Chapter ( I )

681 12 2
                                    

My Bad Boy Prince  

storyline by toneewritestragedies

Chapter ( I )  

- 안 녕 안 녕 -

Paglapag pa lang ng eroplanong sinasakyan ko sa tarmac, sobrang hapit na akong bumaba at halikan ang semento dahil nandito na ulit ako sa Pilipinas! Sa wakas! Tatlong linggo din akong nawala kaya nakakamiss talagang bumalik dito.

Halos kumanta ako ng "Manila, Manila. I keep coming back to Manila. Simply no place like Manila. Manila, I'm coming home!" nang makatapak na ako sa arrival at immigration. Ang saya talaga! Namiss ko ang mga utol ko dito na hindi man lang ako sinundo. Mga hayup talaga 'yun e. Kung sabagay, wala naman silang alam sa personal kong buhay. Ang alam lang nila e nagbakasyon ako sa South Korea.

"Bram, wala ba tayong naiwan doon sa Palace?" Sabi ko doon sa bodyguard-cum-assistant ko nang makapasok na kami sa kotseng sumundo sa amin. Ewan ko, bigla ko na lang naalala na parang may naiwan ako.

"Wala po, Your Highness. Ako po ang huling lumabas ng kwarto niyo paglabas niyo." Sagot niya sa akin habang nakaupo siya sa passenger's seat at ako naman ay prenteng nakaupo sa back seat at nag-status sa Facebook na nandito na uli ako sa Pearl of the Orient Seas. Ang tamis!

Nagkibit ako ng balikat at iginala na lang ang tingin sa labas ng kotse. Biglang nag-flashback sa akin 'yung mga pinaggagawa ko sa South Korea. Binisita ko dun 'yung Papa ko at mga relatives ko. Tago at maingat ang pagdating ko doon pati na rin ang pag-alis ko dahil baka malaman ng mga tao lalong lalo na ng media na mayroong outsider na nakapasok sa Palasyo ng Gyeongbukgeong - outsider na hindi kanais-nais: putok sa buho, cast-away, illegitimate child. 'Yan ako. Anak ng Crown Prince ng South Korea. Oo, Korean ang Tatay ko pero Pilipino ako. Pinay ang Nanay ko. Isa siyang helper sa Palasyo nang makilala niya ang Crown Prince. Ewan ko kung bakit biglang may nag-spark sa kanila at nabuo ako.

Nang malaman ng elders at ng Royal Family na nagka-anak ang minamahal nilang Crown Prince sa isang commoner na nga, foreigner pa, sinesante nila si Mama at pinadeport pauwi dito sa Pilipinas hanggang sa ipinanganak ako. Pero kahit naman ganun, sinusuportahan naman kami financially ng tatay kong Crown Prince ng patago. Walang nakakaalam na kahit na sino sa real identity ko kahit kasama ko si Bram. Kunwari uncle ko siya para hindi halata kung ano ba talaga ang trabaho niya.

Nagpakasal sa iba ang Tatay ko kaso hindi naman sila nagka-anak kasi baog daw 'yung prinsesa at mas lalong 'di naman pwede si Mama dahil namatay siya nung 11 years old ako dahil sa tuberculosis kaya wala na talaga akong ibang kilalang kamag-anak. Kaya ito ang nangyari sa akin. Independent at gago. Hindi, chill lang naman ako. Hehe.

Tangina naman, ang drama ko. Dami ko nang sinabi. Ang bakla lang.

"Wala pa ding successor ang Crown Prince. Anong pakiramdam mo dun?" Natatawang tanong sa akin ni Bram paglingon niya sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko tapos nag-slouch sa upuan at ipinatong ang dalawang kamay sa likod ng ulo ko. "Paki ko sa kanila. Bahala silang magkagulo kung sino na ang Crown Prince. Ba't 'di na lang sila mag-ampon ng full-blooded Korean o kaya magpa-surrogate mother na lang? Tapos ang problema, 'di ba Abraham?"

"Kayo naman, Your Highness. Sa tingin nyo ba papayag ang Royal Family at ang elders? Gusto nila ng makalumang paraan. Kung walang choice, baka nga daw ang pinsan niyong si Princess Yoon Hee ang maging Crown Princess." Sabi niya sa akin.

"Si Yoon Hee? Aba good luck na lang sa South Korea pag nagkaganoon. Madaling maimpluwensyahan si Yoon Hee ng mga talipandas na Hudas sa paligid niya. Bakit ba naman kasi pinagkaitan ng anak at lalo na ng anak na lalake ang Palasyo? Kamalasan tuloy hahaha." Napailing na lang ako sa sinabi ko.

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon