CHAPTER LII

1.9K 48 9
                                    

Nang makarating na sila sa hapag kainan ay laking gulat ni Mikha ng biglang nagpabuhat sa kaniya ang bata na buhat buhat ngayon ni Stacey.

"Aww, gusto na ni baby Queen sa daddy Mikhs niya" Kunwari pang natouch na sabi ni Stacey habang binibigay si Baby Queen kay Mikha.

"Daddy? Baliw ka ba?" Pikon na sabi ni Mikha ngunit tinarayan lang naman siya ni Stacey at inabot pa rin sa kaniya ang baby. Agad naman napangiti si Baby Queen ng buhatin siya ni Mikha at agad-agad na nilaro ang kwintas ng dalaga.

"Yung kwintas talaga yung gusto niya, hindi ako" Usap na lang ni Mikha sa kaibigan kaya tinawanan na lang siya nito. Nang magkayayaan na silang kumain ay pumwesto na sila sa kani-kanilang mga upuan habang pilit naman kinukuha ni Aiah si baby Queen kay Mikha ngunit ayaw naman sumama ng bata sa mommy niya kaya nginitian na lang ni Mikha si Aiah.

"Ako na lang muna siguro magpapakain sa kaniya, iready mo na lang yung kakainin niya" Nakangiting usap ni Mikha kay Aiah, saglit pang nagulat si Aiah ngunit tumango rin naman agad siya at niready na ang kakainin ni Baby Queen.

"Ohh, instant daddy ah" Asar pa ni Jhoana kay Mikha, pasikreto naman natawa si Colet kaya tinignan lang niya ng masama ang dalawa.

"Sure ka?" Paninigurado pa ni Aiah. Tumango na lang naman si Mikha kaya hinayaan na lang din ni Aiah si baby Queen kay Mikha.

Habang kumakain ay masayang nagkwekwentuhan naman ang magkakaibigan patungkol sa mga huling gala nila na magkakasama habang si Mikha naman ay focus na focus sa pagpapakain kay Baby Queen.

"Tahimik mo yata, bro? Masyado ka ng nawiwiling kay Baby Queen ah" Natatawang usap ni Colet sa kaibigan. Ngunit tinignan lang naman siya nito at sinubuan ulit ang bata na kalong kalong niya.

"Anong gusto niyong iambag ko sa kwentuhan niyo? E ni isa wala akong maalala sa mga pinagkwekwentuhan niyo" Biglang usap ni Mikha sa mga kaibigan, napatingin naman lahat ng kaibigan niya sa kaniya kaya nilaro na lang ulit niya si Baby Queen.

Nang matapos na silang kumain ay sa sala na nilang napiling tumambay para manood ng mga paboritong palabas ni Baby Queen habang si Mikha naman ay katawagan ang secretary niya sa garden area upang imonitor ang kumpanya.

Nang matapos ang napakahabang diskusyon ay napagdesisyunan na rin ni Mikha na pumasok sa loob ng bahay ngunit agad din siyang napatigil ng makita niya si Aiah na nanatiling nakatayo at nakamasid sa harap ng mga Picture Frame na naka display sa bahay niya. Agad naman siyang lumapit sa rito para kamustahin ito.

"Kamusta ka na?" Biglang tanong ni Mikha sa dalaga habang tinitignan na rin ang mga picture frame. Saglit pang napatingin ang dalaga kay Mikha at agad din binalik ang tingin sa mga litrato.

"Ewan, okay, siguro?" Sagot ni Aiah. Taka naman tumingin si Mikha sa kaniya.

"Buti natabi mo pa tong mga litrato na 'to?" Biglang usap ni Aiah kaya binalik na ni Mikha ang tingin sa mga litrato.

"Mahalaga sa akin yang mga yan e, hindi ko naman siguro itatabi yang mga yan kung hindi importante sa akin" Nakangiting sagot ni Mikha.

"Kung mahalaga at importante sayo, bakit nagawa mong kalimutan? May litrato rin naman tayo rito ng tayong dalawa lang pero bakit nagawa mo pa rin akong kalimutan?" Biglang tanong ni Aiah na siya naman kinabigla ni Mikha.

"I'm sorry" Nasabi na lang ni Mikha. Napangiti na lang naman si Aiah at umiwas ng tingin.

"Sorry, Aiah. Dahil kahit ako ay hindi malaman kung ano ba talaga ang nangyari nung mga araw na yon. Ang kwento lang sa akin nila Sheena ng magising ako ay bumalik nga raw ang sakit ko sa puso kaya kinailangan kong mag resign sa trabaho ko" Kwento naman ni Mikha.

"Hanggang sa, inatake na nga ako ng sakit ko sa daan kaya ayon booogss! Pag gising ko wala na akong maalala" Dagdag pa ni Mikha.

"Alam mo bang piloto ako dati?" Tanong pa ni Mikha atsaka tinuro ang picture niyang nakapang piloto

"Yan oh, pero kinailangan kong magresign, nagulat na lang din ako pag gising ko nagresign na lang din si Colet. Hindi raw kasi kumpleto pakpak ng eroplano niya kung wala ako" Nakangiting kwento pa ni Mikha sa dalaga.

"Sobrang laking pasalamat ko rin sa mga yon dahil hindi rin nila hinayaan na tuluyan kitang makalimutan" Dagdag pa ni Mikha at nginitian si Aiah.

"Yeah, salamat sa kanila" Nakangiting sabi na lang rin ni Aiah.

"Tignan mo 'to, sayang lang kasi hindi mo maalala tong Vigan Trip natin" Usap naman ni Aiah habang tinuturo ang picture nilang magkakaibigan sa Vigan.

"Mukhang close na close nga tayo diyan oh" Natatawang usap pa ni Mikha ng makitang magkayakapan sila ni Aiah.

"Kung alam mo lang" Napapailing na sabi ni Aiah.

"Hmm, hindi ko alam na may baby ka na pala, hindi rin naman nila nabanggit sa akin" Usap pa ni Mikha, napangiti na lang naman si Aiah.

"Queen Janna" Taka naman napatingin si Mikha kay Aiah ng marinig ang totoong pangalan ng bata.

"Janna?" Tanong pa ni Mikha at umiwas na lang ng tingin.

"Nung dumating si Janna sa buhay ko ay parang binigyan niya ulit ako ng rason para buksan ulit ang puso ko, nung nalaman ng mga kaibigan natin ang nangyari sa akin sa Canada ay agad din nila akong binisita ron, kaya parang blessing sa buhay ko na dumating si Janna kasi dahil sa kaniya, naging okay na ulit kami, naging okay na ulit ako. Para bang biglang nagkaroon ng kapatawaran at pag uunawa tong buong pagkatao ko" Seryosong usap pa ni Aiah, buong atensyon naman ang tinuon ni Mikha sa dalaga kahit na hindi niya masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito.

"Helloee!!!" Agad naman napalingon ang dalawa ng marinig ang bata. Awtomatiko naman napangiti ang dalawa ng makita ang batang may dala dalang laruan na eroplano.

"Mukhang gusto rin maging Capitana ng baby mo" Bulong pa ni Mikha sa dalaga, awtomatiko naman napangiti si Aiah dahil sa sinabi ni Mikha.

"Mana sa pangalawang mommy" Nasabi na lang ni Aiah at binuhat na si Queen pabalik sa mga tita nito. Habang si Mikha naman ay tulalang nakatingin sa mag ina.

"Ano raw?" Takang tanong pa ni Mikha sa sarili.

We Fell In love in OctoberWhere stories live. Discover now