3 : Silva

16 1 0
                                    



SELYRA LILY



Nakasunod ang mata ko sa bawat hakbang ng matipunong lalaki na naglalakad papunta sa direksyon kung saan naroroon ang podium na kinalalagyan ng mikropono.

Kulay abo na buhok na nakaparte sa gitna, maputing kutis pero bakas ang mga peklat ng hiwa sa mga kamay na siguradong nakuha sa espada na natamo sa pakikipaglaban, seryoso at hindi gaanong singkit na mata, sa unang tingin ay aakalain mong masama siya tumingin.


"Grabe naman ang titig mo sa Silva, crush mo ba?" napahinto ang pagsisiyasat ko nang may damuho na biglang nagsalita sa may tenga ko.


"Ang gwapo niya 'no?" Tanong niya at tinusok-tusok pa ang daliri niya sa tagiliran ko.


Bakla ata talaga ang isang 'to.


Hindi ko nalang siya pinansin at walang sulyap na hinawakan ang kamay niya para patigilin siya sa pagtusok sa tagiliran ko. May kiliti ako sa tagiliran, baka mabali ko ang daliri niya kapag ako tinamaan ng inis.


Hindi na rin naman siya kumibo at nangulit pa, kaya niya naman pala manahimik bakit hindi niya araw-arawin?


Muli 'kong itinuon ang atensyon ko sa stage upang makinig sa sasabihin ng Silva.


"Just as Captain Dagasa said, his majesty of the Hikura, our country, summoned me few weeks ago and gave an order to observe each of you, cadets in person to choose those who seem to fit our newly created elite guild, for further information that you might want to know, i am eager to acknowledge a few questions, anyone?"


Saglit na katahimikan ang namutawi sa buong field, kanya-kanyang bulungan na ani mo'y nagpapalitan ng impormasyon para makabuo ng katanungan.


"Sir Silva" Taas kamay ng isang lalaki pahiwatig na ito ay may katanungan, dahil siya lamang ang tanging kadete na nakataas ang kamay ay napunta ang tingin at atensyon ng mga tao sa kanya.


"Please, call me Silva Lei, what is it that you particularly desire to ask?" tanong ng Silva at bahagyang ngumiti.


" As we are all aware of, masyadong madami ang cadets, ano po yung magiging basehan para makapasok ang isang kadete sa sinasabing guild? " Tanong ni-ah sino ba 'to? Si Neon nga lang pala kilala ko dito.


" Very good question there, young man. As mentioned earlier, i will be observing each of you while in training and every week there will be a chosen candidates, as regard for those who are chosen, they will proceed in another week of training, does that answer your question, young sir?"


" Yes, thank you, Silva Lei" pasalamat nung lalaki at tumango tango pa, para tuloy siyang tanga.


Ah, parang matira-matibay ang aim ng bagong training. Agad naman may sumunod na nagtaas ng kamay, nawala na ata ang mga hiya dahil may nakapagsimula na magtanong.

Wings of The SovereignWhere stories live. Discover now