Chapter ( IV )

265 9 0
                                    

My Bad Boy Prince  

storyline by toneewritestragedies

Chapter ( IV )

- x x x x x x x x x x -


Naipasa ko na pala last week 'yung atlas. Syempre, mataas ang grade ko dun kay Prof Orcullo. Ang galing ko e tapos magandang lalaki pa ako. Ayun nga lang may kaunting problema kasi magbabayad pa ako dun sa weird na babae ng 1,350 pesos dahil dun sa atlas na 'yun. Maliit na bagay lang sa akin 'yung pera dahil mayaman ako uhmm slight lang. Kaso kasi makikita ko na naman siya. Ang sakit niya kasi sa mata. Pero wala akong choice kundi ang gawin 'yun. I really love the idea of picking choices and choosing options but this time, I'm annoyed because of her. Tengene, english 'yun! Pero totoo naman kasi e kailangan ko siyang bayaran. Ba't ba kasi hindi ko na lang utusan si Bram? Tsk.


"Tol, liligawan mo na ba si Lucy." Siniko ako ni Daniel pero ginantihan ko naman 'yung siko niya ng malakas.


"Tss. Ligawan? Muka mo." Naiirita kong sabi sa kanya habang naglalakad kami.


"Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng magbayad ng atlas mo, siya pa. Small world 'di ba?" Natatawa naman si Benj habang si Shem naman ay busy sa pag-gm ng mga ka-jejehan niya sa mga clan-dian niya, este clan pala!


"Destiny kayo nun ni Weird Girl, Adam. Ikaw lang sapat na! Hahaha" tapos nagtawanan silang tatlo sa sinabi ni Shem. Tss, anong nakakatawa dun?


"Tumigil nga kayo dyan. Pagbuhulin ko kayong tatlo e."


Naghiwa-hiwalay na kami dahil hindi kami blockmates sa ilang subject. Dahil vacant ko naman, dumirecho na ako sa library para magbayad dun sa Lucy na 'yun. Sinadya ko talagang hindi isama 'yung tatlo dahil aasarin ako ng mga 'yun panigurado.


Pagpasok ko sa library, nahagilap agad ng paningin ko 'yung weird na nasa station niya. Nagbabasa ng makapal na libro. Napailing na lang ako. Ang weird niya talaga!


Naglakad na ako papunta sa kanya pero parang hindi niya ako napansin na nakatayo sa tapat niya. Tsk. Ganito ba siya ka-hook sa binabasa niya?


"Ehem ehem!" Sabi ko at sa wakas tumingin na siya akin. Wala na naman siyang facial expression. May bago ba dun?


Itinaas niya 'yung dalawang kilay niya na parang nagtatanong kung anong kailangan ko. Nakakaasar nga e, para kaming nagsha-sharades dyan sa mga actions niya. Bwisit.


Ipinatong ko sa desk niya 'yung 1,350.00 pesos na bayad ko doon sa atlas na pinasa ko kay Prof Orcullo.


"Ano 'to?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa pera.


"Tss malamang, ano pa nga ba kundi pera." Sagot ko.


"Alam ko pera 'yan, 'kamahalan'. Pero para saan 'yan. May utang ka ba sa akin? Sa pagkakaalam ko hindi tayo close para pautangin kita."

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon