Kabanata 22

129 5 3
                                    

Kabanata 22

Mimi

“Aloysius!” sigaw ko pagpasok ng bahay. “Bakit wala tayong ilaw? Hindi ka ba nagbayad? Huwag mo akong taguan! Nakita ko bike mo sa gilid.”

Kinapa ko ang pader para hanapin ang switch. “Ah, joke lang pala. May ilaw pala. Ikaw naman kasi, alas-sais na tapos patay pa lahat ng ilaw dito sa bahay. Hindi mo ba natandaan ang sinabi ni Aling Myrna na dapat pagpatak ng alas-sais ay bukas na ang ilaw sa bahay kundi ay dadalawin tayo ng mga multo saka ng tiktik.”

Nagsasalita ako roon kahit hindi ko sigurado kung nandito ba si Aloysius. Baka bike lang pala ang nandito tapos tumambay na pala siya doon sa may bilyaran. Pero mas okay kung nandito siya para may kausap ako dahil mas malulungkot lang ako kapag mag-isa ako.

“Aloysius!” tawag ko. “Kung nandito ka, o di nandito ka—-”

“Bakit? Namiss mo ba ako?”

Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumulpot mula sa kusina.

“Ito naman, bakit ka nanggugulat?” Humawak ako sa dibdib ko.

“Huh? Tinawag mo ako, ‘di ba? Bakit ka magugulat?”

“Wala. Wala…nevermind na nga. Salamat sa pagbayad ng bill. Send ko na lang sa Gcash mo. Meron ka ba noon? O pwede namang libre kasi wala akong pera. Nag-resign na kasi ako,” kwento ko sa kanya habang papunta sa kusina para ilagay sa ref ang mga grocery na kinuha ko sa bahay ng ama ko.

Kinuha ko na lahat dahil hindi siya pumayag na hindi ako umalis sa planta. Saan naman ako kukuha ng pera kung wala akong trabaho? Kainis. Akala niya siguro ay ginagamit ko ang pera na nakukuha ko sa pagbebenta ng ilegal na droga o paggawa nito. Kahit kailan ay hindi ko ‘yun ginamit.

Magbebenta na lang ako ng wipes saka pabango tapos si Aloysius lahat ang bibili tutal kung gumastos siya ay parang anak ng presidente. Kidding aside, I think I really need to find a job.

“Bakit? May problema ba?”

“Wala. Hindi na kasi ako masaya,” sagot ko. ‘Yon kasi ang madalas na naririnig ko na sinasabi ng mga nagreresign sa trabaho. Ginaya ko lang dahil alangan namang sabihin ko na magbebenta na kasi ako ng droga. “Kailangan ko lang hanapin ang sarili ko.”

Kumurap si Aloysius habang nakaawang ang bibig niya. Parang may kakaiba sa kanya ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung ano—ah, medyo nakikita ko ang mata niya kasi ginupitan niya ng kaunti ang bangs niya. Naiirita akong tingnan siya dahil sa style ng buhok niya kaya madalas ay hindi ko talaga siya tinitingnan.

“Bakit nawawala ka ba?”

“Alam mo…” Napakamot ako sa ulo ko. “Huwag mo na nga akong kausapin. Ay, wait.” Binawi ko rin kasi kailangan ko pala ng kasama. Baka kasi mabaliw ako sa kaiisip kay Clev. Kailangan ko siyang kalimutan.

“Samahan mo pala ako kumain. Kailangan ko ng karamay.” Nilabas ko ang dalawang pack ng baked chicken. “Favorite ko ‘to pero sige ibibigay ko na ang isa sa’yo kasi sasamahan mo ako.”

“Sasamahan na?”

“Kumain nga.” Medyo mataas na ang boses ko. “Pinapainit mo ulo ko, e. Huwag mo akong asarin ngayon. Limang araw na akong broken-hearted kaya maging mabait ka.”

“May jowa ka?” Umangat ang kilay niya.

“Grabe ‘to.” Umismid ako. “Sa jowa lang ba pwedeng mabroken-hearted? Hindi ba pwedeng kasi wala akong pera?”

“Gusto mo pautangin kita para hindi ka na masungit?”

“Talaga?” Nagliwanag ang mukha ko. “May isang milyon ka ba?”

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakWhere stories live. Discover now