MLAD Chapter 10

263 2 0
                                    

Tsapter Ten!

~.+**+_______+**+_______+**+_______+**+_______+**+.~

Dahil Sunday ngayon... Free ako dahil wala akong klase... niyaya ako ni nicole na mag-mall... Nag-Oo nalang ako para iwas stress na rin tsaka para malayo ako sa arroganteng Nathan na ‘yon…

Mga bandang 1:46 kami umalis.  Gamit namin ngayon yung bagong kotse ni Nicole.  Wala si mang Ronnie kaya si Nicole nalang yung nagdrive. Mabilis magdrive ‘tong babaeng ‘to. Kala mo may racing ang tema kapag magpapatakbo ng kotse. Kinakabahan ako kung makakarating pa kami sa mall ngayon. Ayokong umuwi ng duguan kaya nagsalita na ako.

“Hoy Nicole! ‘wag mo namang bilisan! Baka mabangga tayo!”

“Don’t worry cous, pinag-aralan ko ‘to” tapos tumawa siya ng nakakaloka. “Uy ! Ikwento mo nga pala sa ‘kin yung nangyari kagabi. Bakit lately, napapansin daw ni manang luz na lagi kang pagod ? Bakit ba ? Ano bang pinapagawa sayo nung Nathan na ‘yon?”

“Ahhh .. ‘yun ba ? Wala ‘yon.. tsaka ‘wag mo na muna ako intrigahin please ?!”

“Sabihin mo na kasi. Kahit yun na lang yung sabihin mo. Kahit hindi mo na ikwento yung ibang nangyari pleeeeeeeaaaase? “

I’ll take this as an avantage nalang para di na niya ako kulitin tsaka para di na niya rin malaman yung mga nakakainis na nangyari.

“Sige.. basta yun lang tapos wala na..”

“Oo nga ! bilisan mo na. Malapit lapit na tayo sa mall oh !”

“Excited ka masyado ! Oo na… Yung mayabang na Nathan na  ‘yon kasi.. pinapahirapan ako sa mga gawaing bahay. Biro mo ba naman, nagalit nung nabasag ko yung pinggan niya. Eh kasi naman diba ! ang dulas ng pinggan kaya nahulog. Di ko naman kasalanan na madulas yun eh. Tapos…

(>_<) Erase Erase Erase ~

“Tapooooos !?” –Nicole.

“Ahh.. wala .. wala na palang nangyayari.. hehehehe..”

“Sure ka !? parang di naman cous. Nagsisikreto kana sa ‘kin ahhh..”

 “Wala na talaga promise…”

Nagsmile na ako sa kanya. She’s doubting meeeeeeee! >O<

 “Pero teka lang cous, diba bilin sayo ni tito eh pag-aralan mo daw yung mga ganon?! Sinabi niya sakin through e-mail. Sabi niya rin sa kin na.. bago daw siya bumalik dito kelangan marunong kana sa mga gawaing pangmuchacha!”

 “M-muchacha!? How dare... *sighed* Yun nga yun eh ! Kaya pinapractice ko na lang sa bahay niya. Ayoko kasi sa bahay. Aasarin  nanaman kasi ako ni manang.”

“ Bakit ? Ano bang inaasar sayo ni manang luz ?”

(O...O)

“ WALAAA!”

“Hoy ! Easy ka lang ! Wag mo kong sigawan please ?”

“ S-sorry. Naiinis lang kasi ako. Alam mo naman siguro yung kalagayan ko.”

 “Sad to hear that. But don’t worry, sabi sakin ni tito pogi daw yung magiging partner for life mo.”

“PWEDE BA?! Ayoko pa rin noh!”

MEET LOVE AND DESTINY (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon