Continuation

254 10 0
                                    

Rixia's POV

Tumayo na ako sa kama ko para gawin na ang morning routines ko.......

Super excited na talaga ako para sa saturday. Ang araw na makakabalik na kami sa Immortal World....At sigurado akong excited narin ang mga kaibigan ko......Pero hindi parin nawawala ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung anong mangyayaring pagsubok ang mararanasan ko pagkatungtong ko sa mundo ng mga immortal. Sana........sana talaga magawa ko ng matagumpay lahat ng mga pagsubok na dadaan ko sa buhay.

Oo matapang at palaban akong babae. Walang inuurungan, walang kinakatakutan. Pero buong mundo na ng immortal ang usapan dito eh. Buong mundo......Lahat ng immortal damay damay dito, kaya talagang kinakabahan ako dahil baka hindi ako magtagumpay sa pagliligtas ko sakanila. Baka mamaya hindi ko magampanan ang tungkulin ko sakanila. Kunakabahan ako dahil maraming buhay ang nakasalalay dito. Hindi lang buhay ng mga immortal pati buhay ng mga mortal. Kasi oras na masakop na nila ang buong immortal world ay madadamay ang mundo ng mga tao na talagang kinatatakutan ko. May kahinaan naman din ako kahit papaano noh...
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay bumaba na ako sa dinning area dahil baka naghihintay na sila saakin. Well di pa naman kami late ehh...6:15 a.m palang naman.

Ng makarating ako sa dinning area ay agad kong nakita ang maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Nakita ko naman sa mukha nila ang masayang ngiti maliban kay Marianne. Pero kitang kita dito ang saya sa mata. Pero ako? Nah! hindi ko pinakita ang emosyon ko. Pero sa loob-loob ko ay gustong gusto ko ng magdiwang dahil sa saya.

Umupo na ako sa upuan ko ng biglang magtanong si Celline.

"Hindi ka ba masaya lead? Dahil makakabalik na tayo sa mundo natin? Na sa wakas makikita mo na ang matagal mo ng gustong makita? yung pamilya mo? Yung kapatid mo at mga magulang?"

Ewan ko parang gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa sobrang saya. Tuwing naririnig at naiisip ko na makikita ko na sila ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko sa tuwa. Pano pa kaya kung nagkaharap na kami? Baka di ko mapigilan at maluha na ako....

Hindi naman ako iyakin eh...pero ewan ko lang nung sanggol pa ako. Ang sabi sa akin nila mom and dad eh tahimik lang daw ako. Umiiyak lang ako tuwing gutom na ako pero kapag puno na ang diaper ko tumatawa daw ako. Minsan lang din daw ako ngumiti. Mahihirapan muna sila bago ako pangitiin. Pero nung naging Four years old na ako. Lumala ang pagiging cold ko. Minsan lang akong makipagkaibigan. Bihirang ngumiti at mahilig mapagisa dahil ayaw ko daw sa maiingay na lugar o tao. Pero sweet naman daw ako kila mom and dad. Ginagalang ko sila lalo na nung malaman ko na ampon lang nila ako? Lalong tumaas ang respeto ko sakanila dahil inalagaan parin nila ako kahit hindi nila ako kadugo. Malaking utang na loob yun para saakin.

At siyempre lalong lumala pa ang pagiging cold at walang empsyon ko nung nagdalaga na ako. Pero kahit ganon nakapagkaibigan parin ako ng maiingay na mga babae. Sila Celline, Berniz at Marianne. Pasalamat nalang ako dahil nabawasan ang kaingayan ng gumaya saakin si Marianne. Pero kahit na maiingay pa sila. Mahal ko parin ang mga yun....

Pero di ko parin talagang maiwasang isipin kung paano ko magagampan ang tungkulin ko sa immortal world eh. Kaya ko nga ba? Siguro....Oo nga kaya ko ito! Ano ka ba naman Rixialyn. Gangster at Mafia ka kaya. Kaya mo yan. Magtiwala ka sa sarili mo....

"Oyyy queen okay kalang?! Natulala ka na diyan!" Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong sumigaw si Berniz. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa lakas ng boses niya.

"Hehe eh kasi queen ehhhh....kanina ka pa namin tinatawag dahil aalis na tayo. Pero wala ka paring kibo. Ni hindi mo nga nagalaw ang pagkain mo eh. Nakapag ligpit narin kami ng pinagkainan ikaw nalang ang hindi kumakain. Have a problem queen?" Mahinahong paliwanag niya. Umiling lang ako para mapanatag sila. Napahaba ata ang pag iisip ko. Hehe...

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now