SPECIAL CHAPTER

958 46 4
                                    

"Pero, momik?" Mangiyak-ngiyak na tanong na ni Queen Janna sa Mommy Mikha niya ng hindi siya nito payagan.

"Baby ka pa, hindi pa pwede"

"Pero ——

"Basta yun na yung desisyon ko, tapos!" Paninindigan na ni Mikha sa anak at mainit na ulong lumabas mula sa dining area.

"Love!" Tawag ni Aiah sa asawa pero hindi naman ito lumingon.

"Momik!"

"Mommy Aiah, college na po ako, ayoko naman tumandang dalaga" Nakanguso ng aniya ni Queen Janna sa Mommy Aiah nito kaya natatawa na lang naman nitong niyakap ang anak.

"Alam ko, hayaan mo ako na bahala kumausap sa Momik mo" Pagpapakalma na ni Aiah sa anak.

"Okay lang po sa inyo na manligaw si Nicolo sa akin?!" Gulat na tanong ni Queen Janna sa mommy niya kaya natawa naman tinignan ni Aiah ang anak niyang yakap-yakap pa rin ang bewang niya.

Si Nicolo na anak nila Colet at Sheena.

"Oo naman, ilan taon ka na pero gaya ng sabi ni momik mo kahit anong mangyari baby ka pa rin namin"

"Siguro hindi pa handa ang momik mo na makita niya ang baby niyang may manliligaw" Natatawang paliwanag pa ni Aiah sa anak.

"Tsaka mabuting bata naman si Nicolo, mula bata pa ay siya na kasama mo, siya na kalaro mo kaya saksi rin ako kung gaano kabait at kaalaga sayo ang batang iyon" Paliwanag pa ni Aiah habang inaayos-ayos na ang buhok ng anak.

"Masaya ka naman kay Nicolo, di ba?" Paninigurado pa ni Aiah sa anak kaya agad naman itong tumango.

"Sobra po"

"Oh siya, ako na bahala sa momik mo pero hindi ko maipapangako na hindi niya tatakutin ang manliligaw mo ah pati na rin sila Colet at Sheena" Natatawa pang usap nito sa anak kaya napanguso na lang naman ito.

"Mommy Aiah, naman"

"Oh siya, matulog ka na, goodnight" Paalam na nito sa anak at hinalikan na ito sa pisnge.

"Goodnight mommy" Paalam na rin nito sa mommy niya at hinalikan na ang magkabilang pisnge nito.

"Kayo na po muna bahala mag goodnight kay momik at magkiss" Malungkot pa rin na sabi nito kaya niyakap na lang naman ni Aiah ang anak.

Pagpasok ni Aiah sa kwarto nila mag asawa ay nadatnan niya ang asawang si Mikha na nag iinom sa labas ng terrace ng kwarto nila.

"Kaunti lang ah, pampatulog lang" Usap na nito sa asawa kaya agad naman tumango ang isang kilalang Ceo na si Mikha Lim.

UNDERstanding.

Hindi naman na nagsalita si Aiah at lumapit na lang sa asawa para halikan ang pisnge nito at yakapin mula sa likod.

"Goodnight daw sabi ng anak mo" Bulong pa nito sa asawa kaya tumango na lang naman si Mikha.

"Galit ka ba?" Tanong pa ni Aiah kaya agad naman umiling si Mikha sa asawa.

"Hindi, hindi ko naman kayang magalit sa anak natin" Sagot ni Mikha at hinaplos na ang brasong nakayakap sa kaniya.

"Pero hindi ba tama lang na magpaligaw na ang anak natin? Hindi na bumabata ang anak natin, love"

"Nasa tamang edad na siya para makipag relasyon, in fact, sila na nga lang ni Nicolo ang single sa circle nila" Paliwanag na ni Aiah na siya naman din sinang ayunan ni Mikha ng tumango ito.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now