Kabanata 35

193 8 0
                                    

Kabanata 35

Mayumi

Locked.

Trapped.

Caught.

Probably soon to be dead.

Maybe not physically, but surely emotionally.

Minsan hinihintay ko na lang na sumuko ang katawan ko. Tipong sa sobrang pagod niya ay bigla na lang akong hindi magigising. A nightmare that would put me to slumber would be very much appreciated too as it could end my misery.

It’s been a week since I bid farewell to the outside world. I have 30 bodyguards watching me inside our mansion. Tipong kahit na tatae at maliligo ay may nakabantay pa rin.

Sa sobrang inis ko nga kahapon ay inutusan ko na lang ang babaeng bodyguard na paliguan ako. Nahiya pa siya kung pati sa bathroom ay sasama siya. Might as well use them. Nakakatamad pa naman ang maligo kapag nasa bahay ka lang.

Saka wala namang aamoy sa akin kundi ang mga aso nitong ama ko na kanina pa masama ang tingin sa akin kaya’t hindi ako makaalis sa pwesto ko. Ihing-ihi pa naman ako.

“Bahala kayo,” pagmamatigas ko sa mga bodyguard. “Kapag hindi nyo inalis ang mga aso sa harapan ko ay dito ako iihi sa couch.”

“Sige po, Miss Mayumi,” sagot ng isa. “Papalitan na lang po namin kapag nakaihi kayo.”

“Damn you!” Hinagis ko sa limang estatwang bodyguard — na talo pa ang mga sundalo ni Jose Rizal — ang unan.

“Kainis.” Mahinang bulong ko. “Akin na nga lang ang mic.” Irita na utos ko sa kanila. Inabot naman nila sa akin ang mic tapos binuksan ang smart t.v.

Kung ayaw nila akong palabasin ng mansyon, pwes, magdusa sila dahil hindi ko sila patutulugin. Araw-araw akong magco-concert. Sinimulan ko na sa pagkanta ng mga rock songs, iyong may kasamang sigaw tapos sinadya ko na wala sa tono para mainis silang lahat.

Hindi pwedeng ako lang ang naiinis. Damay-damay na ‘to lalo’t hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas. Wala akong phone. Bawal rin ako manood ng t.v. o magbasa ng dyaryo tapos wala rin si Arrow. Ilang araw ko na rin siya na hindi nakikita kaya sobra na rin akong nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanya.

What about Clev? Ang grupo nila ni Hunter? Ang daming tanong na ayoko ng isipin dahil baka mabaliw lang ako. Tinuloy ko na lang ang pagkanta hanggang sa mamatay ang smart t.v.

Pagtingin ko sa gilid ay nakatayo ang ama ko. Masama ang tingin sa akin. Kahit na hindi siya magsalita ay alam kong may nangyari na naman.

Syempre, sinong sisisihin niya? Ako, because he thought I was the reason for everything. It wasn’t me pero sige, aakuin ko na para kay Kuya Makisig. Hindi man sabihin ni Arrow ay alam kong sa kanya galing ang ilan sa mga impormasyon na alam ng grupo ni Clev.

“Hi, Dad,” pilyong ngiti ko sa kanya sabay bangon mula sa pagkahiga ko sa couch. “Are you here to hurt me again? What is it this time? Your gun?”

“No. You will not get beaten tonight, Mayumi,” pormal na sagot nito.

Nakahinga ako nang maluwag ngunit hindi ko ito pinahalata dahil baka magbago ang isip niya. Hindi pa nga magaling ang pasa ko sa likod pati na rin ang paso ng sigarilyo sa binti at hita ko.

“You should go to bed and sleep.” Utos niya.

“Hindi pa ako inaantok,” pagmamatigas ko. “Kumakanta pa ako—”

“Sa tingin mo ba ay may pakialam ako?” Putol niya sa sasabihin ko. “Tomorrow is your wedding day. Matulog ka na ngayon dahil ayokong makita kang mukhang zombie bukas.”

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon