1.

13 3 0
                                    

Dahil nga sa sobrang antok na antok ko kahapon ay sa sofa na ako nakatulog. Nagising ako ng bandang alas kwatro na yata ng gabi iyon. Nakaramdam ako ng pagkaihi kaya naman agad akong bumangon. Buti naman at hindi pinatay nila Mama ang ilaw dito sa sala.

"Ay potek! Nasa labas nga pala yung banyo nila Lola" dismayang pagkakasabi ko. Bakit ba ganun dito sa probinsya. Nasa labas ng bahay ang banyo. Tapos yung poso nila nasa malayo din nakakaloka.

Nakakatakot pa naman lumabas ng madaling araw dahil baka kung anong nilalang ang nasa labas ng bahay

Akmang lalabas na sana ako papunta sa cr ng biglang napalingon ako sa isa sa mga bintana nila Lola.

Ang bintana nila Lola ay jalousie type na bintana. Kaya naman kitang kita mo pa din kung may tao sa labas o wala.

Kahit na nakakaramdam pa din ako ng antok ay hindi naman ako namamalikmata sa nakita ko. Dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ay kitang kita ang anino ng isang lalaki na nakatayo lang sa labas ng bahay.

Agad naman akong nakaramdam ng takot dahil baka magnanakaw iyon na balak pasukin ang bahay namin. Hindi na pumasok sa isip ko ang mga engkanto at elemento dahil nakasuot pa din naman saakin ang porselas na may dasal.

Saktong sakto lang ang tangkad ng lalaking iyon kaya naman hindi talaga sya mukhang engkanto. Dahan dahan akong lumakad papunta sa kwarto nila Lola. Dahan dahan akong kumatok doon para maiwasan ang pag iingay.

Siguro ay may mahigit isang minuto akong kumakatok doon ng buksan ni Lolo ang pinto.

"Oh bakit, apo?" Tanong ni Lolo sakin habang sinusuri ako. Walang lingon lingon na itinuro ko sakanya ang bintana.

Napatingin naman si Lolo doon at tumingin ulit saakin. Ang expresiyon ng mukha nya ay para bang nagtatanong.

"Lo, may magnanakaw pong nakatayo sa labas ng bintana" turo ko. Paglingon ko sa bintana ay nawala na ang lalaking nakita ko. "Huh? May tao po talaga sa labas, Lo" pangungumbinsi ko pa.

Agad naman pumunta si Lolo sa kusina at kinuha nito ang kanyang itak. Walang halong takot itong lumabas at pumunta sa banda kung saan naroon ang lalaki kanina.

"Oh anong nangyayari apo?" Tanong naman ni Lola. Nagising yata siya dahil sa tuloy tuloy na katok ko kanina.

"May nakita po kasi akong lalake sa labas ng bintana eh. Baka po magnanakaw" paliwanag ko naman.

Agad naman lumabas din si Lola para puntahan si Lolo sa labas. Grabe sila. Wala silang katakot takot na lumabas kahit madaling araw na.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumalik na din sa loob sila Lolo kasama si Lola. At sa pag pasok nila ay may bitbit itong isang aso na kulay brown at kulay white.

"Oh Lo, aso?" Tanong ko pa. Napangiti naman si Lolo.

"Ay nakasalubong ko kasi si Pareng Gimo diyan sa labas. Maaga yatang pupunta sa bundok. Eh nakita kong may dalang tuta, kaya naman kinuha ko na" natatawang sabi pa nito sabay abot saakin ng aso.

Ang cute cute at taba ng aso na ito. Grabe siguro ang pag aalaga ng nanay nito sakanila. Kaya naman ganito sya ka botchog.

"Eh Lo, ano po balita doon ss nakita ko kanina sa labas?" Umupo muna si Lolo sa sofa at nakiusap kay Lola na ipag timpla kami nito ng kape.

"Hindi ko masabi apo eh. Baka multo o baka si Pareng Gimo. Na ikwento nya din kanina na hinihintay ako nito na magising para sana kumuha ng dahon ng kamangyan sa likod bahay. Tulog pa naman daw ako kaya naman pumasok na sya dito sa bakuran natin".

Yun nalang din ang gusto kung isipin. Na sana nga eh si Pareng Gimo nalang yung nakita ko.

"Ano ipapangalan natin dito sa aso, Lo?"

Sa Mundo Ng EngkantoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα