Chapter 19

43 0 0
                                    

Rixia's POV

"Iha...Gising na..." Nagising ako dahil sa pag-uga at pag-gising sakin ni Mamay...

"Hmm...Anong oras na po ba mamay?" Tanong ko. Nakapatay kasi lahat ng ilaw dito sa salas pero maliwanag naman sa ibang parte ng mansion. Tulog parin hanggang ngayon ang mga kaibigan ko...

"Alas sais na...Maghahapunan na kaya gisingin mo na ang mga kaibigan mo..." Sabi niya

"Hindi na po muna mamay. Hayaan mo na po muna silang matulog..." Tanggi ko.

"O sige sige! Magpahinga ka narin muna" Sang-ayon niya pero umiling ako.

"No mamay. Tutulong po akong maghanda ng dinner. May mga pagkain na po ba?" Tanong ko..

"Naku alaga ko! Kami na ang maghahanda. At oo may pagkain na....Niluluto palang" Saad niya.

"Tutulong po ako" Sabi ko ulit bago tanggalin ang ulo ni Caspher sa hita ko...Ang bigat!!

"Tulungan na kita" Presinta ni Mamay at tinulungan nga akong alisin si Caspher sa hita ko....Naalis naman namin siya pero....

"Hmmm..." Bumalik siyaaaaaa!!!! Ayaw niya nang umalis!? Diyan nalang siya habang-buhay!? Bagsak-balikat akong napabuntong hininga dahil don!

"Haha! Ayaw talagang umalis ng bebe mo sayo" Kinikilig na pang-aasar ni mamay kaya sinamaan ko siya ng tingin!

"Anong bebe ka diyan! Tss!" Inis na sabi ko!

"Magpahinga ka na muna kase..Kami nang bahala sa kusina" Siya..

"Iiihhh!! Ayuko nga!" Tanggi ko ulit!

"Ang kulet mo eh. Ayaw ka ngang paalisin ng bebe mo" Pang-aasar niya pa! Anak ka ng kalabaw! Hindi ko nga siya bebe!

"Tsk! Mauna nalang po kayo sa kusina mamay...Aalisin ko lang po ito!" Ako...

"O siya! Ikaw nang bahala diyan sa bebe mo ha?" Nakaka-asar na sabi niya bago umalis!! Uupakan ko na talaga siya eh! Pero joke lang..Hihi!

Luminga-linga ako sa paligid kung may tao ba at....Sa wakas! Wala!

Tinitigan ko ang katawan ni Caspher kasabay ng paglutang niya! Inilapag ko siya sa isang malaking sofa at dun pinahiga....Yan! Salamat naman at makakatayo narin! Ang bigat niya ah..

Tumayo na ako at saka nag-inat inat! Whoo! Sumakit likod ko! Tinignan ko na muna ang mga kaibigan ko.....Ang sarap ng tulog nilang lahat. Napabuntong hininga ako dahil sa mga naiisip ko..

'Sana.....Pag dumating na ang impostora, nandito parin kayo sa tabi ko.....Sana, makita ko parin ang mala-anghel niyong mukha at ngiti.....At sana, hindi niyo parin ako makalimutan at iwan. Mahal na mahal ko kayo....Higit pa sa buhay ko'

Malungkot lang isipin na....May iba kayong ituturing na prinsesa, kapatid at pamilya. Kahit na hindi ko pa nakikita ang mga magulang namin, mahal na mahal ko rin sila....Mahal ko ang mundong pinanggalingan ko at mahal ko rin ang mga nilalang na nabubuhay doon. Sana pag dating ng araw na....Ililigtas ko na kayo, magtagumpay ako at magawa ko ng maayos. Dahil buong buhay kong pagsisisihan kapag napahamak kayong lahat. Kahit buhay ko pa ang kapalit para lang maligtas kayo.....Gagawin ko yun para sainyo.

Hindi ko na napigilan pang mapaluha habang tinitignan ang mga mukha nila...Para akong baliw na umiiyak habang nakangiti dito! Haaayyss! Baliw ka na talaga Rixialyn! Agad ko nang pinunasan ang mga luha ko at saka umalis patungong kusina.
.
.
"Good evening lady Rixialyn!" Sabay-sabay na bati ng mga katulong dito sa kusina pati yung dalawang chef. Nginitian ko lang sila kaya halos lahat sila ay nanlaki ang mga mata..

"Wag na kayong magulat. Sige na! Magluto na kayo....Tutulong ako" Nakangiti kong sabi kaya mabilis silang bumalik sa trabaho......Magluluto lang ako ng kaldereta!
.
.
After 1 hour

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now