2 : Announcement

16 2 0
                                    



SELYRA LILY



"Sel, anong gusto mo sa 18th birthday mo?" tanong niya habang sinusuklay ang itim na itim kong buhok na hanggang bewang.


"Hmm? hindi naman tayo mayaman para magtanong ka ng ganyan" sagot ko na saglit niyang ikinatahimik, minsan talaga wala sa hulog ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.


"Magkakatrabaho na ako kaya tinatanong kita, gusto ko may maibigay man lamang ako sayo ngayong padating mong kaarawan" sagot niya at naramdaman ko na ang pag braid niya sa buhok ko. Kahit lalaki siya ay talagang pinag-aralan niya ang pag aayos ng buhok para sa'kin dahil ayaw niya raw na para akong araw-araw nakikipag sabunutan dahil sa buhok kong sabog.


"Trabaho? Bakit, may bakante na ba sa palengke? Pwede ako sumama, wala naman ako pinagkakaabalahan dito kaya marami akong libreng oras"


"Hindi sa palengke"


" Edi saan? May iba pa bang mapagtatrabahuhan dito sa sphere?"


Ihinarap niya ako sa kanya at hinawi ang buhok na humarang sa mukha ko, tumingin siya sa'kin na para ba'ng sinusuri niya ng maiigi ang bawat parte ng mukha ko para hindi mawala sa isip niya. Tumitig naman ako pabalik sa mata niya para ipaalam sa kanya na naghihintay ako sa sasabihin niya at handa ako makinig.


"Nagpalista ako bilang kadete"


Nakita kong bumuka ang bibig niya at narinig ko din naman ang sinabi niya ngunit hindi agad maproseso ng utak ko, para ba'ng nanlalabo ang pandinig ko at nabibingi.


"Ano ulit yun? P-Pakiulit nga" wala sa sarili ko'ng sambit at pinipilit sa sarili na baka mali lamang ang nadinig ko.


"Pasensya na, Sel, kung hindi ko muna pinaalam sayo. Alam ko din naman kasi na hindi ka papayag kaya hindi na rin ako nag abala na sabihan ka"


"Pakiulit ang sinabi mo kanina" 


"Sel, pasensya na talaga"


"Hindi yan ang sinabi mo kanina, ulitin mo 'yon. Gusto ko madinig ng malinaw"


Nangibabaw ang paghinga niya ng malalim, naramdaman ko ang paghawak niya sa dalawa 'kong balikat bago ibuka ang bibig niya para ulitin ang salitang pinapaulit ko.


"Nagpalista ako bilang kadete. Alam ko naman na hindi mo----" 


Wings of The SovereignWhere stories live. Discover now