pa syang tuwang tuwa. "Kung ayaw mo, I will be more than happy to trade partners. Jace," 

Binigyan ni Jace si Niel ng tingin noong makita na nakatingin si Niel kay Serene. Tumawa si Souta na nasa tabi nila. Jace gave Niel a friendly shove on the shoulder sabay iling. 

"We can if you want," suhestyon ni Nathan. There's a smug smile on his face. 

"YES!" 

Halos lahat napatingin kay Kelly dahil sa biglaan nyang reaksyon. Kahit pa si Serene at Clarisse na kasalukuyang nag-uusap ay biglang napahinto.

"I mean, sure." itinago nya ang pamumula ng mukha pero hindi nakatakas sa akin ang tuwa sa mga mata nya. Kaya ba ganun na lang ang tingin nya sa akin kanina lalo na sa tuwing kasama ko si Nathan? 

The Seventh RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon