Teaser

7 3 0
                                    

Nakakaloka si Mama. Ilang oras lang naman ang biyahe simula dito sa Paranaque hanggang Sariaya, Quezon. Siguro aabutin lang kame ng mahigpit 3 Hours?!


Alam nyo bang alas kwatro palang ng madaling araw eh ginigising na ako ni Mama para maligo at gumayak na.



"Ma, ilang hours lang naman po ang byahe natin mula Sariaya. Ikakalma niyo lang po Ma" inaantok pang sabi ko. Habang si Mama naman aligaga sa buong bahay.



"Anak, sa mismong bayan ng Sariaya ang tatlong oras, iba pa ang byahe mula sa bayan hanggang sa sitio ng Lola mo. Nakalimutan mo na?" Halata sa boses ni Mama yung pagkainis at pag mamadali.



"Hindi naman po siguro tayo gagahihin, Ma". Kainis?! Eto din yung reason kung bakit ayaw ko sumama eh.



Alam niyo yung tipikal na Asian Mom? Ganun na ganun si Mama. Nakakaloka! Kailangan palagi kang maaga. Naalala ko non. Super aga namin pumunta sa school para mag enroll. 6am andon na kame. Kami pa talaga naghintay na magbukas yung cashier ng school.



Okay lang naman iyon na maaga kame pero 6am andon na kame and ang bukas ng cashier is 8:30am. Dalawang oras kami nag hintay doon?!



"Abi, bumangon kana dyan. Hindi ka pa naka impake ng mga gamit mo. Ang tagal tagal mo gumayak,anak. Ambagal bagal mo din kumain ng agahan." Galit na tono na sabi ni Mama.



Well, bilang isang masunuring anak sinunod ko nalang. Kaysa mabadtrip kaming dalawa ni Mama sa isa't isa. Kaya naman ayaw ko pa bumangon kasi nga ang usapan na byahe namin is 8am pa?!


Oo, 8am?!



Anong oras palang, 4am?!



Jusko!! Mga nanay nga naman talaga. Akala mo magugunaw na ang mundo sa kaka madali.



"Oo na, Ma. Hay nako?! Ang sabi po ninyo 8am tayo b-byahe. Mama anong oras palang oh". Sabay turo ko sa wall clock na nasa kwarto ko .



"Oo na, sige na. Maligo kana, mag impake kana. Sa malamang madami ka nanaman dadalin. At isa pa anak. Kaya naman kita pinag mamadali para hind na tayo tanghaliin sa pag punta sa sitio. Tirik na ang araw, masakit sa balat. Bahala ka iitim ka nyan". Natatawang asar ni Mama.



Totoo din naman, hindi ko naman maikakaila yon. Siguro dahil ibang iba ang environment na meron sa probinsya.



"Okay lang umitim ako, Ma. Basta wag lang po tayo aswangin kagaya ng dati". Pabirong sabi ko sabay pasok na sa cr.



Habang nasa cr ako. Iniisip ko na kung anong mga gamit ba ang mga dadalin ko. Mga skin care ko palang ang dami na. Paano pa kaya yung mga damit ko pambahay, mga pang-alis na damit.


Nang makatapos ako maligo ay, isinabay ko na din ang pag iimpake ng mga gamit ko. Nakadalawang maleta din ako na malake at isang shoulder bag para sa mga skincare ko.

"Ano ready kana?" Tanong ni Mama. Tumango naman ako at sumakay na kame sa tricycle para pumunta sa bus station.


Dalawang tricycle nga ang inarkila namin dahil sa sobrang dami naming dala. Ang nagpadami doon ay yung mga gamit na binili ni Mama sa divisoria nung nakaraan.

Nang makarating kame sa bus station ay 30mins din kaming naghintay ng bus papuntang Sariaya.

Habang nasa byahe nga kami ay kwento ng kwento si Mama about sa mga gagawin namin pag punta doon sa Quezon. Nakakainis lang kasi gusto nya pagkarating namin don ay mag a-outing agad kami. Ayaw man lang nya magpahinga.

Sa Mundo Ng EngkantoWhere stories live. Discover now