23 --- Fire

26.4K 1.2K 173
                                    


"Kung hindi dahil sa kanya, naroon pa rin kami at naglilingkod sa mga demonyo." 

________ _ _ __ 

HINDI KO BINANGGIT kina Ares ang tungkol sa sinabi sa akin ni Keanu kagabi. Kung ano man ang nalaman ko ay sasarilihin ko na lamang. Mas magiging magulo lang kung malalaman pa nila ang tungkol doon. 

 At tulad nga ng sinabi ni Keanu, huwag akong magtiwala sa kahit sino. Na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung magagawa ko ba. 

 "Ano ito?" Tinuro ko kay Ares ang malaking buto na nasa may mesa niya.


Ngayon ay nasa kwarto ako nina Damasen at Ares. 

"Ah, iyan yung buto ng unang mortal na pinatay ko." Ngumisi siya sa akin. "Alam mo na, tulad ng mga sinasabi nyong mga mortal, remembrance." 

Iling lang habang nakangiwi ang tugon ko sa kanya.

Umupo ako sa isa sa mga kama at tinitigan lang si Ares habang may inaayos siyang kung ano sa gilid. 

"Gusto kong may mas malaman pa tungkol sa inyong mga hellhound." Napalingon siya sa akin noong sinabi ko iyon. "At kung pano kayong dalawa ni Ares na nakaalis sa impyerno. Sabi kasi sakin ni Damasen, naroon lang kayo," wika ko muli. 

Napatigil si Ares sa ginagawa niya at humarap sa akin. "Bigla ka atang naging interesado sa amin." Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo at ilang sandali'y muling tumingin sa akin na ngiting-ngiti. "Nagugustuhan mo ako 'no? Sus!" Natatawa pa niyang sinabi. 

Tinignan ko lang siya nang blangko ang ekspresyon ng mukha ko. 

Tsaka naman siya sumimangot. "Niloloko lang kita, oy." Pumwesto siya sa harapan ko at sumandal sa malaking cabinet sa likuran niya. "Nakaalis kami roon dahil kay Pandora. Isa sa mga hybrid na nasa loob ng katawan niya ay makapangyarihan sa ilalim. Kaya nagawa niyang ialis kami roon at patirahin dito sa itaas. Noong una, hirap na hirap kami hanggang sa nasanay na kami. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkaron kami ng kakayahan para magpalit ng anyo. Bilang mortal na katumbas ng pagkakakilanlan namin bilang isang hellhound." Ngumiti siya sa akin. "Kung hindi dahil sa kanya, naroon pa rin kami at naglilingkod sa mga demonyo." 

Napatango ako habang nakatingin kay Ares. Panigurado, hindi naging maganda ang pamumuhay nila roon. 

"Kaming hellhounds ang nagdadala ng mga mortal sa impyerno. Kahit ano pang paraan, basta makuha namin sila. Pero hindi lahat ng kauri namin ay masama. Isa sa mga maganda naming katangian ay katapatan sa aming mga amo, tulad ng normal na aso rito sa mundo." Isinandal niya ang kanyang ulo at tumingala. "Sabi nila, kapag tumitig ka ng maraming beses sa mga pula naming mata, mamamatay ka. Pero nagkakamali sila, walang kapangyarihan ang mga mata namin. Apoy lang at iba pang kakayahan ng nasa dilim ang kaya namin. Pero depende pa rin sa kung sino ang amo ng isang hellhound." 

Tumango ako, "Pero yung mga amo nyo noon ay demonyo?" Muli kong tanong. 

"Marahas at walang awang amo." Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Ares. 

Umalis siya sa kanyang pagkakasandal. Napatayo rin naman ako sa kinauupuan ko noong papalapit na siya sa pintuan. 

Hindi na siya nagsalita noong binuksan niya ito at tuluyan na siyang lumabas. Gayon din naman ako. 

________ _ _ __ 


Habang abala si Damasen sa paghahanap ng susunod na may-ari ng libro ay patuloy kami nila Ares sa pagbabantay kay Lucas at tuloy pa rin si Lucas sa paglaban sa hybrid sa katawan niya. 

Napapaluha na lamang ako sa tuwing naririnig ko ang malakas niyang pagsigaw. Nakakalungkot na wala akong magawa para hindi siya mahirapan nang ganito. 

Paminsan-minsa'y napapanaginipan ko ang naging pagpatay ni Lucas sa magulang ko ngunit sa paggising ko, wala na talaga kahit katiting na galit sa puso ko. Kung dati ay nag-aalangan pa ko, ngayo'y iba na. 

Napatingin ako sa may Plaza de mayor, ang malaking plaza sa gitna ng aming bayan, nang nakarinig ako ng malakas na sigawan. Mukhang mayroong bandang tumutugtog. 

Pumunta ako rito dahil sa may bibilhin  ako para sa aming apat nila Damasen. Maglalakad na sana ako palayo ngunit natigilan ako noong narinig ko ang boses ng kumakanta. 

Napakaganda. 

Hindi ko maiwasang lumingin sa gawi ng plaza at hindi ko napigilan ang paglapit upang makita kung sino ang bandang tumutugtog. 

"Oh my gosh, ang gwapo ng vocalist ng Songs of Vendetta! Ang hot niya! Sana ako na lang yung guitar na hawak niya!" Wika ng isang babaeng kadaraan lang sa harapan ko, mukhang isang highschool student. 

Mas lalo pa akong lumapit hanggang sa nasa may gilid na ko ng mga nagkukumpulang tao. 

Ngayon lang ako namangha nang ganito. Napakaganda ng bawat pagkapang ginagawa niya sa hawak niyang electric guitar, sa bawat notang lumalabas sa kanyang bibig pati na rin ang malalim ngunit magandang lyrics ng kanta niya. 

Nanatili lang akong nakatayo roon habang pinapanood siya hanggang sa magtama ang aming mga mata. 

Sa isang iglap, napuno ng apoy ang buong paligid. 

Dumilim rin ang kinalalagyan ko at nawala ang lahat ng tao. Bagkus ay para ba akong nalipat sa isang malaking kweba na punong-puno ng apoy. 

Napakadilim. 

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa pati ang hangin ay nakakapaso na rin. Halos hindi na ko makahinga sa bawat paghakbang ko. 

 Ang susunod na nangyari ay labis kong kinatakutan. 

Nasa harap ko ang isang malaking ilog na punong-puno rin ng apoy. May nag-iisang tali sa gitna nito na para bang nagdurugtong sa itaas. Saka ko napansin ang pag-akyat ng napakaraming tao mula sa kailaliman ng ilog na umaapoy upang umakyat sa nag-iisang tali. Nagtutulakan sila, nag-aapakan ng mukha. Nagmamadali silang umalis sa kinalalagyan nila. 

Ngunit walang nakakalagpas sa tali dahil sa tinutulak sila palayo ng mga lumilipad na nilalang na mayroong mga nag-aapoy na mga mata at itim na itim ang balat.

Napalingon ako sa paligid at napakaraming pagsigaw ang nangibabaw sa mga tainga ko. Hindi ko mabilang ang mga boses na nanghihingi ng tulong at humihingi ng kapatawaran. Napaupo ako sa kinatatayuan ko hanggang sa maramdaman ko ring nag-aapoy na ang katawan ko. Pataas nang pataas ang apoy hanggang sa nasa buong katawan ko na ito. 

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. 

Sa pagdilat ko, karamihan sa mga tao ay nakatingin sa akin. Takang-taka. Tumigil din ang pagtugtog ng banda at nilapitan ako ng ilang tao. Tinatanong kung ayos lang ba ako. May mga lumapit din sa aking mga medics. 

Ngunit hindi ko sila napapansin masyado at nakatuon lang ang pansin ko sa bokalista ng banda. Nakatingin din siya sa akin ... habang malaki ang ngisi sa kanyang mga labi. 

"Sa sobrang ganda ng boses ni Lucifer,  nagwala ang lola mo," narinig kong komento ng isa sa mga nakikiusyoso.

Pakiramdam ko'y bigla akong namutla.

Lucifer?

________ _ _ __

A/N:

Si Lucifer ang nasa image sa chapter na itey. Kang Seung Yoon, ebribadi haha.

Sinong nanood ng We Broke Up ditey? Sinong KangDara shipper? Maganda yung web drama, nood na guys. Cute rin ni kiyong (ehem jiyong---kems), kinikilig din ako sa kanila ni Dara huhu. Bakit ko ba sinasabi tong mga to? Kasi dahil sa webdrama na iyon, nauna si Seung yoon. Dapat pang-8th siya na may hawak ng libro eh pero vocalist pa rin naman siya ng banda dun haha. Nauna lang talaga dahil sa KangDara feels ko. ;____;

Kbye.

Thank you sa pagbabasa nitong chapter na to~

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon