Chapter ( V )

264 7 0
                                    

My Bad Boy Prince  

storyline by toneewritestragedies

Chapter ( V )

- x x x x x x x x x x -

"Ang ganda talaga ni bebe ano? Liligawan ko na talaga 'yun." sabi ni Shem habang naglalakad kami apat papunta sa susunod na subject namin.

Nagtinginan kami nina Daniel at Benj sa sinabi niya tapos pinagbabatukan namin siya. "Ang jeje mo talaga!" si Benj.

"Patuli ka muna, man! Wahahaha." natawa ako kay Daniel. Hayup din 'to minsan e.

"Oy, tuli na ako ano! Tignan niyo pa e." umakto pang ibaba ni Shem 'yung zipper niya pero hinila ko 'yung kamay niya.

"Gago! Masyado kang exhibitionist. Bilisan niyo na maglakad. Wala kayo sa Luneta. Baka ma-late tayo." inunahan ko na silang tatlo sa paglalakad. Ang babagal kasi e.

Bago pa ako makapasok sa classroom, muntik ko nang mabangga si Weird Girl na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Oops, tumingin ka lagi sa daraanan mo, Lucy Grace." nakangising sabi ko sa kanya.

"Sorry, 'kamahalang' Lee Jae-Young, hindi ko po sinasadya--"

Bigla kong tinakpan na naman ang bibig niya. Sa lakas ng impact ng ginawa ko, napaatras siya at napasandal sa may pader sa gilid ng classroom.

"Uy! Ano ka ba?! 'Di ba sinabi ko sa'yong 'wag mo akong tatawagin sa ganyang pangalan. Baka may makarinig sa'yo e." sita ko sa kanya. Bwisit, pahamak 'tong babaeng 'to talaga!

"S-sorry, nalimutan ko." pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa bibig niya at dumistansya sa akin pagilid.

Narinig kong nagpalakpakan 'yung tatlo sa likod ko at inasar kami ni Weird sa isa't isa.

"Nays wan, Adam! Nagbibinata na." siniko ako ni Benj pero sinimangutan ko naman siya.

"Si Weird pala ang prospect mo, pre. Bagay kayo." natatawa naman si Daniel.

May sinabi si Shem pero hindi ko na naintindihan kung ano 'yun dahil nga jejemon siya 'di ba? Puro powhz lang naririnig ko ng maayos. Haaay, ewan ko sa mga bugok na 'to. Masyadong mga bading!

Lumayo naman ako kay Weird tapos nagsalubong ang kilay ko. "Utot niyo. Anong bagay dyan? Tss."

"Eh bakit kung umasta ka parang close kayo. Ayeee~!" tinusok-tusok ako ni Benj sa tagiliran pero siniko ko siya.

"Tangina, umayos nga kayo. Wala lang 'yun." tapos iniwan ko sila at pumasok na ako sa room. Umupo na ako sa pinaka-sulok na upuan at nakita kong nagsipasok na rin dito 'yung tatlo at naglakad na palayo si Lucy Grace. Tsk, weird.

Sa buong klase, wala akong ginawa kundi ang matulog na lang. Nakakatamad e.

x - - - - - - - - - - x

Nagising na lang ako nang ako na lang ang tao sa buong room. Gagu talaga 'yung tatlong 'yun, hindi man lang ako ginising. Nasaan na kaya sila?

Nag-inat muna ako at saka kinuha 'yung cellphone ko na nasa bulsa ng bag ko. May text doon si Daniel

From: Daniel Bading

Message: Tol nauna na kami sa'yo. Ang tagal mo kasing gumising e. Kanina ka pa namin ginigising pero ang lakas ng hilik mo, parang wala kang naririnig. Ingat pag-uwi ha. Enjoy na enjoy mo pa 'yung aircon lol :D

Mga kupal talaga ang mga 'yun kahit kailan. Parang hindi ako kaibigan e. Tss. Nag-inat muna ako tapos kinuha ang bag ko at lumabas na classroom. Sa fire exit na ako dumaan dahil pagdating ko kasi sa baba sakto nasa back gate ako ng school at madaling makalabas. Hindi na rin ako nagpa-sundo kay Bram. Katamad mag-text e.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon